#8 [1.30.2013]

3.3K 93 19
                                    

#8

[1.30.2013]




20th entry






HINDI ako sadista.

Lalo namang hindi ako masokista.

Pero sa nakikita ko ngayon, at sa takbo ng mga pangyayari, parang inaasar ako ng langit at ng tadhana.

Bakit?

"Rio, kanina ka pa hindi makapag - deliver ng lines mo. Ano bang problema?"


Tinatanong nila ako kung anong problema? E kung subukan kaya nilang makipagpalit sa posisyon ko?

"Tss. Ang dami kasing arte e."

Ako pa ang sasabihan niya ng maraming arte huh? Kapal talaga ng mukha niya.

"E kung inaayos mo kaya yung actions mo, e di sana, di tayo paulit - ulit. Hindi AKO paulit - ulit."

"Bakit sakin mo sinisisi yang katangahan mo? Ano bang mali sa ginagawa ko? Diba ang sabi sa script, tingnan kita ng mata sa mata,  hawakan kita sa pisngi, tapos sabihan kita ng mahal kita? Ganon lang kasimple. E ikaw 'tong maraming arte e!"


"Chillax lang, Arcane. Baka pagod lang si Rio."


"Ewan ko sa inyo. Ang lalabo niyo! Kayo na lang ang mag-practice. Tangina, nasisira yung sked ko para lang dito tapos aartehan niyo ko?"


At tuluyan na nga siyang lumayas sa lugar na aming pinagpapraktisan. Tss. Diyan naman siya magaling e. Sa pag - alis. 

Pero sa isang banda, ako rin naman ang may kasalanan kung bakit nagkakaganito. Kung bakit kami nagkakaganito.

Paulit - ulit at hindi namin maperpekto yung eksena. Hindi ko nga kasi masabi yung mga nakatalaga kong linya.

Hindi ko siya matingnan sa mata. 

Naaasiwa ako pag hinahaplos niya ako sa pisngi.

At higit sa lahat, naaalibadbaran ako pag sinasabihan niya ako ng mahal kita.


Kailangan ko pa bang sabihin ang dahilan?

Parang paulit - ulit na lang ako e.

14:(0)3 - 14:(3)3Where stories live. Discover now