CHAPTER 31

1.1K 53 0
                                    

SAMARA'S POV


"Sige na Sam. Mauna na kami, kita nalang tayo bukas ha" pag papaalam ni Norine.

"Ingat ka Sammy, ayeehhh! Ang sweet naman pala kapag si lucas na ang tumawag sa'yo niyan, Sam" parang kinikilig pa na saad ni Dana.

"Huyy! Tigilan mo nga si Sam"

"Bakit? Totoo naman ahh! Haha yehh, swerte mo Sam. Gwapo kaya ni Lucas"

Napairap nalang ako dahil sa inasta ni Dana. Nakakahiya na ano, hindi ko alam ang nararamdaman ko. Palagi na kasi akong hinahatid sundo ni Lucas. Since umuwi ako sa bahay namin ni kuya, palagi nalang niya akong dinalaw dun.

"O sige na. Mauna na nga kami, baka hindi mo na naman ako kibuin kapag nainis kana sa akin, haha"

"Sige, ingat kayo" kumaway ako sa kanila at saka tumalikod paalis.

Naisipan kong mag lakad papuntang Ebery mall. Since malapit lang 'yon dito, maglalakad nalang ako. Dun nalang ako mag papasundo kay kuya. Baka busy pa 'yon ngayon.

Tatawid na sana ako, ngunit may lalaking humila sa akin ng sobrang bilis. Saka ko lang na realize na muntikan na pala akong masagasaan ng isang malaking sasakyan. Napahawak pa ako sa dibdib ko at hindi masyadong makakakilos dahil sa panginginig ng buong katawan ko. Ilang saglit lang ay hindi ko na naramdaman ang presence nung lalaki sa likuran ko. Mabilis akong lumingon at hinanap s'ya ngunit wala akong nakita.

"S-Salamat" tanging bulong ko sa hangin.

Kung sino man 'yon, utang ko sa kanya ang buhay ko.

Kinuha ko sa bag ang phone ko, dahil kanina pa pala to nag ri-ring. Sa sobrang pag iisip ko hindi ko na namalayan na may tumatawag pala sa akin.

"H-Hello?"

[Bunso, saan ka?"

Napabuntong hininga muna ako bago sinagot si kuya.

"N-Nandito ako sa harap ng Ebery, kuya. Dito mo nalang ako sunduin"

[Okay, malapit lang ako diyan"

Binaba ko na ang phone ko at ibinalik ito sa loob ng bag. Tumingala ako at may nahagip akong isang Billboard ng 'TEKNO MODELING COMPANY''

Ibinaba ko ang paningin ko at sinuyod ang buong katawan ko.

"Perfect! Maganda ang katawan mo. Tama lang din ang tangkad mo. Idagdag mo pa ang mala d'yosa mong mukha! Perfect! Ikaw ang hinahanap ko para sa modeling ko" masayang saad ng isang magandang babae sa harapan ko.

Napakunot naman ang noo ko, dahil sa mga pinag sinasabi niya. Parang nasa late 40's na ito, ngunit hindi mo mahahalata.

"Hija, gusto kita" sobrang lawak ng ngiti niya na para bang nakakita nang kamag anak na matagal ng nawala.

"A, excuse me? A-Ano pong pinagsasabi n'yo?"

"Here, call me if you decided to take my offer. I want you, i really want you for my modeling company"

Wala sa sariling kinuha ko ang calling card na nilahad niya sa akin. Binasa ko ito, at sobrang gulat ako dahil si Bannie Toller ang kaharap ko?

Hindi ako maka paniwalang tiningnan siya ulit.

"Ms. Bannie?" Omg! Seriously? Ang isang napaka sikat na nag mamay-ari ng isang modeling company ay nandito sa harapan ko, at nag offer pa sa akin? Ohmy, hindi ko naman alam na sa kanya pala itong TMC. Ang akala ko ay yong GMC lang 'yong pag aari niya.

"Yes, its me. So, tawagan mo ako kapag nakapag desesyon kana, okay?"

Dahan-dahan akong tumango. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito sa harapan ko si Ms Bannie.

*Peep*Peep*

Napalingon ako sa sasakyang bumusina sa gilid ko. Nakita ko si kuya na binaba ang bintana ng sasakyan habang nakangiti.

"Bunso"

Tiningnan ko uli si Ms. Bannie at nginitian.

"A, mauna na ho ako, Ms. Bannie. Thank you sa offer mo"

Tumango lang ito at kumaway sa akin.

Mabilis naman akong lumapit sa sasakyan ni kuya at pumasok sa loob. Bumuntong hininga uli ako at binalingan si Ms. Bannie

Inistart ni kuya ang sasakyan at dahan-dahan itong pinaandar.

"Kuya, kilala mo si Ms. Bannie Toller?" Tanong ko sa kanya habang nanatili pa din ang tingin ko sa billboard through merror.

"Yong sikat na may-ari ng GMC at TMC? Bakit bunso, mag a'apply ka sa kanya?"

"Actually, binigyan n'ya ako ng calling card"

Napahawak nalang ako sa dibdib ko, dahil sa biglaang pag prino ni kuya.

"KUYA" Inis ko siyang tiningnan, ngunit naka kunot lang ang noo niyang nakatitig sa akin.

Problema ng gagong to?



VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Onde histórias criam vida. Descubra agora