CHAPTER 24

1.2K 61 0
                                    

SAMARA'S POV

"Sam?"

Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa harapan ko. Tiningnan ko ito ng maigi, kaya sa ganda palang ng katawan niya ay nakikilala ko na siya.

"Norine?" Tumayo ako at niyakap siya.

"Lalo kang gumanda ngayon Sam ah! Naku paniguradong minamanyak kana naman ni Prime niyan. Nakakalibog kagandahan mo, eh" Manghang sabi niya.

Pinalo ko naman siya ng mahina sa braso,  dahilan para matawa siya.

"Sira, wag mo nang gatungan si Primo" Hinila ko siya sa bakanteng upoan na nasa tabi ko.

"Si Dana?"

"Paparating na 'yon. Madali lang natin siyang makikilala dahil sinabi niya sa akin kung ano ang outfit niya"

Tumango nalang ako sa sinasabi niya. Nilingon ko naman si Kai na hindi pa din natatapos sa pakikipag usap kina Dieg. Nakita naman namin na paparating si Clark sa kinaroroonan namin at may dala itong mga pagkain.

"Sam, kain muna kayo" sabi niya sabay lapag nang dala niyang pagkain sa mesa.

"Salamat Clark" Tumango lang ito at kinindatan pa si Norine.

Nakita ko namang umirap lang si Norine kaya natawa nalang ako.

"Tikman mo ito babe" Akma pa niyang susubuan si Norine, kaso pinanlakihan lang ito ng mata ni Norine.

Ang kyut talaga nilang dalawa. I'm sure magkakatuluyan 'tong mga 'to.

"Punta muna ako kina Kai" tumayo na si Clark at walang lingun-lingong naglakad paalis. Ay galit?

"Sam,  si Dana"

Tumingin naman ako sa babaeng tinuro ni Norine. Kumakaway ito sa amin habang paparating.

"Andito lang pala kayo" masayang bati niya pagkalapit niya sa pwesto namin.

"Bakit ngayon kalang?" tanong ko kay Dana.

Nag shrug lang ito sabay subo ng pagkain.

"Traffic"

"Para sayo ba yan?" turo ni Norine sa pagkaing isusubo sana ni Dana.

"Alam kung para sa inyo 'to, kaya para sa akin na rin" ngumiti pa siya at itinuloy ang pag subo ng pagkain.

Napangiti nalang ako at napapailing. How lucky i am, dahil nag karoon ako ng kaibigang gaya nila. Yaan nalang ang pagiging matakaw nila. HAHAHA.

Maya-maya lang ang nagsalita na ang Emcee sa ibabaw ng stage.

"A pleasant evening to everyone. Thank you to all of you for joining this party. Siguro nag tataka kayo kung bakit nagkaroon ng party dito, samantalag wala namang pwede e celebrate diba? So malalaman niyo 'yan mamaya. May i have to call on Mr. Pendleton, for sharing his important speech"

Nakita ko namang lumingon si Kai sa may stage, pagkatapos pumunta ito sa pwesto ko.

"Dito ka lang baby" hinalikan niya ako sa noo at naglakad papuntang stage. Lumapit siya sa emcee at kinuha ang microphone na hawak nito.

"Hi everyone. Nagpapasalamat ako dahil pinapaunlakan niyo ang party na'to. Hindi ito basta party lang. We do this party for revealing someone's position,  and for our safety here in Kaipen"

Nanatili lang akong nakatitig sa kanya habang nag sasalita. Bakit parang kinakabahan ako. Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko? may mangyayari bang masama?

"We all know that we have a gangs here in Kaipen. I already gave the authorization to create your own group or gang but i only ask is,  don't make any trouble here inside my university. In fact, i have my own gang and you know what is my rules"

Huminto siya sa pagsasalita at bahagyang tumingin sa akin.

"Meron kaming isang kasama na kahit minsan hindi niyo pa nakita. And maybe this is the right time to show him up. This night is not only a simple party, this is also for him. For welcoming him as one of the greatest gangster and one of the member of my created gang. And now, I welcoming you. My most excellent buddy, and the second one of the Block D. Please welcome"

Binitin muna ni Kai ang kanyang sasabihin,  and a rapid succession of beats sounded on a drum. Ngunit gayun paman, hindi pa din mawawala ang kaba sa dibdib ko.

Ano to? bakit ganito ang nararamdaman ko? Ano bang pakulo ang ginagawa nila at ganito ang nararamdaman ko?

Hindi ko pa din inalis ang tingin ko sa kanya na nakatayo lang sa stage at nakatingin din sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganon ang tingin niya sa akin. Para bang kino-comfort ako.

"Again, please welcome. Mr. Marky Fuentes"

Ganun nalang ang paglaki ng mata ko dahil sa narinig. Bigla namang natahimik ang paligid at tila nakikiramdam lang din ang mga taong nandito.

Nakita ko namang lumabas si kuya mula sa likod ng stage at nagtungo sa kinaroroonan ni Kai.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Halo-halong emosyon ang pilit lumabas sa kaibuturan ko. Bigla akong nabingi at tanging pagkabog lang ng dibdib ko ang naririnig ko. All this time? si kuya lang pala ang mesteryosong lalaki? all this time, tama pala ang hinala ko. Alam kong posibleng manyayari to. Ngunit iba pa din sa pakiramdam kapag nagkatotoo na ang mga hinala mo.

Naramdaman ko naman ang mga kamay ni Norine at Dana sa balikat ko. Nakita ko ding dali-daling bumaba si Kai mula sa stage para puntahan ako, ngunit hindi ko na siya pinansin. Mabilis akong tumalikod at naglakad paalis.

Pinagkaisahan nila ako. Pinaglihiman nila ako. Nakikipag tawanan at nakikipag kulitan ako sa harap nila without knowing na niloko lang pala nila ako. How stupid i am.

Vote.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon