CHAPTER 58

1K 45 0
                                    

SAMARA'S POV


Nang wala akong makuhang sagot mula kay Dustine, ay si kuya ang hinarap ko.

"Kuya! Please, sabihin n'yo na sa akin ang totoo! Anong sakit ni Primo?" Nanginginig ang boses na tanong ko sa kanya. Kahit hindi ko pa alam ang sakit ni Kai, ay nanginginig at nanghihina na ako.

"Marky, May karapatan si Sam na malaman ang totoong kalagayan ni Prime"

Tumango naman si kuya kay Dieg, at dahan-dahan itong lumapit sa akin at pinaupo ako sa isang upoan dito sa loob ng kwarto. Sina Ethan, Clark, Dustine at Dieg naman ay naka upo na din sa lapag.

"Na aalala mo noong panahon na may nangyaring bandalism sa university, at nung nasaksak ka?" Tanong ni kuya sa akin.

Tumango lang ako. Ayaw ko nang magsalita pa, ang gusto ko lang gawin ngayun, ay ang makinig na lamang nang sa ganun mauunawaan ko ang kwento.

"Isa pala yung patibong. Patibong na ang may kagagawan ay si Kieran, para makuha n'ya ang isang USB na pinakaiingatan ni Prime" bumuntong hininga s'ya bago pinagpatuloy ang pagsasalita "Noong panahon ding yun, nalalaman ni Prime na ang kasabwat ni Kieran ay ang pinagkakatiwalaan n'ya sa KAIPEN UNIV. Walang iba kundi ang tito n'ya, ang kapatid ng kanyang ina"

Nagulat man sa nalalaman ngunit hindi pa din ako umimik. Mamaya nalang ako mag tanong kapag tapos nang mag kwento si Kuya. Gusto ko na talagang malaman kung anong sakit ni Kai, pero gusto ko din malaman ang buong detalye.

"Sobrang galit at pagkamuhi ang nararamdaman ni Prime noong panahon na yun. Pakiramdam n'ya pinagkaisahan s'ya nang buong mundo, kaya sumugod s'ya sa kuta ng Phantom nang hindi namin nalalaman. May kutob kaming doon s'ya nag punta nung hindi namin s'ya mahanap, kaya nag tungo kami sa kuta ng Phantom para hanapin s'ya, ngunit naabutan nalang namin na patay na lahat ang taohan ni Kieran, at naabutan din naming nakatayo si Prime sa harapan nang nakahandusay na si Kieran. Buong akala namin at napatay n'ya ito, ngunit nang humarap si Prime sa amin, ay bigla nalang bumangon si Kieran kahit duguan ang ulo, at bigla nalang n'yang hinampas ng tubo ang ulo ni Prime. Huli na nang mabaril ni Dieg si Kieran dahil nanlumo nang bumagsak si Prime sa ground"

"Nagawa lang ni Prime ang mga bagay na yun, dahil desperado na s'ya. Desperado dahil iniwan mo s'ya sa kabila ng lahat. Iniwan mo s'yang may mga problemang hinaharap. Hindi mo lang alam, ngunit nag pakatatag lang si Prime nung panahong yun dahil akala n'ya, andyan kalang palagi sa tabi n'ya. Ngunit iniwan mo s'ya dahil sa simpleng problema mo lang. Bunso, wala akong ibang masabi, kundi napakaswerte ng babaeng mamahalin n'ya. Sa tuwing titigan ko s'ya, sabi ko sa sarili ko, ito! Itong lalaking to ang gusto kong makasama ng kapatid ko habang buhay. Pero nagkamali pala akong nanaisin s'ya para sayo, dahil hindi ko naiisip na ito pala ang pwedeng mag pahamak sa kanya"

"Hindi s'ya ganun eh! Sobrang lakas ni Prime, sobrang tatag n'ya at kahit kailan, wala pang nakakapag basgsak sa kanya. Ngayun lang, ngayung minahal ka n'ya ng sobra. Nakalimutan na n'yang protektahan ang sarili n'ya, dahil pakiramdam n'ya, ano pang silbi kung gagawin n'ya 'yon? Hindi mo alam kung gaano s'ya kadaling masaktan. Hindi mo alam na simpleng pag hingi mo lang ng space sa kanya, ay halos ikamatay na n'ya yon. Ganun s'ya bunso. Kung gaano man katatag sa paningin nating lahat si Prime, ganun din s'ya kahina pag dating sayo"

"Nung inakala mong iniwan ka n'ya, hindi totoo 'yon. Palagi pa din s'yang nakabantay sa'yo. Nung time na muntikan kanang masasagasaan, si Prime yung taong nag ligtas sayo"

Napasinghap naman ako dahil sa mga sinasabi ni kuya. Ibig sabihin, yung taong nakita ko sa condo ko, si Primo din yun? bigla nalang nag flashback sa isipan ko nung pumunta si kuya sa condo ko, pagkatapos naming mag usap ni Ethan.

Naabutan ko si kuya na nakatayo sa pintuan ng kwarto ko at nakangiting nakatingin sa akin.

"Kuya" gulat man ay hindi na ako nag aksaya pa nang panahon, mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap s'ya nang mahigpit "I'm sorry kuya. I'm so sorry" humagugul ako nang iyak dahil na miss ko s'ya nang sobra.

"Ssh, its okay bunso. Umuwi kana nang bahay, na mimis na kita"

Tumango nalang ako at hinagud naman n'ya ang likud ko, medyo napatigil pa ako nang may nakita akong taong nakatayo sa pintuan ng condo ko, ngunit isiwalang bahala ko lang ito.

Nabalik ako sa realidad nang magsalita naman si Dustine.

"Gusto ka man naming sisihin, Sam, ngunit anong karapatan namin? Hindi kanga sinisi ni Prime na s'ya ang biktima dito, kami pa kaya? Kahit sobrang sakit para sa amin kapag nakita naming nahihirapan s'ya, nanatili pa din kaming matatag dahil ito ang gusto n'ya, s'ya nga mismo lumalaban, kaya lumalaban din kami para sa kanya" Namumula na din ang mga mata ni Dustine, tila nag pipigil lang ito nang luha.

Humagulgul din ako nang iyak, hindi dahil sa mga sinasabi nila tungkol sa akin, kundi dahil sa sarili kong katangahan. Mas umiyak pa ako lalo nang makitang umiiyak si Kuya at yong apat. Hindi ko alam na sa kabilang ka gaguhan nila, marunong pala silang umiyak, at ito'y dahil sa pinakamamahal nilang Primo. At nag simula ang lahat ng 'to, dahil sa walang kwentang desesyon ko, at sa pang sariling interest, ni hindi ko inisip na pwedeng mangyayari 'to. Ngunit kahit ganun paman ang ginawa ko. Bumalik at bumalik pa din s'ya sa akin, at ni kahit kunting hinanakit, hindi n'ya pinaramdam sa akin.

"K-Kung ganun, a-anong sakit n'ya?" Nauutal na tanong ko kay kuya. Pinilit ko lang patatagin ang sarili ko, kahit ang totoo, gusto ko nang bumigay dahil sa sobrang pang hihina.

"Brain injury. At kailangan i uwi natin s'ya agad sa manila para sa ibang test n'ya. Humina na ang katawan n'ya, kaya kailangan ma ooperahan na s'ya sa lalong madaling panahon"

Sa pagkakasabi ni Kuya nun, ay bigla nalang nakaramdam ako nang hilo. Tila umiikot ang paligid ko dahil sa sobrang pagkahilo at pagsikip nang dibdib ko.

No! Hindi to pwede, kailangan ako ni Primo, kailangan ako ng lalaking mahal ko. Wag ngayun please, wag ngayun.



VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon