#15 [03.07.2013]

3.3K 84 13
                                    

#15

[03.07.2013]

 

 

 

 

 

Last entry

 

 

 

 

DEAREST TG,

Ang bilis lumipas ng mga araw. Parang noong nakaraang Sabado lang, nandoon kami sa bahay – ampunan at sini – celebrate namin yung birthday ni Nick. Tapos ngayon, namalayan ko na lang na Miyerkules na pala. At oo, isang tulog na lang at ipeperform na namin yung Fame.

Hindi ko rin akalain na mabilis lang lilipas ang buhay 3rd year ko. Maraming nangyari, at oo ... aaminin ko naman na malungkot ako kasi maraming pangyayari sa buhay ko na mas sasaya pa siguro kung kasama lang kita.

Kaso, alam ko naman na may gustong ipaintindi sakin ang Diyos. Isa na doon siguro yung “Hindi lahat ng gusto ko, makukuha ko. At hindi lahat ng nakapagpapasaya sakin, mapapasakin ng matagal.” May mga bagay lang talaga dito sa mundong ‘to na madaling ipaliwanag, at may mga bagay din naman na sadyang hindi naipaliliwanag.

Tey, magpapakatotoo ako sayo. Kung tatanungin mo ako ngayon kung ikaw pa rin ba, hindi siguro kita mabibigyan ng diretsong kasagutan.

Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Siguro nga, buhat noong dumating siya sa buhay ko, doon na rin nagsimulang magulo ang tahimik ko na sanang mundo. Hindi naman sa nagsisisi ako na nakilala ko siya. Kaya lang kasi Tey, alam mo ba, buhat noong nakasalamuha ko na siya, may isang bagay siyang ipinaintindi sakin. At yung bagay na yun, hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa o ano.

Wish me ... siguro mas tamang sabihing ... Ipagdasal mo kami. Na sana, maging maayos ang lahat bukas at walang maging aberya.

Hanggang sa muli ...

P.S.

Sinabi nga pala sakin nina Ria na sana raw, dumalaw ka man lang daw sa panaginip nila. Miss na miss ka na raw nila e.

***

“OH, guys, remember ha, we can do anything simply because we are doing this for Him. Wag kayong kakabahan a? Andiyan lang naman si Sir para satin, susuportahan niya rin tayo along the way.” pampalakas loob na sabi ni Glenn, na halata namang kinakabahan din pero ayaw na lang niyang aminin.

“Kaya natin ‘to. One for all, all for one EMs!” saad naman ni Joy na may pinakamalakas na fighting spirit saming lahat. Buti pa ‘tong isang ‘to, ang bubbly pa rin kahit na ... nakangangatal ng todo yung gagawin namin maya – maya.

14:(0)3 - 14:(3)3Where stories live. Discover now