CHAPTER 32

1.1K 54 1
                                    

SAMARA'S POV


"What? Really?" Naka awang ang mga bibig na tanong n'ya sa akin.

"Oo nga. Nag offer s'ya sa akin. Gagawin daw niya akong model" simpleng sagot ko.

Inistart na niya uli ang sasakyan. Mabagal na ngayon ang pag patakbo niya. Nakatoon uli s'ya sa daan at tumango-tango pa.

"Anong desesyon mo?"

"Wala pa nga. Iisipin ko muna ng mabuti. Baka mag conflict lang yung time ko. Mas importante kasi sa'kin yung pag aaral ko"

"Sabagay. Pero kapag modeling hindi naman ata lahat ng oras mo andun? Diba?"

Napangiti nalang ako sa sinasabi ni kuya.

"Oo nga no. Ang talino talaga ng kuya ko"

"Tss, ang sabihin mo. Pre-occupied 'yang utak mo ngayon? Bakit? Ano na naman ba ang iniisip mo?"

Napawi naman ang ngiti ko, at bigla ko nalang na aalala ang lalaking sumagip sa akin kanina. Sino kaya 'yon? Bakit bigla nalang s'yang nawala? Is it possible na kakilala ko siya? Bakit bigla nalang s'yang umalis ng hindi ko nakikita ang pag mumukha n'ya?


VOTE.
"Sam"

Lumingon ako kay kuya at nginitian s'ya.

"Kanina. Tatawid na sana ako sa kabila ng daan kaya lang muntikan akong ma bangga ng isang sasakyan. Kung hindi ako hinila nung lalaki, baka nasa hospital na ako ngayon, o di kaya kabaong na ang bagsak ko"

"What? Mag iingat ka naman bunso. Ano ba yan! Saka sino yung lalaki?" Medyo tumaas pa yong boses n'ya.

"H-Hindi ko alam. Hindi ko nakita ang mukha n'ya, dahil bigla nalang siyang umalis"

Narinig kong bumuntong hininga si kuya.

"Sa susunod mag iingat ka. Hindi sa lahat ng panahon may mga taong mag ligtas sa'yo"

Tumango nalang ako kahit hindi n'ya ko nakita. Tama nga si kuya, hindi sa lahat ng panahon may magliligtas sa akin. Bakit ba hindi ko magawang ingatan ang sarili ko? Bakit ba ang lapitin ko ng desgrasya? Dapat matoto akong mag ingat, dahil pakiramdam ko walang akong silbi. Para akong isang bagay na naka depende lang sa may ari.

Haist. Be independent naman Samara Fuentes.

NAKAHIGA ako sa kama ko habang tinitigan ang calling card na bigay ni Ms. Bannie. Susubukan ko kaya 'to. Wala naman sigurong mawawala. Besides gusto ko na ding mag sarili. Gusto ko, na yung perang ginastos ko ay galing sa sariling sikap. Ayaw kong habang buhay nalang na umasa kay kuya.

Gusto kong maramdaman sa sarili ko na may silbi pa pala ako. Gusto kong iparamdam kay kuya na hindi s'ya nag kakamali sa pag papalaki sa akin, hindi s'ya nag kakamali sa pag alaga n'ya sa akin. Panahon na siguro na ako naman ang mag alaga kay kuya.

Kinuha ko yung phone ko, at nag dial ng number ni Ms. Bannie. Nakakatatlong ring lang ako at agad na n'ya itong sinagot.

[ Hello? Who is this? ]

I took a deep breath bago nag salita.

"Ms. Bannie, this is Samara Fuentes. Yung kausap mo kanina"

[ A, Oo, yung magandang babae? Ano, naka pag desesyon ka na ba? ]

"Hmp, kailan po ako mag sisimula?" Deritso kong tanong sa kanya. Kinabahan pa ako, baka mag bago ang isip n'ya dahil sa sobrang excited ko.

[ Kung gusto mo, bukas agad ]

Napangiti naman ako sa sagot n'ya.

"Hmp, sige po Ms. Bannie. Maraming salamat ho"

[ Sige, hija. Aasahan ko ang pag sisimula mo bukas. Naku, excited na akong makita kang nag ta-trabaho sa akin ]

"Hehe, sige po"

Napangiti nalang uli ako bago ko binaba ang phone.

This is it! Panibagong buhay, panibagong pag-asa. Kaya mo 'to Sam.

Alam kong kahit naka depende ako sa mga taong naka paligid sa akin, may kakayahan akong gumawa ng mga bagay na pinag hihirapan ko, and that is all i ask. Ayoko nang umasa sa mga taong hindi habang buhay mananatili sa akin.

Nilapag ko ang calling card sa kama ko. Tumayo ako at nag lakad papunta sa nakabukas na bentana ng kwarto ko. Nilanghap ko ang hangin galing sa labas at iginala ang mga paningin sa malawak naming bakuran. Madilim na, tanging ilaw nalang galing sa mga poste ang nag sisilbing liwanag.

Iginala ko pa ang paningin ko, at napakunot nalang ang noo ko dahil sa taong nahagilap ng paningin ko. Nakasandal ito sa kotse habang nakatingin dito sa pwesto ko. Hindi ko maaninag ang mukha n'ya dahil naka cap ito. Ngunit hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko, parang pamilyar sa akin ang lalaki.

Mas lumalim ang pag kunot ng noo ko dahil tumalikod na ito at pumasok sa sasakyan. Yung posture n'ya, hindi ako maaring mag kakamali.

"P-Primo" bulong lang 'yon, ngunit tila nakakarinig s'ya dahil lumingon ito sa direction ko.

At ganun nalang ang pag kalabog ng dibdib ko ng magtama ang aming paningin. Napahawak pa ako sa dibdib ko at mabilis na lumabas ng kwarto. Patakbo akong bumaba ng hagdan at deritso lang ang tingin ko sa pintuan ng aming bahay.

"Sam"

Hindi ko na pinansain si kuya, dahil isa lang ang gusto ko, ang maabutan ang lalaking hinintay ko ng ilang buwan.

Paglabas ko ng bahay ay s'ya namang pag alis ng sasakyan ni Kai. Tumakbo pa rin ako, hanggang sa makalabas ako ng gate. Hingal na hingal akong nakatingin sa papalayong kotse.

"K-Kai naman kasi e" pinadyak ko ang mga paa ko dahil sa inis.

May araw ka rin sa akin na hinayupak ka. Pinapahirapan mo ako ng ganito? Pwes, papahirapan din kita. Humanda ka talaga, mag lalaway ka talaga sa 'kin.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon