CHAPTER 5

3.1K 108 2
                                    

SAMARA'S POV

NANDITO ako ngayon sa kwarto ko nakahiga. Nakakapagod naman ng araw na 'to. nakakapagod ang mga nangyari. Bigla ko namang naalala ang sinabi ni Kai kanina,

'I'm doing this because i want, because i love, and it's all because i want to protect you, and i love you'

Bakit parang familiar sa akin ang mga katagang 'yon? Bakit parang matagal ko na yung narinig?

Bigla ko nalang naalala ang Dogtag na pinakaiingatan ko. Kinuha ko ang maliit na kahon na nasa ilalim ng kama ko, at binuksan ito. Kinuha ko naman ang Dogtag na nakatago dun at pinagmasdan ito. merong nakasulat dito na S at sa likod naman ay K, ito ang kapares ng Dogtag na suot-suot n'ya nun.

Napangiti nalang ako sa tuwing maalala ko s'ya, kumusta na kaya s'ya? Namimiss ko na s'ya. Ilang taon naba ang nakalipas? ilang taon naba simula nung iwan n'ya ako. Ano na kayang hitsura n'ya ngayon?

"Namimiss na kita, Cookie" bulong ko sa hangin habang nakapikit.

*tok*tok*tok*

"Bunso" napalingon naman ako sa pinto kung saan si kuya nag ingay.

"kuya, pasok" nilagay ko ang Dogtag sa kahon at binalik ito sa ilalim ng kama.

Nakita ko naman si kuya na kakapasok lang ng kwarto ko.

"Bakit hindi kapa natutulog?" tanong n'ya sa akin habang dahan-dahang umupo sa kama.

Tumabi naman ako sa kanya, bago sinagot ang tanong n'ya.

"Naalala ko lang bigla si Cookie. Ano na kayang itsura n'ya ngayon?" malungkot kong tanong kay kuya, kahit pa alam kong hindi niya masasagot iyon.

"Paano kung nagbalik na pala siya, Sam? ano ang gagawin mo?"

Napalingon naman ako sa kanya.

"Ano bang klaseng tanong yan kuya? napaka imposible naman nun" natawa nalang ako.

"Paano nga? anong gagawin mo?" pag uulit n'ya sa tanong n'ya.

Napag isip-isip naman ako. Pano nga ba? ano nga bang gagawin ko? iniwan n'ya ako ng walang paalam. iniwan n'ya akong umasa na baka andiyan lang s'ya palagi sa tabi ko. Iniwan n'ya akong walang ka alam-alam sa mga nangyari.

Lumingon ako kay kuya at sinagot ang tanong niya.

"Alam kong wala akong karapatang husgahan s'ya. Sino ba naman ako? saka mga bata pa kami nun kuya. Wala pa akong alam nun, ang alam ko lang nun ay kung paano ang magpakatanga. Kung paano umasa at magtiwala. Kung paano ang masaktan at maiwan. Sa murang edad ay alam ko na ang mga bagay na 'yon. Parang kabisadong-kabisado ko na nga" naiiling pa ako sa tuwing maisip ko yon.

How come, na nakakaramdam na ako ng ganun kahit pa napakabata ko pa nun? siguro masyado lang akong nag assume sa mga panahon na iyon. Nag assume na di n'ya ako kayang iwan. Nag assume na tutuparin n'ya ang mga pinangako n'ya sa akin. Sabagay, mga bata pa kami nun. Pero porke't bata ba hindi na marunong masaktan? Wala ng karapatang umasa at magtiwala?

Oo bata palang ako nun. Masakit isipin dahil NAPAKABATA ko pa nga nun. Pero bakit ako nasasaktan? Bakit sa t'wing maisip ko ang ginawa n'yang pag iwan sakin sobrang sakit ang nararamdaman ko? Bakit ganun?

Bakit hanggang ngayon dala-dala ko pa ang sakit? Diba kapag bata mabilis lang makakalimutan ang mga pangyayari, kasi nga BATA. Pero bakit ako hindi nakalimot? Bakit ako nanatili pa ding nahihirapan sa t'wing maaalala s'ya. Bakit?

"You know what Sam? May mga bagay talagang kailangan nating gawin kahit pa labag sa kalooban natin. May mga bagay na kailangan nating tanggapin kahit pa hindi dapat, kahit pa masakit. Kung baka sakaling mang magpakita s'ya uli, subukan mong pakinggan ang mga dahilan n'ya" sabi ni kuya habang hinamas-himas ang likuran ko.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Where stories live. Discover now