14:03 pt. 1

202 5 0
                                    


***

14:03.

***

MEDYO malayo rin ang nilakad ko pabalik doon sa building nila. Ang masaklap pa nito, kailangan ko pang pumunta doon sa likod ng building para makita yung TG na 'yun.

"Haynako, TG ka. Bakit ka ba ganyan?! Pinahihirapan mo kami."

Nagulat ako pagkakita ko doon sa lugar. Sa likod kasi ng building nila, may miniature na garden. Ang astig.

Parang hidden paradise.

Pero mas nagulat ako dahil sa nakita ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang – kilala ko yung taong 'yun.

Pamilyar na pamilyar sakin yung isang pigura na nakaupo don sa damuhan. Nakatalikod siya sakin kaya hindi ko makita yung mukha niya. Nakaharap siya sa mga bulaklak.

Nandito lang pala siya.

Kinakabahan na naman ako. Ayan na naman yung malamig na pakiramdam. Pero sa sandaling ito, hindi lang yun ang nararamdaman ko e.

Bakit parang masayang – masaya ako na nakita ko siya dito?!

Naglakas – loob na 'kong lumapit sa kanya. Wala na kong pakialam kasehodang sigawan man niya ako o ano. Hindi ako aalis sa lugar na 'to ng hindi siya kasama.

Nangako ako kay Ria.

"K-kanina ka pa namin hinahanap. Ayaw mo bang makipaglaro samin kasama ni Ria?!"

Alam kong nabigla siya dahil napapitlag siya pagkarinig sa boses ko.

"B-bakit ka nandito?!" Ang lamig ng pagkakasabi niya non sakin.

Kasing – lamig ng mga titig niya sa mata ko.

"T-tanda mo yung sinabi ko sayong project namin?! Ito yun. Bumibisita kami sa mga bata sa bahay – ampunan—"

--"Para ipakita mo sa kanila na kaawa – awa sila?! Na kaya kayo nandito e dahil kinaaawaan niyo yung kalagayan nila?!"

"Tey, hindi ganon. Gusto lang naming makatulong—"

--"Para ano, para ipamukha mo sa kanila kung gaano sila kamalas sa buhay?! Kung gaano sila kamalas dahil inabandona sila ng mga magulang nila at basta na lang iniwan sa kung saan?! Para maunawaan nila na kahit kailan, kahit sa anong panahon, hinding – hindi na sila babalikan ng mga taong mahal nila sa buhay?!"

"T-Tey, hindi ganon. H-hindi naman yun ang ginagawa namin e."

"Pero yun ang ipinaparamdam mo sa kanila. Sa amin. Sa akin."

"Tey .."

Naluluha na ko dahil sa mga sinasabi niya sakin. Nasasaktan ako. Unang una sa lahat, hindi ko naman akalain na isa pala siya sa mga bata dito. Na tulad nina Ria at ng iba pang bata dito, e naging biktima ng masalimuot na kapalaran.

Kapalarang kung tutuusin, hindi naman nila pinili. Hindi nila ginusto.

"Tey, sorry. Hindi ko .. H-hindi ko naman alam e."

"Ngayon alam mo na. May magagawa pa ba yang sorry mo?! Sabihin mo nga sakin, anong magagawa niyang sorry mo para maibsan yung sakit na nararamdaman ko?! Yung sakit na araw – araw e nagiging dahilan ng mga bangungot ko?! Rio, hindi mo kasi alam e. Wala ka kasing alam! "

14:(0)3 - 14:(3)3Where stories live. Discover now