CHAPTER 49

1K 42 0
                                    

SAMARA'S POV


"Hindi n'yo ba ako isasali d'yan?"

Sabay naman kaming napalingon sa babaeng nag sasalita sa likuran namin. Napakunoot noo nalang ako nang makita ko si Karina na sobrang iksi ang suot.

"Anong ginagawa mo dito, Karina?" May halong galit na tanong ni Dieg kay Karina.

"Sasama ako. Bakit? Hindi ba ako welcome? Hindi naman kayo ang dahilan kung bakit ako sasama diba? Si Kai lang, kaya wag kayong mag alala, wala akong planong guluhin kayo" tiningnan ako ni Karina at umismid. Pagkatapos tumalikod ito at naglakad papunta sa sasakyan n'ya.

So, sa kanya pala yung sasakyan na kulay pula.

"Bakit mo s'ya sinama?" Inis na tanong ni Kai kay Almond.

"Nag pupumilit kasi, alam mo naman yun, masyadong spoiled kay tita"

"Ang sabihin mo lang, nag hanap ka nang kakampi" medyo tumaas na ang boses ni Kai habang inis na nakatitig kay Almond.

"Ano kaba Kai, trabaho 'to. Wala akong panahon sa mga bagay na nasa isip mo" Tumalikod na si Almond at mabilis na sumakay ng sasakyan.

"Pasensya kana Kai ha, nag pupumilit talaga si Karina na sumama e, nag tatalo pa nga sila ni Almond kanina, dahil ayaw ni Almond na magugulo ang photo shot ni Sam. E, parang baliw kasi yang pinsan n'yo e" paliwanag naman ni Myka bago ito umalis sa harapan namin at sumunod kay Almond.

"Tara na, baka gagabihin tayo sa daan" hinila ko naman si Kai papunta sa kotse n'ya. Para naman gumaan ang atmosphere. Masyadong lukot kaso ang pagmumukha n'ya.

Narinig ko pang bumuntong hininga ito at pinisil ang mga kamay ko.

"Are you okay?" Mahinahon na tanong ko sa kanya.

Tumango lang ito at pilit na ngumiti. Pagkapasok namin ng sasakyan ay nilingon ko muna sina kuya. Tatlong sasakyan din ang dala namin. Nasa kay kuya naka sakay si Clark, at kay Ethan naman si Dustine nakasakay.

Nang makita kong nakasakay na sila lahat, ay saka ko pa ibinaling ang paningin ko sa harapan ng sasakyan.

Nauna na sina Almond at Myka, pero si Karina ay tila hinintay kaming makaalis bago ata susunod. Tss, baliw talaga. Pinsan n'ya si Kai tapos aangkinin n'ya? May matino bang ganun?

Sinuotan ako ni Kai ng set belt bago n'ya pinaandar ang sasakyan.

"Matulog kana muna, baby. Gigisingin nalang kita mamaya kapag andun na tayo"

"Okay lang ba?"

"Hmp"

Isinandal ko nalang ang ulo ko sa upoan at ipinikit ko ang mga mata ko. Kailangan ko talaga ng mahabang pahinga dahil pagdating namin dun, kapag may oras pa, trabaho agad kami. Kahit naman ganun lang ka simple ang trabaho ko, mapapagod pa din ako.

Kinalma ko muna ang sarili bago hinayaang lamunin ng antok.

Nagising akong nang maramdaman kong hindi na umandar ang sasakyan. Inilibot ko ang paningin ko.

"Nasa batangas na tayo?" Tanong ko kay Primo na nakatingin lang sa akin.

"Uh uh"

Mabilis akong umayos ng upo at tinanggal ang set belt ko.

"Baba na tayo"

Bumaba ako ng sasakyan ngunit hindi ako umalis sa pintuan. Sinisiguro ko talaga na makababa din s'ya. Baka mangyari na naman yung nangyari kahapon. Ayoko ng ganun. Masyadong mahirap sa pakiramdam. Nakahinga lang ako nang maluwag ng makita ko s'yang bumaba na din. Hinintay ko nalang na makaikot s'ya para magkasabay kami papunta sa kinaruruonan nila Ethan.

Pagdating namin sa cottage na nilaan ni Myka para sa amin ay sinalubong agad kami ni Myka.

"Sam, check in na muna tayo. Wala na tayong oras. Bukas nalang natin umpisahan ang photo shot, para naman makapag pahinga tayo"

"Okay Myka, sabihan mo nalang yung iba" tumalikod ako at hinila uli si Kai.

"Tara, hanap tayo ng hotel" yaya ko sa kanya.

"Wow" bulalas naman ni Primo.

Ano na namang iniisip ng mokong na'to?

"Anong wow?"

"Mag ho-hotel tayong dalawa? Talaga, baby?"

P*ta!

Nabatukan ko nalang s'ya bigla. Mas mabuti nang maunahan kung ano man ang nag lalaro sa isipan n'ya ngayon. Alam kong hindi pa din nawawala ang kamanyakang natutunan n'ya sa dalawang kupal n'yang kaibigan.

"Awwts! Biro lang naman. Nakahanda naman akong mag hintay kung kailan mo isusuko ang bataan. Hahaha"

"PRIMO" hindi ko alam kung paano ako umasta dahil sa sinasabi n'ya. Gusto kong matawa na iwan. Nag iinit na din ang pisngi ko dahil na aalala ko ang ginawa namin nung nakaraang araw.

"Yehh! Kinikilig ka? Gusto mo, dito na natin gawin?" Nag pa linga-linga pa s'ya sa paligid tila sinisigurado kung may tao ba o wala.

"Ano ka! Sira, nakakaasar ka" nag mamaktol akong naglakad at iniwan s'yang humahagalpak ng tawa.

Nakita ko pa ang mga babaeng dumadaan na nakatingin kay Kai, at parang kinikilig pa ang mga 'to. Napahinto naman ako at tiningnan ang mga babae. Kung makatitig kay Kai wagas.

Bweset!

"OHMYGOD! Adonis"

"May d'yos na bumaba sa lupa"

"Shiit ang pogi. Na laglag na ata yung panty ko. Pakitingin nga beshy"

"Sira, may girlfriend ata yan oh" turo sa akin nung isang babae.

Tiningnan naman ako nung mga kasama n'yang babae at nahihiyang nag bawi ng tingin ang mga ito.

Ganyan nga! Matuto kayong mahiya. Tss.

Padabog akong bumalik sa kinatatayuan ni Kai at inis kong hinila ang kamay n'ya. Bweset talaga, nag papalandi din ang gago.



VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Where stories live. Discover now