Four.

8.7K 192 29
                                    

Four.

 

***

 

 

 

BUHAT nong araw na ‘yon, hindi na siya naalis sa isipan ko. Ilang beses akong nagbabakasakali na muli siyang makita doon sa canteen, pero wala. Hindi ko na siya ulit nakita.

Siguro sadyang curious lang din talaga akong malaman kung sino siya. Ganon naman talaga diba?!

Kapag interesado ka sa isang tao o bagay, gagawa’t – gagawa ka ng paraan para magkita kayo, para magkakilala kayo. At para makapag – usap kayo.

Pero teka, lilinawin ko lang ha. Hindi ako stalker.

Interesado lang talaga ako sa kanya dahil tulad nga ng sinabi ko, hindi ko alam kung bakit, pero .. naging misteryo na siya sakin.

Sabi nga ng mga kaibigan ko, hibang na raw ako. Hindi sa kanya, pero sa ginagawa ko. Nahihiwagaan na nga rin sila dahil sa inaasal ko e. Ako raw yung tipo ng tao na pinaka – huli mong iisiping magkaka – interes sa buhay ng tao. Lalo na kung lalake pa.

Gusto ko lang laging tumulong. Pero hanggang doon lang yun. Ayokong mang – himasok sa buhay ng may buhay hanggat maaari. Kaya nga nag – init ang ulo ko nong mapagbintangan niya akong nanghihimasok sa buhay niya e.

Marami silang sinasabi. Nakakapagtaka naman daw kasi talaga kung bakit sa isang iglap e naging interesado ako sa isang lalake. Lahat naman ng assumptions nila ukol sakin, gumugulantang sa pagkatao ko. Lalo na nung sinabi nilang lahat na ..

“Baka naman, may gusto ka na sa kanya?!”

 

Syempre, alam ko naman sa sarili ko ang totoo. Ayoko mang gamitin ang pangalan Niya, pero sa ngayon, alam kong Siya lang bukod sa sarili ko ang makapagpapatunay na hindi ako nagsisinungaling.

Ang isinagot ko na lang sa kanila ..

“Wala akong gusto sa kanya. Alam ng Diyos ‘yan. Interesado lang talaga ako don sa tao.”

Inaasahan ko ng hindi sila maniniwala sakin. Nasanay kasi sila na ang bukambibig ko lagi e yung mga kinahihinatnan ng outreach programs namin.

“Nga pala Rio, sa Saturday may bibisitahin na naman tayong orphanage. Maghanda ka na ha. Baka kasi mas maraming bata don kumpara sa ibang orphange na binisita natin.” Sabi ni Sabel na mistulang kakambal ni Pau, isa sa pinaka – makulit sa grupo.

Teka. Napaisip ako. Anong araw ba ngayon?!

Ah, Martes pa lang pala. May apat na araw pa ko para makapaghanda.

“Oh sige. Ako na bahala. Basta, tulungan niyo na lang akong makapaghanda nong ibang pagkain para sa kanila.” Sagot ko sa kanila.

                                                                                              

“Syempre naman. Hindi naman pwedeng iasa na lang namin lahat sayo. Marunong din naman kaming mahiya ‘no.” Si Aly, yung isa sa mga bestfriend ko.

“Akala ko kasi hindi e.”

 

Natawa na lang kaming lahat dahil sa sagot ko. Kahit naman kasi hindi ako marunong magalit, alam ko naman kahit papano kung paanong maging komedyante. Lahat naman kami sa grupo may kanya – kanyang katangian. Pwedeng kahit sino, maging joker, maging banatera. Kasama na ko.

Naghiwa – hiwalay na kaming apat pagkatapos. Si Sabel at Pau kasi, may klase pa. Kami naman ni Aly, wala na.

Hindi ako sumabay kay Aly pauwi dahil may dadaanan pa ko. Pinauna ko na lang siya dahil nakakahiya naman kung maghihintay pa siya sakin.

Bumalik muna ko sa org office namin dahil kinuha ko yung mga materyales na kailangan ko. Pagkatapos, isinara ko na at pumunta na ko don sa pupuntahan ko.

“Hay, ang tagal ko ring hindi nakadalaw dito ah?! Ang lalaki niyo na. Tsaka, mas gumaganda kayo ngayon kumpara dati.”

Buhat nong freshman ako, naging ugali ko ng bumisita dito. May nangyari kasi sakin nong araw na dinala ako ng mga paa ko dito e. Hanggang sa inaraw – araw ko na at hindi ko na namalayang napamahal na pala ko sa lugar na ‘to.

Kinuha ko na mula sa supot yung mga materyales. Kailangan ko kasing matapos ‘to bago mag – Sabado para naman may maipamigay ako doon sa mga bata.

Oo nga pala.

Volunteers kasi kaming apat na magkakaibigan. Isa lang yung outreach programs na ginagawa namin sa mga proyekto nung org na kinabibilangan namin. Masaya naman kami dito. Ginagawa namin to hindi lang dahil course requirement kundi dahil gusto din naming makatulong sa kapwa.

Nakatapos na ko ng dalawa ng may nagsalita. Literal na nagtayuan lahat ng balahibo ko sa katawan.

“Akala ko, normal kang tao. Yun pala ...

 

 

 

 

May sayad ka rin tulad ko.”

14:(0)3 - 14:(3)3Where stories live. Discover now