14:(0)3 - 14:(3)3 [EPILOGUE]

4.6K 183 64
                                    

***

 

EPILOGUE

 

 

 

 

 

 

 

ANIM na taon ang mabilis na lumipas. Napakahirap magmove on noong una. Pero, diba, ito naman talaga yung isang aral na kasama sa pagibig? Sa sandaling magmahal ka na, kailangang ihanda mo na rin ang sarili mo … maghanda ka na para masaktan.

Hindi ko ibinabaon sa limot yung nararamdaman ko para sa kanya. Siguro, mas tamang sabihing isinasantabi ko lang. Kung hindi ko gagawin ‘to, hindi ako makapagpapatuloy para mabuhay.

Maraming himalang nangyayari sa buhay ng tao. Sa kaso ko, at sa kaso ng mga importanteng tao sa paligid ko, kitang – kita kung ano ang mga himalang tinutukoy ko.

Grumaduate kami ni Aly bilang Cum Laude, at sobrang saya namin dahil nagbunga lahat ng paghihirap at pagtitiyaga namin sa pag – aaral. Yung dalawa naman, ayun … graduates na rin. Paminsan – minsan, nagkikita kami lalo na kapag nakakahanap kami ng pagkakataon.

Magkasamang nagtetraining ngayon sa Singapore sina Sab at Pau para sa isang seminar. Math teachers ang dalawa kong bestfriend. At ang alam ko, next week na ang balik nila. Nagbilin nga kami ni Aly ng maraming pasalubong e. Syempre, excited din kaming magkita – kita.

Binibisita ko madalas ang puntod ni Tey sa Hidden Paradise. Hindi ko naman siya syempre isinantabi sa buhay ko. Pag kailangan ko ng kausap, lalo na sa mga panahong busy sina Aly, sa kanya ako pumupunta. Napapangiti na lang ako kapag sumasagi sa isip ko yung mga ala – ala naming dalawa. Ang haba na pala ng panahong lumipas.

Si Aly, ayun. Naghahanda sa kasal niya next month. Nasa Hongkong nga yun ngayon dahil namimili ng mga souvenirs at ilan pang gamit. Ang swerte nga niya kay Mike e. Oo, tama kayo. Silang dalawa ang nagkatuluyan. Niligawan siya ni Mike noong 4th year college kami, at ayun. Limang taon at anim na buwan silang tumagal bilang magkarelasyon, hanggang sa napagdesisyunan nilang magpakasal na. Mahal na mahal talaga nila ang isat – isa.

Kung itatanong niyo yung tatlong makukulit na bata?

Actually, kagagaling ko lang sa bahay – ampunan. Masayang – masaya nga si Sister Lourdes dahil sa balitang dala ko e. Legal ko na kasing inadopt sina Ria, Nick at Paul. Kahit na 11 years old na silang pare – pareho, pakiramdam ko, 5 years old pa rin sila … at sila pa rin yung mga bata na binibisita namin madalas, para makipaglaro, para makipagtawanan, at higit sa lahat, para makipagsaya. Tinupad ko yung pangako ko sa sarili ko na darating ang araw at ako ang tatayong legal na ina ng mga batang ‘to.

Tungkol naman kay Arcane Trace …

Wala e. Wala akong balita. Siguro, nakalimutan na niya yung nararamdaman niya sakin. Tama nga siya sa maraming bagay. Tama rin na hindi siya nangakong babalikan niya ako. Ang galing niya. Alam niya sigurong ayaw kong umasa at maghintay sa wala.

Pero sa totoo lang, miss na miss na miss ko na siya. At kung may isang bagay pa akong hihilingin sa Kanya, yun e yung sana … magkita man lang kami ulit.

Kaso, alam ko namang malabo yun. Kasi kung mangyayari yun, e di sana, nagkausap kami. Ang daming paraan. May Internet naman. Pagkatuntong kasi namin sa 4th year, wala na. Hindi na kami nagkausap. Nagdeactivate siya ng social network accounts niya kaya kahit isa, wala akong balita ukol sa kanya.

14:(0)3 - 14:(3)3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon