CHAPTER 8

2K 78 1
                                    

SAMARA'S POV

PINAPASA na namin ang mga larong gusto naming salihan. Ang napili kong laro ay Archery. Hindi ako masyadong magaling sa larung 'yan, ngunit susubukan ko. Pasasaan pa't may practice diba? hehe.

So ito nga, andito na kami sa kanya-kanya naming Spot. Nagpapa list nalang muna kami kasi bukas pa daw simulan ang practice.

"Bunso"

Napalingon ako sa tumatawag sa akin. Nakita ko naman si kuya na kumakaway at tumatakbong papalapit sa akin.

"Kuya? what are you doing here?" tanong ko sa kanya.

May kinuha siya sa bag niya, at inabot ito sa akin. Isang naka pack na strawberries?

"Waaahhhh, kuya matagal ko 'tong hinintay. Ngayon mo lang binigay" mangiyak ngiyak kong saad.

Eh, kasi naman, matagal-tagal na akong humingi sa kanya nito, ngunit palagi lang s'yang naghahanap ng excuses.

"Ngayon lang ako may oras eh, lam mo na, ga-graduate na kuya mo soon, kaya instead na ako ang may regalo, ikaw nalang binilhan ko. Alam ko naman kasi, na sobrang kuripot ng kapatid ko. Pati sariling craving hindi mabibili" pamparinig n'ya sa akin.

"Eh, kuya naman eh. Pano mo nasisigurong wala akong regalo sayo?" tanong ko sa kanya habang kumakapit pa sa braso niya.

"Baka nga lang naman. Mas mabuti na yong advance mag isip" palusot pa niya.

Tinitigan ko naman siya. Ang gwapo talaga ni kuya, kaya minsan nag tataka din ako kung bakit hanggang ngayon wala pa din s'yang girlfriend.

"Ah, kuya? ba't wala kapang nililigawan?" hinila ko muna siya paupo sa isang bench dito sa spot namin.

"Walang nagkamali eh, haha" yan ang gusto ko kay kuya, hindi mahangin. Kahit pa ang lakas ng appeal niya, di pa din niya pinangalandakan sa karamihan na dapat s'yang purihin.

Ngumiti nalang ako. Ang swerte-swerte ko kasi binigyan ako nila mommy na mabait na kuya. kaya sapat na sa kin kahit hindi na sila uuwi dito.

"SAAAMMM"
"AAARRRAA"

Bigla nalang akong napalingon sa tumatawag sa pangalan ko. Nakita ko sina Dana at Norine na kumakaway pa habang papalapit sa amin.

Napakunot naman ako sa noo ko dahil sa tinawag ni Dana sa akin.

Ara? ngayon ko lang 'yon narinig ngunit bakit parang matagal ng may tumatawag sa akin ng ganun?

'Ara'
'Pangako Ara'
'Dahan-dahan Ara'
'ikaw lang Ara'

Mga eksenang nag Flashback sa isipan ko. Ipinilig ko ang ulo ko, dahil nahihilo ako. Humawak pa ako sa sintido ko at inipit ito.

"Sam? what happened?" nagpapanic na tanong ni kuya.

Sina Norine at Dana naman ay mabilis na tumatakbo patungo sa kinaroroonan namin.

"Sam, oh my gosh"
"SAMARA"
Mga sigaw nila ng tuluyan na akong nag collapse.

Nagising ako sa loob ng Clinic dito sa Kaipen. Nakita ko pa sina Kuya, Norine at Dana na nakabantay sa akin.

"Kuya" mahinang usal ko.

"Bunso? kumustang pakiramdam mo" pag alalang tanong ni kuya.

"Ayos naman ako kuya. Bakit niyo pa ako dinadala dito?"

"Dahil nag collapse ka, sobrang nag alala kami sayo. Bakit kaba nagka ganun? hindi kaba kumakain?" Tanong din ni Norine na may halong pag alala.

"Ewan ko, bigla nalang akong nahihilo" lumapit naman sa akin si Dana at hinilot hilot ang sintido ko.

"Pahinga ka nalang muna Sam ha"

Tumango-tango nalang ako kay Dana. Maya-maya pa ay may nurse na pumasok at may dala itong mga gamot.

"May i talk to you Mr. Fuentes?" tanong ng nurse kay kuya.

Tumingin naman si kuya sa akin, bago lumingon sa nurse. Tinangoan niya ito at ibinalik uli ang paningin sa akin.

"Mag uusap lang kami Sam" sabi niya at hinalikan ang noo ko.

Lumabas siya kasama ang nurse at naiwan naman sina Norine at Dana kasama ko. Naramdaman ko naman na pinisil ni Norine ang kaliwang kamay ko.

*Booggsshhhh*

"SAMARA"

Napalingon naman kaming tatlo sa nasirang pinto dahil sa lakas ng pagka sipa ng taong nasa harap namin ngayon. Nakita ko kung paano mag alala ang mukha niya.

Mabilis siyang humakbang papalapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"What happened? you okay? anong pakiramdam mo?" sunod sunod na tanong niya sa akin. Nakita ko naman ang apat na sumusunod sa kanya.

"K-kai, ayos lang ako" bumuntong hininga ako at hinimas-himas ang likod niya.

"Ingatan mo kasi sarili mo" huminahon na ang boses niya, wala na ang pag papanic, ngunit may lungkot pa din ito.

"Sam, dapat ingatan mo nalang sarili mo, para naman hindi kami ang pagbubuntongan ni Prime, kita mo to? huhu ang sakit kaya" turo ni Ethan sa kanyang kaliwang mata na may black eye.

"Serve's you right, asshole" binilatan pa siya ni Clark.

"Gago, uumbagin kita diyan eh" nakangusong sambit ni Ethan.

"Subukan mo, baka baliktarin ko yang pagmumukha mo eh"

"kaya mo? ha?"

"Gusto mo subukan? lika dito," napa fist palm pa si clark habang tumatalon-talon.

Pshh, parang mga bata 'tong mga to.

"Mag sitigil na nga kayo, para kayong mga bata" awat naman ni Dieg.

"Tss" umiling iling naman si Dustine.

"Di na kayo nahiya kay Sam" singit naman ni Norine, nakalukot pa ang mukha.

"Hi Norine, andiyan ka pala" lumapit pa si Clark kay Norine para makiki beso-beso, ngunit tinulak lang ito ni Norine.

Sina Dana at Ethan naman ay nagsusukatan ng tingin. Nakita ko pa nga kong pano mamumula ang mukha ni Dana, mukhang kinikilig.

Nakoo, nako talaga.

Kumalas ng yakap si Kai sa'kin at pinahiga ako ng dahan-dahan.

"Pahinga ka muna baby" umupo siya sa tagiliran ko at senenyasan si Dieg na lumapit.

Lumapit naman si Dieg, at nilapag ang dala niyang mga prutas.

"OA n'yo naman. Wala naman akong sakit ah" natatawa kong sabi.

"Si Prime lang ang OA sa amin, Sam" sabi naman ni Dieg habang hindi makatingin kay Kai.

HAHA, lagot ka d'yan Dieg. Bipolar pa naman yan.

Haist, bakit ba ako nagkaganito? actually first time kong mag collapse. Bakit ganun nalang ang reaction ko kanina ng marinig ko ang pag tawag ni Dana sa akin.

sino ba si Ara?
Ako ba siya?
Bakit ganun nalang ang nararamdaman ko?
Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko kanina sa tinatawag ni Dana sa akin?

Ano bang nangyari sa akin dati?
May mga lihim ba akong dapat tuklasin sa sarili ko? sa nakaraan ko?

VOTE

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Where stories live. Discover now