CHAPTER 51

1K 43 1
                                    

SAMARA'S POV

"Iniisip ko lang kasi, bakit ganun si kuya sa akin? Inaabandona na ba n'ya ako bilang kapatid? Mas lumalim naba ang samahan n'yo, dahil nagawa na n'ya akong ipamigay sa'yo?" Nakanguso pa ako habang sinasabi yun. Hindi ako lumingon sa kanya, at tanging daliri ko lang ang pinag lalaruan ko.

Naramdaman ko namang umupo s'ya sa tabi ko at hinawakan ang kamay kong nakapatong sa lap ko.

"Mahal na mahal ka ni Marky, baby. Ganun naman talaga kapag nag mahal ka, ipapaubaya mo yong taong mahal mo sa taong alam mong makakabuti sa taong mahal mo. And i'm so thankful, that you have a brother like him"

Hinalikan n'ya ang kamay ko at tinitigan ako ng deritso sa mga mata.

"Gusto ko sanang mamasyal tayo, kaso sikat kana pala ngayon. Hindi na kita pwedeng dalhin sa public place, dahil baka dudumugin ka lang ng mga tao" hinalikan n'ya uli ang kamay ko at ibinalik uli ang tingin n'ya sa akin. "I love you, mahal na mahal kita, at hindi na babawasan yun. Mas na dagdagan pa"

Nanatili lang akong nakatitig sa kanya habang binibigkas n'ya ang mga katagang yun. Mga katagang kahinaan ko. Yung inis na nararamdaman ko kanina nung nginitian n'ya yung babaeng pandak, bigla nalang nawala ngayun. Kunting pag lalandi lang n'ya ay tuluyan na akong bumigay. Kaya ayaw kong mararanasan yun ng iba, dahil ang gsuto ko, ako lang ang makakaranas nun. Ako lang ang makakaranas ng walang kapantay n'yang pag mamahal.

"Baby, magsalita ka naman" husky ang boses n'ya at namumungay ang mga matang nakatingin sa akin.

"Ano naman ang sasabihin ko?"

"Mag i love you ka din. Baka hindi ko na yan marinig" umusog pa s'ya palapit sa akin at ipinatong ang mukha n'ya sa balikat ko.

"Bakit naman hindi mo marinig?"

"Hmmp" umungol lang s'ya at idiniin ang mukha sa balikat ko.

Anong nangyari sa kanya? Uusog sana ako para makita ko ang mukha n'ya ngunit pinigilan n'ya ako.

"Don't move" sobrang paos na yung boses n'ya, tila nahihirapan s'ya.

"Are you okay?" Pag alalang tanong ko sa kanya. Parang naulit lang kasi ang nangyari sa bahay noong nakaraang araw.

Hindi s'ya sumagot sa tanong ko, bagkus hinigpitan n'ya lang lalo ang paghawak sa kamay ko.

"Primo, ano ba? Sabihin mo nga sa akin, ayos ka lang ba?" Medyo tumaas na yung boses ko, dahil hindi ko talaga maiintindihan ang ginagawa n'ya. Tila may bumabara na naman sa lalamunan ko dahil sa sobrang pag alala. Andito na naman yung pakiramdam na sobrang bigat.

"Sam? Tawag ka ni Marky" napalingon ako sa pintuan kung saan nakatayo si Ethan.

Nag mamadali itong lumapit sa amin nang makita n'ya ang lagay namin.

"Sige na, ako na dito"

Kahit naguguluhan ay tumango nalang ako, at dahan-dahang tinanggal ang ulo ni Kai sa balikat ko. Umupo din si Ethan sa inuupoan ko at ipinatong n'ya ang ulo ni Kai sa balikat n'ya. Gaya nung kanina. Hindi na ako nagtanong pa. Wala akong panahon para mag tanong. Isa lang ang nasa isip ko ngayun, may sakit si Primo, at yun ang aalamin ko.

Nag mamadali akong lumabas ng kwarto at nag punta sa room nina kuya. Kumatok ako, at binuksan naman agad ito ni kuya.

"Bunso"

"Kuya, saan yung gamot?" Deritsong tanong ko sa kanya. Nakalahad pa yung palad ko sa harapan n'ya habang hinihingi yung gamot.

"Anong gamot?" Takang tanong naman n'ya.

"SHIT! GIVE IT TO ME NOW! PRIMO IS IN DANGER" Hindi ko napigilang sigawan si Kuya.

"FVCK" nag mamadali naman s'yang bumalik sa loob at may hinahalungkat sa loob ng bag n'ya. Nang mahanap n'ya ito ay tumakbo s'ya ng mabilis at nilagpasan lang ako.

Confirmed! Si Kai talaga ang may sakit. May malalang sakit, at hindi ako bobo para hindi malalaman yun.

Parang nanghihina naman ako dahil sa mga naisip ko na pwedeng mangyari. Ano na? Ano na ang mangyayari sa amin? Kakabalik n'ya palang. Babawi pa s'ya.

Imbes na sundan ko si kuya sa kwarto namin ni Kai, ay nag lakad ako papunta sa kwarto nina Myka. Kailangan kung makausap si Karina. Baka may alam s'ya sa kung ano ang sakit ni Kai. Pagdating ko sa harap ng pinto ay malakas ko itong kinatok, ilang sigundo lang ay bumukas agad ito.

"Bakit?" Mataray na tanong ni Karina, pagkakita n'ya sa akin.

Walang pasabing hinila ko ito at dinala sa hindi mataong lugar. Nag pupumiglas naman s'ya, ngunit mas maliit s'ya kesa sa akin, kaya wala s'yang nagawa. Maliit talaga s'ya, payat, yung tipong hipan mo lang, matutumba na.

"Ano ba, Samara. Ano bang kailangan mo?" Inis na taong n'ya sa akin.

"Sabihin mo sa akin. Anong kalagayan ni Kai ngayon? Anong sakit n'ya? Paano s'ya nag karoon ng sakit?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Ngumiti naman s'ya nang mapakla.

"Do i really need to tell you, EVERYTHING?" Inemphasize pa n'ya ang salitang everything. Hindi ko alam kung anong pinapalabas n'ya.

"Hell yeah, you have to tell me everything. Or else, i'll cut your tongue, para hindi kana talaga tuluyang makapag salita"

"Tinatakot mo ba ako?" Maangas pa din n'ya akong hinarap.

Aba! Hinahamon talaga ako nang babaitang ito ah. Dahan-dahan akong nag lakad malapit sa kanya.

"Bakit natatakot ka? Ganyan nga. Dapat kang matakot. I'm a bitch, you know. And you didn't know, what bitch can do, right?" Pinagapang ko ang kamay ko sa braso n'ya, pataas sa balikat n'ya."Alam mo bang ilang babae na, na gaya mo ang pinagapang ko sa floor? Gusto mong maranasan yun?" Nginitian ko s'ya nang nakakatakot.

"Do you still remember what i've told you? Handa akong mamatay, makuha ko lang si Kai sayo, at wag kang aasa na sabihin ko sayo ang lahat. Because, you're nothing, compare to me"

"A so ganito ba ang gusto mo?" Sabi ko sabay hila ko sa buhok n'ya pababa, kaya napaangat ang mukha n'ya. Mas mataas ako sa kanya, kaya nakayuko ako ngayun habang tinitigan ang namimilipit sa sakit n'yang mukha.

"Ouch! Bitawan mo ako"

"Hinahamon mo ako diba? So ibig sabihin, hinanda mo na ang sarili mo, sa sarili mong kabaong?" Diniinan ko pa ang paghawak ko sa buhok n'ya, kaya napaungol s'ya sa sakit.

"Tama na, please. Aaahh, nasasaktan ako! Ano ba?" Pilit n'yang alisin ang kamay ko sa buhok n'ya.

May nakita naman akong taong paparating sa kinaroroonan namin, kaya binitawan ko s'yq ng malakas kaya natumba s'ya. Iniwan ko s'yang nakasalampak sa sahig habang umiiyak.


VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Where stories live. Discover now