#9 [02.02.2013]

3.3K 83 17
                                    

#9

[02.02.2013]

21st entry

Dearest TG,

Pang - ilang Sabado na ba 'to na wala ka?

Pupunta kami ngayon sa bahay - ampunan. Sosorpresahin namin sina Ria. Akala kasi nila, hindi kami matutuloy ngayon nina Aly dahil na rin sa praktis ng Fame. Nabanggit ko naman sayo yun dati diba? Na .. ako yung gaganap bilang female lead doon sa major production.

Huwebes ng hapon nung tuwag kami kina Sister Lourdes na ihingi kami ng sorry sa mga bata, pero hanggang sa huling minuto, nagbago ang desisyon ng karamihan, kaya nakansela ang praktis sana namin ngayong Sabado. 

Kamusta ka na ba diyan? 

Kung ako ang tatanungin mo, ganun pa rin naman ako. Tulad ng dati, wala pa ring nagbabago. 

Miss na miss pa rin kita.

At mahal na mahal.

Alam mo ba kung sino ang kapartner ko? Aynako. Wag mo ng tanungin, pihado namang nakikita mo siya mula diyan sa langit. At totoong nakakainis lang ng tunay ang pag - uugali ng taong yun. Hindi ko talaga siya maintindihan.

Binigyan niya ng mogu - mogu si Aly dahil sinabi ni Aly na paborito ko raw ang lychee. Ang lakas din ng tama niya sa ulo. Speaking of Aly, nalulungkot lang din ako para sa kanya. Alam mo ba, inamin nitong matalik kong kaibigan doon sa kapartner ko sa major production na ... gusto niya ito. Hindi nga lang masigurado ni Aly kung umiiwas ba talaga itong lalakeng tinutukoy ko sayo.

Si Arcane Trace.

O paano, hanggang dito na lang muna.

"Mahal na mahal pa rin kita. Ikaw lang."

Hinalikan ko muna yung diary ko bago ko ito tuluyang isara. Nakita ko doon sa unang pahina yung nakaipit na una't huling sulat ni Tey para sakin. Nakikita ko pa yung mga bakas ng luha, at humulas na tinta, dala na rin ng sobrang pag - iyak ko habang binabasa iyon.

Hindi ko man sinasadya, pero dagling lumitaw yung imahe ni Tey doon sa ospital limang buwan na ang nakararaan. Yung mga tubong nakakabit sa napakahina na niyang katawan, yung nakapikit niyang mga mata ... yung paghugot niya ng pinakamalalim niyang hininga: lahat ng iyan ay bigla kong naalala.

Kung pwede lang sana akong makabalik sa panahon, ginawa ko na ... at tulad ng lagi kong sinasabi, itatama ko ang lahat. Itatama ko ang lahat para mas humaba pa ang panahon para magkasama kaming dalawa. Para maiparamdam ko sa kanya ang pagmamahal ko ng buong - buo.

14:(0)3 - 14:(3)3Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora