CHAPTER 3

3.5K 126 18
                                    

SAMARA'S POV

NANDITO ako sa canteen kumakain. Nagugutom ako kakahintay kay prof. Sana sinabi niyang hindi siya papasok ngayon, para naman hindi ako maagang nagising. Hindi pa naman ako masyado nakatulog kagabi dahil sa pinang-gagawa nung Kai na yon.

Kumagat ako nung binili kong sandwich at uminom ako ng juice.

Napatigil ako sa pag inom ng may narinig akong sumisigaw sa kabilang dulo ng canteen. Tumayo ako at nag punta sa kong saan may sumigaw na babae.

Nakita ko sina Cheska na nakatayo habang may pinapalibutan na babae. Naawa ako sa babae dahil binuhusan nila ito ng mainit na sabaw.

Dali-dali kong nilapitan ang babae at pinapatayo. Nabigla naman ang mga taong nakatingin sa pinang-gagawa ng limang impaktang mukhang palaka.

Ibinigay ko sa kanya ang panyo ko at humarap ako kay Cheska.

"Hilig niyo talagang mang gulo ano? Wala ba talaga kayong magawa sa buhay o sadyang baliw lang talaga kayo at kulang sa pansin. Pati mga taong walang ginagawang masama sa inyo pinag dedisketahan n'yo? Ganyan naba kayo ka desperada kaya't nagawa niyong libangan ang pananakit ng ibang tao?" Mahaba kong singhal sa kanila. Pati ata ugat sa leeg ko lalabas na.

Inis na inis ako. Inis na inis ako kapag may nakita akong taong sinasaktan.

Lumapit siya sa akin at tinulak-tulak ako gamit ang hintuturo niya.

"Alam mo ikaw, napaka pakialamera mo. Bakit hindi mo nalang atupagin yong mga lalaki mo, o baka maghanap ka nalang ng lalaki instead na makialam ka sa mga diskarte ko, total malandi ka naman diba?" Pang iinsulto niya sa akin.

Pinilit kong pinakalma ang sarili ko, baka makapatay pa ako ng palakang nagmumukhang tao ng wala sa oras.

"Really? You know what? Those words is really suit for you. Bakit hindi mo tingnan yang sarili mo o kaya manalamin ka muna, para naman malaman mo kong sino ba talaga ang mukhang malandi sa ating dalawa. Saka mo nalang ako pagsasalitaan ng ganyan kapag napapatunayan mo na sa sarili mo, na yong mga binibitawan mong salita, ay hindi sa sarili mo tatama, hmf?" Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis.

"How dare you!" Sasampalin niya sana ako pero nasalo ko ang kamay niya.

Napatingin naman ako sa mukha niyang nagulat at naka nganga habang mulat na mulat ang mga matang nakatingin sa pala-pulsuhan ko.

"P-Pano mo n-nakuha yan?" Utal at parang hindi makapaniwalang tanong niya sa akin habang nakatitig pa rin sa pala-pulsuhan ko.

Nagtataka naman ako sa inasta niya. Pero kalauna'y ngumiti din ako ng marealize ko kung para san ang pagkagulat niya.

"It's for you to find out" hinablot ko ang kamay ko na hawak niya at iniwan siyang nakatulala.

Lumapit ako sa babaeng pinag tripan ni Cheska kanina at hinila ko palabas. Pagdating namin sa labas ay binitawan ko na ang kamay niya.

"Sa susunod, lumaban ka na. Wag mong hahayaang aapak-apakan ka nila" sabi ko sa kanya sabay talikod.

"Wait,"

Huminto ako at lumingon sa kanya. Lumapit siya sa akin na may ngiti, nagulat naman ako nong niyakap niya ako.

"Maraming salamat" sabi niya at umahon sa pagkakayakap sa akin.

Tumangi lang ako.

"Ako nga pala si Norine Roxas" nilahad niya ang kamay niya. inabot ko naman ito nakipagkamay sa kanya.

"Ako naman si Sama-"

"Samara. Samara Fuentes. Alam ko, kilalang kilala ka dito sa pagiging amazona mo" sabi niya sabay tawa.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Where stories live. Discover now