CHAPTER 13

1.7K 76 1
                                    

DUSTINE'S POV

PAGKATAPOS kong imbistigahan ang sulat na binigay ni Prime sa akin, ay nag punta na ako sa hide out namin.

Naabutan ko pa si Prime na naka upo sa kanyang swivel chair habang may kausap sa phone. Naramdaman naman niya ang pagdating ko kaya ibinaba na niya ang tawag.

"Confirmed, ang Leader ng Phantom ang nagpapadala ng sulat" sabi ko kay Prime habang nilatag sa harapan niya ang naka fold na sulat.

"Nahanap mo na din ba ang pesting nerd na nagbigay ng sulat na ito kay Samara?" malamig na tanong niya sa akin.

"Nasa under ground na siya ngayon Prime, kasalukuyan na siyang minamaniho ng mga taohan natin" sabi ko sa kanya.

Kinuha ko muna ang baril niya, at nilagyan ito ng bala.

"Good, paamin niyo siya kong sino ang Leader nila, kung ayaw umamin, alam niyo na ang gagawin niyo" Tumayo siya at kinuha ang baril niya na hawak ko.

Tumalikod na siya at humakbang, ngunit lumingon uli ito sa akin.

"Gagawin niyo lahat, makuha niyo lang ang malaking information. Hindi kayo makakakain mamaya kapag wala kayong good news" sabi niya sabay talikod.

"Fvck, Prime naman" pag mamaktol ko na nakatingin sa kanya habang papaalis.

Itinaas lang niya ang kanang kamay niya, at kumaway. Napa buntong hininga nalang ako. Kahit naman ganun si Prime, wala talaga kaming masabi sa kanya. Bukod sa pagiging possessive pagdating kay Sam, mainitin din ang ulo. Ngunit napakabusilak ang puso. Kami lang ang nakakaalam no'n. Kami lang ang nakakakita ng kabutihan niya.

At gusto namin yung ipagkait sa iba, dahil ayaw naming may mananamantala sa kanya. kung pwede naming ipagkait pati si Prime mismo, gagawin namin, dahil ayaw naming mapahamak siya.

FASTFORWAD

Andito ako ngayon sa under ground kung saan namin dinala ang lalaking nag bigay ng sulat kay Sam.

Nakita ko pa sina Dieg, Clark at Ethan habang pinapanood ang isang taohan naming nag papahirap sa bihag.

"Anong sabi ni Prime?" bungad sa akin ni Dieg, pagkalapit ko sa kanila.

Umupo muna ako sa tabi ni Ethan, bago siya sinagot.

"Hindi niya tayo papakainin kapag wala tayong good news" sabi ko at kumuha ng mainom.

"Naknang, huyy bilisan mong pag amin diyan! wala kaming kain mamaya" sigaw pa ni Ethan sa bihag.

"Gago! Paano 'yan aamin kung ganyanin mo" suway naman ni Clark sa kanya.

Kahit kailan talaga 'tong dalawang to, parang aso't pusa.

"Dieg, may hinala na ako kung sino ang Leader ng Phantom" sabi ko kay Dieg habang nakatingin sa pinaparusahang bihag.

"Ako din" seryoso namang sabi ni Dieg.

"Kung totoo nga ang hinala ko, sana naman hindi madamay ang pamilya nila" dagdag pa ni Dieg habang tinungga ang isang basong alak.

"Pano nga kung totoo ang hinala natin? sa tingin mo, anong mararamdaman ni Prime?" curious kong tanong sa kanya.

"Alam nating magaling magtago ng feelings si Prime, pero alam din natin na kapag pamilya niya ang pinag uusapan, Lalabas at lalabas ang totoong kulay niya" sabat naman ni Clark.

"At 'yon ang ayaw nating mangyari"

"Pano nga kung mangyari 'yon, Dustine?" seryoso namang tanong ni Dieg sa akin.

"Eh ano pang silbi natin, simula nng itinayo nating 'tong gang na'to, kasabay nun ang pangako na hindi natin papabayaan ang isa't isa, lalo na si Prime"

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Where stories live. Discover now