CHAPTER 18

1.3K 65 0
                                    

KAI'S POV.

"Fvck, Ethan yung susi ng kotse" sigaw ko kay Ethan sabay baba ng phone ko habang mabilis na tumatakbo papalapit sa kanya.

"Prime, anong nangyari?" takang tanong niya sa akin habang inaabot sa akin yung susi. Diko naman siya sinagot at nag patuloy lang sa pagtakbo.

Na daanan ko naman sina Clark na nakatayo malapit sa Dean's office, kasama nila si Marky, ngunit diko na sila pinansin. Mukhang nag tataka naman silang napatingin sa akin.

Fvck! Wag naman sana mangyari ang nasa isip ko. Please lord, wag naman.

"Guys, sumunod kayo! mukhang may nangyaring di maganda" narinig ko pang sigaw ni Ethan sa apat.

Naramdaman ko namang nag papanic din sila at mabilis na nakasunod sa akin.

Pagdating ko ng parking area ay mabilis akong sumakay sa kotse ko at pinasibad ito. Tinatawagan ko naman si Sam gamit ang isang kamay ko habang yung isa naman nakahawak sa manebila.

"Baby, pick up your phone. Please baby" mahinang usal ko at tila di na makahinga dahil sa kabang naramdaman ko.

Hindi ito pwede, ayoko ng ganitong pakiramdam.

"FVCK" Hinampas ko pa ng malakas ang manibela dahil pakiramdam ko nanghihina ako at nanginginig pa ang katawan ko dahil sa posibleng mangyari.

Mabuti nalang at walang traffic kaya mabilis lang akong nakarating ng condo. Mabilis kong binuksan ang kotse ko at iniwang nakabukas ang pintuan nito.

Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 5th floor ng unit ko. Tinadyakan ko pa ng malakas ang pintuan nito dahil sa sobrang bagal.

Isang minuto akong nanatili sa loob ng elevator at sa wakas nakarating na din ako sa condo ko. Mabilis akong tumakbo papunta sa unit ko, at ganun nalang ang panginginig ko ng maabutan ko itong nakabukas at kalat ang mga gamit ko.

Mabilis akong pumasok sa loob kahit na alam kong ano mang oras babagsak na ako dahil sa emosyong pilit bumabalot sa buong pagkatao ko. Ngunit pagpasok ko sa loob ay tuluyang gumuho ang mundo ko ng makita ko ang babaeng pinakaiingatan ko na nakahandusay na sa sahig habang naliligo sa sariling dugo.

"FVCK, BABY NO!" Kinandong ko ito at pilit ginising.

Tiningnan ko ang buong katawan niya kaya ganun nalang ang pagtulo ng luha ko ng makita kong may saksak ito sa tagiliran.

*BLAAGGG*

"SAMARA? NO, NO SAMARA WAKE UP" Malakas na sigaw ni Marky habang niyugyog ang katawan ni Sam.

"Fvck, akin na nga! ang babagal niyo" diko na namalayan na binuhat na pala ni Dieg si Sam at mabilis itong inilibas ng condo.

"A-Anong n-nangyari? P-Prime anong nangyari sa kapatid ko?" malakas na sigaw niya sa akin at pinagsusuntok pa ang ding-ding na malapit sa kanya.

Hindi ako nakasagot dahil pakiramdam ko may bumabara sa lalamunan ko. Nakatulala lang akong nakatitig sa kanya. Yung Isip lang yung nag fa-function sa akin ngunit yung katawan ko tila diko maigalaw.

*PAAKK*

Hindi ko na din ininda ang mga kamaong tumama sa mukha ko.

"Prime gumising ka! Ayusin mo sarili mo. Nag aagaw buhay na si Samara kaya please naman. Wag muna ngayon, Prime" singhal ni Clark sa akin habang patuloy pa din sa ginawa niyang pag suntok sa akin.

Wala akong lakas. Diko kayang ibuka ang bibig ko. Hindi ako naka ramdam ng sakit galing sa mga suntok ni Clark dahil namamanhid ang buong katawan ko.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon