CHAPTER 16

1.4K 63 2
                                    


SAMARA'S POV

"SO guys, since naka pag practice na kayo sa mga sinasalihan niyong laro. Wala munang practice ngayon, dahil bukas na ang masquerade party dito sa school, kaya lahat ng staff dito nag hahanda na" pag aanounce ni prof tungkol sa magaganap na party bukas.

"But sir, pwede ba kaming sumali sa party na 'yan?" tanong naman ni Elia.

"Yeah, every one of us is allowed to attend" Prof said.

"Woah excited na ako"

"Ako din, mag papasalon na ako mamaya"

"Bukas pa ang party, tanga"

Napailing iling nalang ako dahil sa inasta ng mga kaklase namin.

"You may go now"

Mabilis naman kaming nag sialisan pagkasabi ni prof nun. Pumunta kami sa cafeteria. As usual umorder na naman si Norine ng sandamakmak na pagkain.

"Ano Sam, a'attend ka sa party bukas?" Tanong ni Dana sa akin.

Kumuha muna ako ng isang slice ng Hawaiian pizza at sinubo ito bago siya sinagot.

"Ayaw ko, wala naman siguro tayong mapapala dun"

Kinurot naman ni Norine ang pisngi ko kaya napatigil ako sa pag nguya.

"Sira ka? nakalimutan mo bang si Kai ang may ari ng school na 'to? Pwede bang wala ka? huh?"

"If i said no, i mean it!" seryoso kong sabi.

Di porket si Kai ang may ari nitong school eh makakasali na ako sa kong ano mang magaganap dito. I still have my pride, di ko pwedeng ibaba 'yon.

"So you're here. Ang tagal kitang hinanap, andito kalang pala"

Napaangat ako ng tingin sa babaeng kakarating lang, at nag aangas angasan na sa harapan namin. Nakatingin ito kay Dana na kumakain at hindi man lang nag abalang tingnan ang babae sa harapan namin.

Siniko ko si Dana at tinuro ko ang babae gamit ang nguso ko.

"Excuse me? naligaw ka ata?" pag tataray naman ni Dana sa babaeng mukhang tipaklong na nasa harapan namin.

"Hindi ako naligaw. Ikaw talaga ang sadya ko dito. Ang kapal naman ng mukha mong kalimutan ang ginawa mo sa kapatid ko"

Napakunot naman ng noo si Dana at nakatitig lang sa babae. Tiningnan ko naman si Norine na nakikinig lang din sa usapan nila.

"A-Ano bang p-pinagsasabi m-mo?" nauutal na saad ni Dana, nakayuko na siya ngayon dahil sa inasta ng babaeng impakta.

"Listen everyone! this girl is tried to kill my sister. And that is the only reason why she's here. Gusto niyang magtago dahil sa kasalanang nagawa niya" hinila pa niya si Dana patayo sa harapan niya at mahigpit hinawakan ang braso nito.

"H-Hindi t-totoo yan. H-Hindi ko 'yan g-ginawa" umiling-iling naman si Dana habang nakayuko at pilit inalis ang kamay nung babaeng naka hawak sa braso niya.

Lalapit na sana ako upang pigilan ang babae sa ginagawa niya, ngunit pinigilan din ako ni Norine.

"Sam, please don't make any scenes here. Alam mo namang may karamdaman ka" hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito.

Kinalma ko muna ang sarili ko at ibinalik ang tingin kay Dana na ngayon ay nakaupo na sa ground.

"Alam mo bang gumastos talaga ako para mahanap ka, and i am so lucky because finally i found you. Finally you are here in front of me, and seeing you to lay down the ground while crying is so much fun" Nakatayo ito sa harap ni Dana at hinablot ang buhok nito, kaya mabilis akong lumapit sa kanila at hinila ko siya ng malakas at tinulak kaya tumalsik ito malapit sa may Counter.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Where stories live. Discover now