CHAPTER 60

1.1K 41 0
                                    

SAMARA'S POV


"You may now kiss your bride" pag aanuns'yo ni Attorney.

Lumapit naman ako ng kunti kay Primo para maabot n'ya ako. Tinitigan n'ya muna ako bago hinalikan sa labi. Mga malalakas naman na palakpakan ang narinig namin mula sa mga taong saksi sa kasal namin.

"Congratulation Mr. And Mrs, Pendleton" bati ni attorney sa amin.

Lumapit naman yung lima sa amin at niyakap nila ako isa-isa.

"Congrats Sam, sa wakas nagiging Mrs. Kana din" bati ni Dieg sa akin.

"Salamat Dieg" pasasalamat ko sa kanya. Lumapit naman s'ya kay Primo at nakipag kamay.

"Awweehh, sana all may asawa, Prime" kantyaw naman ni Ethan. Binatukan naman ito ni Clark.

"Ikaw" yun lang ang tanging na sabi ni Ethan.

Napapa iling nalang ako. Nagawa pa din nilang mag babatukan sa harap ng may sakit nilang Primo.

"Congrats bunso. Nakakaiyak naman, wala na akong bunso, dahil kinuha kana ni Prime sa akin" malungkot na saad ni kuya.

"Kuya naman, kahit may asawa na ako, ikaw pa din ang the best kuya ko. Asawa ko lang si Primo, ikaw ang kuya ko" may halong pag bibiro kong sabi sa kanya.

Ngumiti naman s'ya ng tipid bago tiningnan si Primo na kinkulit nung apat.

"Bukas na ang operasyon ni Prime. Pakatatag ka bunso, bawal ang mahina ngayon. Sabay-sabay tayong lalaban para sa kanya, lalo kana" seryosong sabi ni kuya. Hinawakan n'ya ang kamay ko, dahil nahahalata siguro n'yang parang naiiyak naman ako.

"Kakayanin ko ba yun kuya? Paano nalang kong-"

"Hindi tayo pwedeng mag isip ng masama, ang iisipin natin na magiging succesful ang operasyon n'ya. Sam hindi tayo pwedeng pang hinaan ng loob, mag pakatatag tayo. Matatalo tayo ng pagsubok kapag hahayaan nating mag papadal sa takot at kalungkutan"

Tumango ako at pinahid ang luhang nag landas na naman sa pisngi ko. Tumingin ako kay Prime na sobrang lawak ang ngiti, para bang walang dinaramdam. Sobrang swerte ko sa kanya, dahil nanatili pa din s'yang matatag para hindi ako mag alala.

Kung maibabalik ko lang ang panahon, Primo, hindi ka sana nagka ganyan, kung may magagawa pa ako para maayos ang lahat, ginawa ko na. Sobrang sakit lang makita kang patuloy na lumalaban para sa akin. Kahit sa kabila nang nangyari sayo, ako pa din ang iniisip mo. Sobrang malas mo lang dahil ako ang minahal mo, ako na walang ibang ginawa kundi saktan ka, sukuan ka. Deserve mo ba talaga ang gaya ko?

"Sam, congrats" napalingon naman ako kay Dustine na nagsalita sa likuran ko. Tinapik pa n'ya ang balikat ni kuya bago tuluyang lumapit sa akin.

"Salamat, Dustine"

"Ayos ka lang ba? Mag pakatatag ka, wag kang susuko. Andito kami para damayan ka. Sobrang mahalaga sa amin si Prime, kaya pareho tayo ng nararamdaman. Masakit din sa amin sa tuwing nakikitang aatakihin s'ya ng sakit sa ulo, wala kaming magagawa kundi tingnan lang s'ya at hagurin ang likud n'ya. Kung pwede lang na hati-hatian namin ang sakit n'ya, ginawa na namin, dahil alam namin na kapag kami ang may problema, ganun din ang gagawin ni Prime" namumula na ang mga mata ni Dustine, tila nag papigil lang ito ng luha.

Ang swerte mo Prime, may mga kaibigan kang sobrang mapag alala. At swerte din ako dahil hindi ako nag iisang labanan ang problemang to.

"Salamat, Dustine. Maraming salamat sa inyo" nag cover ako ng mukha dahil ayaw kong makikita nila akong umiiyak. Sila lang yung karamay ko sa pagkakataonv ito, kaya ayaw kong makita nilang nang hihina ako. Kasalanan ko'to, dapat pag dusahan ko.


VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Where stories live. Discover now