CHAPTER 63

1.1K 46 0
                                    

SAMARA'S POV


Dahan-dahan akong lumapit sa kama kung saan nakahiga ang walang malay na si Primo. May tatlong oxygen na nakakabit sa kanya. Ang amo nang mukha n'ya, kahit nasa ganitong kalagayan s'ya, hindi ko pa din mapigilang mamangha dahil sa kakisigan n'ya.

"Ang gwapo mo, Primo. Ang gwapo ng asawa ko" umupo ako sa silyang malapit sa kama n'ya at hinahawakan ang kamay n'ya.

"Primo. Cookie, ayos ka lang ba d'yan? Kapag nahihirapan kana d'yan, gigising ka lang a! Mag hihintay ako sa pag gising mo. Alam mo ba! Isang araw ka palang nakahiga at nakapikit d'yan, namimis na agad kita. Yung mga banat mo, kahit ang sagwa pakinggan, namimis ko yun! Di bale nang minamanyak mo ako, basta nakikita lang kitang nakangiti sa harapan ko, ayos lang! Yung pagiging bipolar mo sa mga kaibigan mo, alam kong ayos lang din sa kanila yun, ang importante, kasama ka namin. Kasama ka nga namin ngayun, pero nakahiga ka naman d'yan na parang patay" humihinga muna ako ng malalim, pagkatapos hinaplos ang pisngi n'ya.

"Ang swerte ko, dahil sobrang gwapo ng asawa ko! Sobrang mapagmahal mo, kaya hindi na ako magtataka kung bakit sobrang mahal ka din nang mga taong nakapaligid sa'yo. Kahit may pagka demonyo ka, lamang pa din naman ang pagiging mapagmahal mo, kaya ayos lang yun. Ipapaalala ko sayo araw-araw na may mga tao kapang babalikan, may mga tao pang deserve sa pag gising mo. Primo, isang araw palang kang na comatose ay parang isang taon na para sa akin, sobrang sakit makita kang naka depende nalang sa oxygen" inilapit ko ang ulo ko sa ulo n'ya habang hawak-hawak ko ang kamay n'ya.

"Gising kana! Miss na miss na kita! Gusto ko nang masilayan muli ang mga ngiti mo! Wag naman ganito, hindi ito ang gusto ko para sa ating dalawa. Nawala kana sa akin noon, pag dudusahan ko na naman ba yun ulit? Primo, tulungan mo akong lumaban ha, pati sina kuya, hinihintay ka nila, yung mga magulang mo? Dadating ngayun, hindi ko alam kung paano ko sila haharapin. Diba nangako kang ipaglaban ang pagmamahalan natin? Hindi naman sa ganitong paraan yun diba? Hindi sa ganitong paraan natin haharapin ang pag iibigan natin. Gigising ka diba? Mag papakasal pa tayo ulit sa simbahan, yung masasaksihan ng mga magulang natin at nang buong mundo, kahit imposible, gagawin natin yun! Ipapaalam natin sa buong mundo na tayo lang ang para sa isa't isa, kaya please, gigising kana!" Isinubsob ko ang mukha ko sa leeg n'ya at hinayaan lang ang sariling ilabas ang sakit. Ganito lang ang paraang alam kong makakabawas ng sakit.

Kahit nakakaramdam na ako ng pang hihina ay patuloy ko pa ding nilalabanan yun. Mag pakakatatag ako para sa lalaking mahal ko. Alam kong ganito din ang ginagawa n'ya nung ako ang na coma, kaya ito din ang gagawin ko. Napahinto naman ako sa pag iyak ng marinig kong bumukas ang pinto. Lumingon ako at nakita ko ang nasa edad 40 na babae at edad 50 pataas na lalaki. Kasunod nito si kuya at yung apat.

Dahan-dahan itong lumapit sa amin at tila hindi makapaniwala sa nakikita.

"Diosko, anong nangyari sa anak natin, Alejandro?" Hiyaw ng babae, kaya napagtanto ko na mga magulang sila ni Kai.

"Kai, anak" umiiyak namang lumapit ang daddy n'ya sa kama at niyakap ito ng mahigpit.

Dahan-dahan akong umatras sa likuran nila at hinayaang yakapin ang anak nila. Naiintindihan ko ang mga inasta nila dahil magulang sila, wala nang mas masakit pa sa isang magulang na makita ang anak nila sa ganyang kalagayan.

Ilang minuto ang nakaraan at ganun pa din, umiiyak pa din sila, kaya lumapit ako sa kanila at nagsasalita.

"Ma'm, sir" sabay naman silang napalingon sa akin, kahit na may pagtataka sa mga mukha nila. Dahan-dahan kong binaba ang tuhod ko para lumuhod. Narinig ko namang napa singhap sila kuya sa ginagawa ko, pati na mga magulang ni Kai. "This is all my fault. Ako ang dahilan kung bakit nagkaganyan ang anak n'yo. Selfish ako, hindi ko inisip na pwedeng hahantung sa ganito ang lahat. Sa kabila nang kabaitan at sobrang pagmamahal nang anak n'yo sa akin, nagawa ko pa din s'yang talikuran na hindi s'ya iniisip. Sisihin n'yo ako, dahil deserve ko ang ganun. Kulang pa yun para pagdusahan ko ang mga nagawa ko. Kahit alam kong hindi n'yo ako mapapatawad, hihingi pa din ako ng tawad" nakayuko akong lumuhod dito sa harap nila. Hilam sa luha ang mga mata, at sumisikip ang dibdib.

Nakita ko naman ang mga paa nila na naglalakad palapit sa akin. Umupo ang mama ni Kai sa harap ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Ikaw pala, ikaw pala ang babaeng minahal ng sobra nang anak ko. Alam mo bang bukang bibig ka n'ya sa tuwing magkaroon kami nang bonding. Hindi ako nagtataka dahil ganun talaga ang anak ko, mapagmahal. Pero ija, hindi ka namin sinisi, dahil nakita ko kung gaano ka kamahal ng anak ko. Wala kaming karapatan na sisihin ka dahil si Kai ang nag mamay-ari sayo. Lahat ng pag aari n'ya, nirerespito namin. Lahat ng mahal n'ya, mahal namin. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo, dahil walang may gusto nito. Kapalaran, ito ang kapalaran ni Kai, kapalaran mo, kapalaran nating lahat, ang makitang naghihirap s'ya sa ospital bed na yan. Kaya wala tayong ibang magawa ngayun kundi mag tulong-tulong na magdasal na sana, gigising na s'ya. Sana, tama na ang paghihirap ng anak ko, dahil sa totoo lang hindi n'ya deserve ang ganyan" umiiyak na saad n'ya, pagkatapos niyakap n'ya ako nang mahigpit. Naramdaman ko naman na tinapik nang papa ni Primo ang balikat ko.

Kaya pala ganun si Primo, dahil gaya n'ya, napakabait pala ng mga magulang n'ya at mapag mahal.


VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Where stories live. Discover now