#14 [03.02.2013]

2.9K 93 10
                                    

#14

[03.02.2013]

 

 

 

 

 

25th entry

 

 

 

 

SA totoo lang, miss na miss ko na si Aly. Si Sab. At si Pau.

Hindi ko na naman sila makakasama ngayon sa pagpunta bahay – ampunan. Nakakalungkot lang. Kapag normal ang sitwasyon, sama – sama kaming apat na bibisita at magbibigay – aliw doon sa mga bata, pero pag hindi naman ayos, mag – isa lang akong bumibisita at nagpupunta.

Hindi naman sa nagrereklamo ako sa pagbibigay – kalinga sa mga bata. Kaya lang, hindi ba, mas masaya kung apat kaming kasa – kasama nila? Kung apat kaming nakikipagtawanan at nakikipaglaro sa kanila? At kung apat kaming nagbibigay inspirasyon sa mga bata para patuloy silang mabuhayan ng loob at magkaroon ng pagasa. Ganito naman talaga dapat … kung naging maayos lang ang lahat noong una.

 

Mabuti na nga lang at nandiyan siya­­—si Arcane Trace para samahan at tulungan ako.

 

Tungkol naman kay Arcane Trace ..

Ewan ko. Hindi ko alam kung may nararamdaman na ba talaga ako sa kanya o nadadala lang ako ng mga pangyayari sa pagitan namin. Ibig kong sabihin, babae lang din ako, at madali akong maapektuhan lalo na’t alam kong nangungulila ako sa pagmamahal ng mga magulang ko … at sa pagmamahal na rin niya.

 

Pero, kung tatanungin naman ako ng mga tao sa paligid ko, isa lang ang maibibigay kong sagot.

OO, gusto ko na siya … pero, si Tey pa rin ..

Si Tey pa rin talaga ang hinahanap ng puso ko.

Siya nga kaya?

 

O baka, sadyang ipinipilit at idinidikta ko na lang sa puso ko na siya ang nararapat ko talagang mahalin?

 

Siguro nga, padalus – dalos ako at basta na lang ako nagsasalita ng tapos, na kesyo mahal ko na si Arcane Trace at tuluyan ko na sigurong nakalimutan ang nararamdaman ko para kay Tey, kaya lang … marami pang mangyayari at hindi naman kasi ganoon kadali ang lahat.

Wala pang isang taong namamatay si Tey, at ang sagwa namang tingnan kung … kung magkakaroon kami ng relasyon ni Arcane Trace gayong sa paningin ng mga bata sa bahay – ampunan e ang kuya TG nila ang mahal na mahal ko.

Pero bakit ba isang seryosong relasyon agad ang iniisip ko? Ganito ba katindi ang epekto sakin ni Arcane Trace, na umaabot sa puntong siya ang naiisip ko kung seryosong relasyon ang pag – uusapan?

14:(0)3 - 14:(3)3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon