CHAPTER 48

1K 45 0
                                    

SAMARA'S POV

Maaga akong nag impake dahil 9am ang byahe namin papuntang batangas. Doon kasi namin napag pas'yahang mag po-photo shot. May beach kasi sina Myka dun kaya wala na kaming problema. Ang gawin lang namin ngayon, ay aagahan ang pag bi-byahe nang sa ganun maaga din kaming makarating.

"WE ARE READY"

Napalingun ako sa pintuan kung saan nakatayo ang apat, at may dala-dala itong mga bagahe.

"Saan kayo pupunta?" Kunot noong tanong ko.

"Saan paba, e di sasama sa inyo" bibong saad ni Ethan. Pumalakpak pa ito na parang batang nakakakita ng kalaro.

Parang tanga lang.

"Sinong may sabi na pwede kayong sumama?" Naka pa maywang akong humarap sa kanila habang nakataas ang isang kilay.

"Si Prime" mabilisang sagot naman ni Clark.

"Hindi pwedeng hindi kami kasama, Sam"

Ininrapan ko nalang si Dieg at ibinaling uli ang paningin ko sa pag liligpit ng gamit. Bahala kayo d'yan. Basta hindi kayo mang gulo dun.

"Handa kana, baby?" Tanong ni Kai sa akin, pagkalapit n'ya sa kinaruruonan ko.

Tumango ako, at sinuyod ang kabuohan n'ya. Shiit! Ang gwapo n'ya. Ano bang sekreto ng gagung 'to, at ganito 'to ka kasig?

"Sam, tulo laway kana kay Prime"

Tiningnan ko naman si Clark na nakatingin sa akin habang nakaturo yung daliri n'ya sa bibig ko. Kinapa ko naman ang bibig ko, at chineck kung totoong tulo laway nga ba ako.

"Sira" binato ko nalang ng isang pares ng chinelas
si Clark, dahil sa pag bibiro n'ya.

"Hahaha! Ang cute mo talaga kapag na aasar ka, Sam"

"Huyy, Dieg! Yung mga galawan mo"

"Bakit, Dustine? Hindi kaba na cu-cutan kay Sam?

Tiningnan ko naman si Dustine. Nakakamot lang ito sa batok n'ya at sumulyap kay Primo na nakatingin lang ng masama sa gawi nila.

"C-Cute naman t-talaga si S-Sam" utal na saad ni Dustine, habang ang tingin ay na kay Primo lang.

"Pinagsasabi mong hinayupak ka?" Singhal naman ni Kai kay Dustine.

"Haha, si Prime naman, parang pinupuri lang naman si Sam" sabat naman ni Ethan.

"O sige na nga, pangit mo, Sam" pabirong sabi ni Clark at pabagsak itong umupo sa sofa.

"Tss"

"Oh, chill, napaka ano mo. Hindi namin susulutin si Sam sayo. Iwan ko lang sa isa d'yan. Hahaha"

Binatukan naman ng malakas ni Dieg si Clark, kaya napa aray nalang ito.

"Gagu"

"Haha! Defensive masyado si Dieg"

"Magtigil ka nga Ethan"

Umupo na din si Dieg sa tabi ni Clark, at hindi na ito nag abalang tumingin sa amin ni Kai.

"O, andito na pala itong mga batang lansangan?" Pabirong sabi naman ni kuya pagkakita n'ya sa apat. May binibili kasi ito sa labas kaya nahuli sa balita.

"Gwapo naman"

"Itanong mo sa lilang mo, Clark"

Napa iling-iling nalang ako dahil sa mga inasta nila. Pero kahit ganun, masaya naman. Hindi kompleto ang barkada kapag walang biruang magaganap.

Napahinto nalang sila sa pag bibiruan ng makarinig kami ng bosena ng sasakyan.

"Baka and'yan na sina Almond at Myka. Tingnan ko lang" mabilis akong humakbang palabas ng bahay.

Pagdating ko sa labas ay nakita kong may tatlong sasakyan na nakaparada sa harap ng bahay. Yung kulay white na SUV ay pag aari ni Almond. Yung puting Van naman ay service ng company, i'm sure na maraming camera man na naman ang sinama nina Almond. Yung isang sasakyan na kulay red ay hindi ko alam kung sino ang may-ari.

Nakita kong lumabas sina Myka at Almond ng sasakyan at kumaway ang mga ito sa akin. Kumaway din ako pabalik at hinintay nalang na makalapit sila.

"Nakahanda na kayo? Oras na para bumyahe tayo" sabi ni Almond pagkalapit n'ya sa akin. Tinap pa n'ya ang ulo ko at pinisil ng marahan ang pisngi ko.

"Awwts, Almond naman"

"Ang ganda mo kasi"

"Ahermm! Baka pwedeng, distanya lang muna dude, Almond dude" singit naman ni Ethan sa likuran namin at hinila palayo sa akin si Almond.

Nakita ko naman na lumabas na silang lahat dala ang mga gamit namin.

"Ganito ba talaga kayo ka supportive kay Sam, at lahat kayo sasama?" Manghang tanong ni Myka habang nag niningning ang mga mata dahil sa mga lalaking nasa harapan n'ya ngayon.

Bakla nga naman Oo! Halos lumuwa nalang mga mata n'ya kakatingin isa-isa sa kanila.

"Syempre, ganun namin ka mahal si Sam" pag mamalaki naman ni Clark. Siniko naman ito ni Ethan kaya iniba n'ya ang sinasabi n'ya kanina "Ayy este, ganun namin ka gusto si Sam, para sa pinaka mamahal namin na Prime" tumingin pa ito sa gawi namin ni Kai at kumindat.

Anong connection dun?

Napasulyap naman ako sa demonyong nasa tabi ko, at nakikita ko ang nag babaga n'yang mata habang nakatingin kay Almond.

Ayan na naman s'ya. Parang bulkang sasabog dahil sa sobrang pagliliyab. Ngunit si Almond, pa chill-chill lang. Para ngang inaasar lang n'ya si Kai sa klase ng mga ngiti n'ya.


VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora