CHAPTER 52

1K 43 0
                                    

SAMARA'S POV

Pagbalik ko sa room namin ay nakatulog na si Kai. Nakaupo pa din si Kuya at Ethan sa gilid ng kama, tila hinihintay ako. Napag isipan kong, wag muna silang i confront, wag muna ngayon. Hindi ito ang panahon na sisihin sila.

"Kuya, sige na, ako na dito. Mag pahinga na kayo"

"Sige bunso" tumayo naman si kuya at naglakad palabas.

"Salamat Sam"

Tinanguan ko nalang si Ethan. Sumunod naman ito kay kuya kaya naiwan akong mag isa nalang dito sa loob ng kwarto. Umupo ako sa gilid ni Kai at tinitigan s'ya nang matagal. Napaka amo nang mukha n'ya, kung titigan mo s'ya, hindi mo mahahalatang may dinaramdam s'ya. At sa tuwing maisip kong may sakit s'ya, parang pinipiga ang puso ko dahil sa sakit.

"Primo. Pumapayag na ako, pumapayag na akong lumabas tayo. Hindi bale nang dudumugin ako nang mga tao. Ang importante, matupad ko ang hiling mo. Yun ang gusto mo diba?" Gumaralgal ang boses ko, dahil parang may bumabara sa lalamunan ko. Hinawakan ko ang kamay n'ya at pinisil-pisil, yung dahan-dahan lang para hindi s'ya magising.

"Babawi kapa diba? Lalabas pa tayo, pupuntahan pa natin yung iba't ibang mga rides at sasakay tayo dun? Diba, Primo?" Hindi ko na talaga napigilan ang mga luha ko. Ang sakit lang isipin na baka isang araw hindi ko na s'ya mahahawakan at makausap.

Hindi ko pa man alam kung anong sakit n'ya, ngunit pakiramdam ko, sobrang bigat ang dadanasin namin. Maraming katanungan ang nag lalaro sa isipan ko, ngunit isasantabi ko muna to. All i want to do is to take care of him. S'ya yung dapat kong aalagaan. Hindi yung ako yung aalagan n'ya, ako yung malakas, tapos ako yung tinuring n'yang may sakit. Kahit ang totoo, s'ya pala yung nangangailang nang pag aalaga.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko, nang makita ko s'yang gumalaw. Ibinuka n'ya ang mga mata n'ya at tumingin sa akin.

"Baby, umiiyak ka ba?" Paos ang boses na tanong n'ya. Bumangon pa s'ya at umusog palapit sa akin.

"Bakit ganyan ang mga mata mo? Umiiyak kaba?" Hinawakan n'ya ang mukha ko at sinuri.

"Hindi a, napuwing lang ako" pag sisinungaling ko naman. Ayaw kong makita n'yang pati ako nang hihina. Gusto kong makita n'ya na malakas ang loob ko, para naman lakasan din n'ya ang loob n'ya.

"E, bakit ganyan ang mata mo? Bakit namumula ang mga yan? Wag mong sabihing lahat yan napuwing"

"Ang dami mo namang tanong" tumayo ako at pinahiga s'ya nang dahan-dahan. "Mag pahinga na tayo. Marami pa tayong gagawin bukas. Lalabas pa tayo, yung tayong dalawa lang. Susulitin pa natin ang pag punta natin dito sa batangas" Humiga din ako sa tabi n'ya at tumagilid paharap sa kanya.

"Talaga? Pumapayag kang lalabas tayo? Paano kung makita ka nang mga tao?"

"May naiisip na akong paraan" pinisil ko ang ilong n'ya at nginitian s'ya.

"Ang sweet mo ngayon, baby. Anong meron?"

"Wala. Saka hindi ako sweet, hindi ko pa nga nakakalimutan ang pakikipag landian mo sa pandak na babaeng yun"

"Sinong pandak na babae?" Kumunot pa ang noo n'ya.

Maang-maangan pa e! Kung wala kalang sakit, kanina pa kita sinapak. Tss, apaka gago pa din kahit may dinaramdam.

"Matulog ka na nga d'yan! Maang maangan e" tinalikuran ko s'ya at humarap sa kabilang side.

Napangiti nalang ako nang maramdaman ko ang braso n'ya sa baywang ko. Naramdaman ko din ang hininga n'ya sa batok ko.

"I love you"

At mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil sa mga katagang binigkas n'ya. Ang mga katagang sa kanya ko lang gustong marinig.

"Hmmp" ungol lang ang itinugon ko sa kanya. Nahihiya akong mag i love you too, gayung hindi pa kami.

Mahal din kita, Primo. Mula noon, hanggang ngayon, at mag pakailanman.

Alam kung natutulog na din s'ya dahil naramdaman kong bumigat na ang paghinga n'ya. Pumikit ako at ninamnam ang antuk na bumabalot sa akin.

Kinabukasan ay nagising akong wala na si Kai sa tabi ko. Dahan-dahan akong bumangon at nag ayos nang sarili. Bumukas naman ang pinto at may dalawang babaeng pumasok. May dala itong mga pagkain.

"Good morning ma'am. Breakfast in bed daw, sabi ni sir" parang kinikilig pa na sabi nung babaeng naka blonde ang buhok.

Kinuha n'ya ang mga pagkaing nakalagay sa cart at nilapag ito sa kama.

"No, sa floor mo nalang ilagay" utos ko sa babaeng naka blonde ang buhok.

"Po?" Gulat n'yang tanong. Lumingon pa ito sa kasama n'ya, tila humihingi nang permiso.

"Pero maam? Baka mapagalitan kami ni sir kapag hindi namin na serve nang maayos ang mga pag kain" naguguluhang sabi naman nung babaeng maganda at morena.

"Ako nang bahala dun. Sundin n'yo nalang ang utos ko"

May pag alinlangang sinunod naman nila ang utos ko. Nagtataka siguro sila kung bakit sa floor ko gusto ilapag ang mga pagkain. Gusto ko lang naman ma experience na kumakain nang walang ka artehan. Gusto kong maranasan kung paano kumain nang nasa floor, at gusto ko ding maranasan yun kasama si Kai. Gusto kong gagawin namin ang mga bagay na hindi nagagawa nang iba.

"Sige maam, basta ikaw na ang bahala kay sir ah" sabi ni blonde girl, pagkatapos n'yang ilagay ang mga pagkain sa floor.

Natatawa nalang ako sa inasta n'ya. Bakit parang takot s'yang mapagalitan nung sinasabi n'yang sir.

Ngumiti nalang ako at tumango sa kanya.

Nagpaalam naman silang dalawa sa akin at tuluyan nang lumabas ng kwarto.

Bumukas naman uli ang pintuan at pumasok ang isang pinakagwapong lalaking na kilala ko. Ngumiti s'ya sa akin at pagkatapos tumingin sa floor kung saan nakalagay ang mga pagkain.

"What the? Baby, bakit andyan ang mga yan?" Gulat n'yang tinuro ang mga pagkain.

"Simple, dyan tayo kakain"

"Sa lapag?"

"Bakit, ayaw mo?" Angas kong tanong sa kanya. Lumambot naman ang expression n'ya at alanganing ngumiti.

"S-syempre, gusto ko"

Tumango naman ako at umupo na sa lapag. Umupo na din s'ya sa harap ko, at tila hindi n'ya alam kung ano ang gagawin n'ya.

"Haha, kumain ka na nga, para kang iwan d'yan"

Sinunod naman n'ya yung sinasabi ko. Nung una'y nahihirapan s'yang mag adjust, hindi kasi s'ya sanay sa simpleng galawan lang. Ngunit kalauna'y nakakain na din s'ya nang maayos.



VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora