CHAPTER 41

1.1K 57 1
                                    


SAMARA'S POV

Pagdating namin sa studio ni tita ay naabutan namin si Almond na nakaupo sa mesa habang inaayos ang mga magazine ko. In fairness nasa magazine na ako.

"Hi Sam, o! Kasama mo pala si insan, Sam?" Kumaway s'ya sa amin, kaya kumaway din ako.

Si Kai naman ay nakabusangot lang habang deritso ang mga tingin. Ni hindi nga tinapunan ng tingin si Almond. Problema n'ya sa pinsan n'ya?

"Hinatid lang n'ya ako"

"Anong hinatid? Hihintayin kita dito hanggang matapos ka, at sasabay tayong uuwi" padabog s'yang umupo sa sofa.

Inirapan ko lang s'ya at nilapag ang dala kong bag sa tabi n'ya.

"Sabay kayong uuwi? Bakit?" Takang tanong ni Almond kay Kai.

"Wala kana dun"

Tss, napaka animal n'ya talaga. Nagtatanong lang yung tao ng maayos, umiiral na naman ang ka demonyuhan n'ya.

Tiningnan ko si Almond, tumango lang ito at parang hindi na aapiktuhan sa ipinapakitang ugali ni Kai sa kanya.

Natural lang ba sa kanya ang ganyan? O wala lang talaga s'yang paki sa kung ano mang pinapakitang ka bulastugan ni Kai.

"O Sam, andito- OMG! Sinong adonis ba itong kasama mo? Mag aapply din ba ito sa pagiging modelo? Kung ganun tanggap-"

"Hindi ako mag aapply" putol ni Kai sa sasabihin sana ni Myka.

Tss! Bastos talaga e, sungal-ngalin ko kaya to. Wala talagang kwentang kaharap ang hinayupak na'to e. Kung noon hindi ako na iinis kapag gumaganyan s'ya, ngunit ngayon, na iirita talaga ako.

"Ayy, akala ko naman mag aapply ka" pabulong na sabi ni Myka, bago lumapit ito sa akin. "Lika Sam, bibihisan na kita"

"Anong bibihisan?"

Ayan na naman s'ya.

"A, pogi, bibihisan ko lang si Sam, kukunan na kasi s'ya e"

"Hindi pwede! Baby, ikaw na mag bihis sa sarili mo. Ikaw, bakla, dito kalang"

"Kai, kailangan si Myka, dahil s'ya ang mag sasabi kung tama ba yung ayos ni Sam. Saka hindi naman talaga si Myka ang mag bibihis kay Sam, si Sam lang naman. At hindi din makikita ni Myka si Sam habang nag bibihis dahil may mini dressing room din sa loob ng dressing room"

"Hindi pwede Almond! Kung gusto n'yong mag tatrabaho si Samara dito, pwes sundin n'yo ang gusto ko" Padabog s'yang tumayo at nakakuyom ang mga kamao.

Napailing-iling nalang si Almond. Tiningnan ko naman si Kai at sinamaan ng tingin.

"Ano ba, Pendleton! Trabaho to, wag ka ngang ano d'yan" hinila ko si Myka papuntang dressing room ngunit pinigilan ako ni Kai.

"Hindi nga pwede Samara, ang tigas ng ulo mo" tinanggal n'ya ang kamay ko na nakahawak sa braso ni Myka at hinila ako papasok sa dressing room.

What? Anong gagawin n'ya?

"Mag bihis kana" umupo s'ya sa isang upoan sa labas ng mini dressing room.

"Teka! Ano bang ginagawa mo?" Suraulo to a!

"Babantayan kita dito"

"Si Myka na nga"

"Ayoko nga sabi e" diin n'yang saad.

"Ano bang problema mo kay Myka? Bakla naman yun!"

"Pag bakla ba, wala nang batuta? Lalaki pa din s'ya, kaya wag ka ngang mag papahawak sa kanya"

"Aarrrghh, iwan ko sayo" padabog akong pumasok sa loob ng mini dressing room.

Bweset! Ang ayos-ayos kanina, tapos ngayun. Nagiging halimaw na naman. Ano ba talagang problema ng mokong na yun? Nawala lang s'ya ng ilang buwan, pagbalik n'ya lumala pa s'ya lalo. Kainis talaga!

Mabilis kong sinuot ang pants na jeans na hinanda ni Myka, at white spaghetti strap na kita ang pusod. Pinarisan ko din ito ng black leather jacket. Pagkapos kong isuot lahat ng yun, ay badtrip pa din akong lumabas ng mini dressing room. Yung dressing room kasi dito ay may mini dressing room din, basta ganun ito kung i explain. Paglabas ko ay nakita ko agad ang nakabusangot na mukha ni Kai.

"Ano na naman yang suot mo?" Tumayo s'ya at galit itong humarap sa akin.

Napa nganga nalang ako dahil sa inasta n'ya. Wag n'yang sabihin, na pati ito papakialaman n'ya.

"Ano bang problema sa suot ko?"

"Bakit kita yang pusod mo?" Sobrang lalim ang pangungunot ng noo n'ya at nag tagis pa ang bagang.

"Jusmeyo, Primo. Modelling Agency itong tinatayuan mo ngayun. Model itong babaeng kaharap mo, nandito ako para mag trabaho bilang modelo! Anong iniexpect mo? Mag susuot ako ng lampas paa na bistida habang nag pophoto shot? Ganun?" Namumula na talaga ako sa inis dahil sa kababawan n'ya. Sa sobrang inis ko, gusto ko na s'yang hampasin ng upoan.

"Bakit nga ba hindi yun ang susuotin mo? Nang sa ganun walang ibang maka kakita ng katawan mo" padabog n'yang binuksan ang pintuan at lumabas.

Pinadyak ko ang mga paa ko sa sahig dahil sa inis. Ano ba talaga ang gusto n'yang palabasin? Hindi sa lahat ng panahon yung gusto n'ya ang masusunod. Porket lumalaki s'yang ganun e, gusto n'yang kontrolin lahat ng bagay? Mala d'yos nga yung mukha n'ya, pero hindi s'ya dios para mapapasunod lahat ng tao.

Inis pa din akong lumabas ng dressing room. Ang buong akala ko ay tuluyan na s'yang umalis, ngunit mas nadagdagan lang ang inis ko dahil nakita ko s'yang nakaupo sa inuupoan n'ya kanina. Busangot pa din ang mukha, at nag tatagis ang bagang. Pero kahit ganun, ang perpikto pa din n'yang tingnan. Yung tipong hihilingin mo nalang palagi na sana, araw-araw nalang s'yang galit, dahil mas lalo s'yang gumwapo kapag ganun ang aura n'ya.

Pero!

Bahala nga s'ya d'yan. Hindi n'ya ako madadaan sa pagiging mala d'yos n'yang hinayupak s'ya.

"Halika na, Sam. Mag sisimula na tayo" lumapit sa akin si Myka at hinawakan ang baywang ko.

Mabilis namang lumapit si Kai sa amin at inis na inalis ang kamay ni Myka sa baywang ko.

"Pwede naman kayong mag tatrabaho ng hindi mo s'ya hinahawakan diba?" Inangasan pa n'ya si Myka, kaya medyo nagulat si Myka sa inasta ng bisugong 'to.

"Kung sa tingin mo minamanyak ko si Sam, jusko nagkakamali ka pogi. Lalaki din na gaya mo ang hanap ko, no" pinitik pa ni Myka ang mga daliri n'ya sa ere.

Ngunit sa ginagawa n'ya, mas lalo lang nainis ang gwapong demonyong nasa harap namin.

"Wag mo kong ma daan-daan sa pa ganyan-ganyan mo! Kapag sinasabi kong hindi mo s'ya pwedeng hawakan, gawin mo nalang, kung ayaw mong babaliktarin ko yang pag mumukha mo"

"Ohmy, jusko! Almond, ano bang klaseng lahi na meron kayo" mabilis na lumayo si Myka sa akin at lumapit kay Almond.

"Haha, sige na. Mag simula na kayo" natatawang saad ni Almond. "Don't worry insan, mag rirequest ako kay mommy mamaya ng babaeng assistant"

"Tss!" Yun lang ang tanging naitugon n'ya sa sinasabi ni Almond.

Bastos talaga e! Kahit kailan, napakawalang modo talaga ng hinayupak na'to. Lumala na talaga s'ya. Hindi naman s'ya ganito dati. Oo alam kong masama talagang galitin s'ya, ngunit iba talaga ngayon. Yung simpleng bagay, binibig deal n'ya. Kahit bakla, pinagseselosan.

Haynaku Samara, magtiis ka! Gusto mo din naman.

VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Where stories live. Discover now