#13 [02.27.2013]

3K 78 13
                                    

#13

[02.27.2013]

 

 

 

  

24th entry

 

 

  

Dearest TG,

 

 

 

NAPANAGINIPAN na naman kita. Pero, sa pagkakataong ‘to, nakakatawa, kasi .. matagal tayong nagkasama. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nangyari, pero sabi nga niya, halos hindi na raw ako gumigising. Isang linggo raw akong natutulog, at iyon ang siyang bagay na lubhang ipinagtaka ko.

Ibig palang sabihin, halos isang linggo rin tayong nagkasama sa parehong lugar?

 

Sayang. Oo, nanghihinayang ako dahil hindi ko matandaan yung iba pang detalye. Yung iba pang bagay na napagusapan natin, yung iba pang mga naganap sa pagitan nating dalawa. Malupit talaga ang tadhana, tila ayaw nitong pumayag na makasama na kitang talaga.

 

Kaya pala hindi ka gaanong masaya ng malaman mong hanggang ngayon, ikaw pa rin ang mahal ko. Na hanggang ngayon, ikaw pa rin ang itinitibok ng puso ko. Pero Tey, sa totoo lang, ako mismo nahihirapan na. Bakit? Alam ko namang ako mismo ang nananakit sa sarili ko, sa damdamin ko .. dahil yung taong minamahal ko, hinding – hindi na babalik sakin kahit anong dasal man ang gawin ko.

Makasarili na ko kung makasarili. Pero, hindi talaga kita maintindihan. Sinabi mo sakin na kailangan kong buksan ang mga mata ko para magising ako .. ginawa ko naman lahat, ginawa ko naman ang mga sinabi mo .. at alam na alam mo namang gagawin ko lahat ng anumang bagay na nanaisin mo.

Pero ang hindi ko lang matanggap, ay ang tahasan mong pagtulak sakin papalayo sayo .. at papalapit naman sa kanya.

 

Ayaw mo na ba talagang mahalin kita?

 

Hindi naman ako sumusuko e. Hindi ko lang din maintindihan ang mga bagay na sinabi mo sakin noon .. na, “alam ko naman kamo sa sarili ko na may nararamdaman ako sa kanya, pinipigilan ko lang.”

Pero Tey, ito kasi ang totoo e. Higit kaninoman, ako lang ang nakakaalam na hanggang ngayon, ikaw pa rin at tingin ko ..

Ikaw lang ang gusto kong mahalin.

 

Sana, mapadalas ang pagkikita’t pag – uusap natin .. pero wag naman sanang  ma – comatose ako ulit para lang mangyari iyon.

 

Mahal na mahal—pagamit nga muna nito, baka kasi sawa ka na sa magic word e ..

14:33.

14:(0)3 - 14:(3)3Where stories live. Discover now