#3 [1.19.2013]

4.1K 111 26
                                    

#3

[1.19.2013]

 

 

 

 

15th entry

 

 

Dearest TG,

 

 

           

Ang kapal ng mukha niya. Hindi ko siya mapapatawad.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at bigla na lang siyang nagpatawag sa pangalan mo. Hindi ko alam kung anong motibo niya, pero sa totoo lang .. naiinis ako, nagagalit, at nawiwirduhan sa inaasal niya at mismong sa kanya.

Gusto ko pa man din siyang kaibiganin noong una pero nagbago na ang isip ko.

Hindi mo alam kung sinong tinutukoy ko ‘no? May kaklase kasi ako, Arcane Trace Ramirez ang pangalan. Noong nagpakilala siya samin, ang sabi niya .. tawagin na lang daw namin siyang “Arcane” pero kailan lang .. sinabi niyang .. haay, mas gugustuhin daw niya kung tatawagin siya sa pangalang “Tey.”

O diba, sinong di mawiwirduhan!?

Sa totoo lang, marami sa mga kaklase ko ang naaasar sa ugali niya. Masyado siyang maka – sarili, wala siyang pakialam sa damdamin ng ibang tao, masyado siyang negatibo, at ewan ko kung bakit .. pero para siyang may sariling mundo. Nagkaroon ng di – pagkakaunawaan sa klase noong isang araw dahil sa kanya. Nagtatalo kasi kami kung ano nga bang magandang i – adapt para sa major production namin sa March.

Nahihirapan na kaming mga class officers sa pag – aayos at sa pagpaplano. Wala na kaming oras para sa mga sarili namin.

Pero aaminin ko ang totoo.

Sa kabila ng pagiging busy ko, may mga bagay pa ring hindi nagbabago.

Hindi ka nawala sa isip ko.

Miss na miss na miss pa rin kita, at .. at .. at ..

“HANGGANG ngayon, ikaw pa rin.”

 


Isinara ko na yung diary kasabay ng malakas na buntong – hininga ko.

14:(0)3 - 14:(3)3Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin