CHAPTER 27

1.1K 51 0
                                    

SAMARA'S POV


Two months had passed.

Mula no'ng pag-uusap namin ni Kai, ay hindi ko na siya nakita. Ayun sa usap-usapan, si Kuya na daw ang namamahala sa grupo. Wala ding nakakaalam kung nasaan si Kai.

Mula din sa araw na 'yon, lumipat ako ng condo. Hindi ko pa kayang harapin si kuya. Siguro kapag ayos na ng lahat, saka ko na siya haharapin. Naisip ko din si Kai. Miss ko na siya, nasasaktan ako tuwing naisip ko ang paglayo ko pansamantala sa kanya.

Gusto ko lang maka pag isip-isip. Hindi ko naman akalain na lalayo siya ng tuluyan. Hindi ko akalain na masasaktan siya ng ganun, kung totoosin, cool off lang kami. Ngunit anong nangyari? hindi na siya nag pakita pa sa akin. Pati grupo niya, iniwan niya. Posible kayang totohanin niya yung sinasabi niya sa akin?

"Ano na naman ang iniisip mo?" Mejo nagulat pa ako sa pag kalabit ni Norine sa akin.

"Iniisip mo na naman si Kai?" sabi naman ni Dana.

Nandito kami sa park kung saan kami tumatambay ni Kai dati. Alam na din nila ang nangyari sa amin ni Kai. Senisermonan nga ako ni Dana, bakit ko daw ginawa 'yon, e wala naman daw ibang ginawa yung tao sa akin, kundi ang protektahan lang ako palagi. At 'yon nga ang problema, hindi na niya naisip ng sarili niya dahil sa akin, ni minsan hindi ko narinig mula sa kanya ang tungkol sa pamilya niya. Palagi lang siyang naka dikit sa akin.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa dalawa.

"Saan kaya siya ngayon?" malungkot kong tanong sa kanila.

Alam kung wala din silang maisasagot, ngunit nagtanong pa din ako. Hindi ko alam kung saan siya hahanapin. Hindi ko pa din mahagilap sina Dieg, gusto ko sanang magtanong sa kanila tungkol kay Primo.

"Sam. Wala kaming maisagot sa tanong mo. Kung may nakakaalam man kung saan si Kai ngayon, malamang hindi din sasabihin ng taong nakakaalam kung sa'n siya"

Yumuko ako at kinagat ang pang ibabang labi. Mula no'ng araw na 'yon, nagiging emotional na ako. Palagi nalang akong umiiyak sa kwarto ko tuwing makita ko ang dogtag na bigay niya. Ganito pala kasakit kapag nag desesyon ka ng biglaan. Dapat pala inalam ko muna kung ano ang dulot nito, masakit pala talaga.

"Hindi ako titigil. Hahanapin ko siya Norine, ibabalik ko siya. Pinagsisihan ko na yung ginawa ko. Parang mababaliw ako sa tuwing maisip ko kung sino ang kasama niya, kung saan siya nag punta, kung ano ang mga ginagawa niya. Dati sa akin lang umiikot ang mundo niya, ngunit ngayon. Hindi-" hindi ko na na tuloy ang dapat kong sasabihin dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko.

Pakiramdam ko mapupunit ang lalamunan ko kapag diko ilabas ang sakit na nararamdaman ko. Sakit na may panghihinayang.

Naramdaman kong lumapit si Dana at si Norine sa pwesto ko, at hinagud-hagud ang likuran ko.

"Naiintindihan ka namin Sam. Sadyang 'yon lang talaga ang ipinagkaloob ng tadhana sa inyo. Dahil mas may maganda pang mangyayari na deserve niyo. Naniniwala akong babalik din siya, kong totohanin man niya yung sinasabi niya sayo. Suyuin mo siya, ipakita mong karapat dapat ka niyang balikan"

"P-Pero paano k-kung hindi na siya b-babalik Norine? Paano kung t-tuluyan na niya akong iwan? K-kakayanin ko ba?"

Hinawakan ko ang dibdib ko dahil pakiramdam ko, may mabibigat na bagay ang dumagan dito. Masakit din ang lalamunan ko, tila may bumabara dahilan para hindi ako makapag salita ng maayos.

"Sam. Mahal na mahal ka ni Kai, at alam kong hindi ka matitiis nun, maniwala ka sa akin. Mga ilang araw lang, mag papakakita din 'yon sayo" pampalubag loob namang sabi ni Dana.

"Wag mo ngang paaasahin si Sam. Paano kung hindi na 'yon mag papakita?" singhal ni Norine kay Dana.

"Paano mo naman nasabi na hindi na siya mag papakita? nag text siya sayo?"

Natawa nalang ako sa pambabara ni Dana kay Norine.

"May gana kapa talagang mambara ngayon? Nakita mo naman ang kalagayan ni Sam"

"Kaya nga diba, mas maganda yung pagaanin natin yung atmosphere. Para naman ngumingiti na 'yang isa diyan" sumulyap pa si Dana sa akin.

Nakita ko pang bahagyang kinurot ni Norine ang tagiliran niya. Kaya inirapan nalang niya ito.

Sa nakita ko na ginagawa nila, mejo kumalma na ako. Sila lang talaga ang pain reliever ko. Pati si kuya, naisip ko tuloy, ano kayang ginagawa niya ngayon?. Graduation na niya sa susunod na buwan. Miss ko na si kuya. Miss na miss ko na siya.

Tumingin ako sa wrist watch ko, naku! Malapit na last period namin. Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili ko.

"Sam, mauna kana. Mag papasama muna ako kay Dana, Cr lang kami saglit"

Tumango naman ako kay Norine, at mabilis na nag lakad paalis sa park. Narinig ko namang nag ring ang phone ko kaya kinuha ko ito sa loob ng bag ko nang hindi nakatingin sa daan.

*Bogsshh*

Aww! My butt. Ang sakit.

"Miss, okay kalang?"

Napalunok ako ng laway dahil sa boses lalaki na narinig ko. Dahan-dahan kong inangat ang tingin ko, at ganun nalang ang gulat ko dahil sa lalaking nasa harap ko ngayon at nakangiting nakatitig sa akin.


Vote.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Where stories live. Discover now