CHAPTER 68

1.3K 59 2
                                    

KAI'S POV


"Prime, may chixx, ang ganda nang bagong studyante"

"Oo nga Prime, tingnan mo, ayun oh, yung sumisigaw habang itinaas pa ang dalawang kamay"

Walang gana akong tumingin kina Ethan at Clark habang nag lalakad kami sa loob nang university na pag aari ko. Tiningnan ko naman ang babaeng tinuro nila, at walang pasabing binato ko ito nang bolang hawak ko.

Inis na lumingon ito sa akin. Woah, maganda nga. Magandang papaikotin ko sa mga palad ko. Seryoso ang mukha ko habang lumalapit sa kanya.

"Who gave you a permission to shout in the middle of this fvcking hallway? You idiot" may halong pang iinsulto na saad ko sa kanya.

Nakita ko namang sobrang naiinis s'ya, at humakbang ito palapit sa akin.

"Hindi mo ba alam, na para kang tanga kakasigaw d'yan" dagdag ko pa.

"Pakialam mo? Buhay mo'to?" Ganting sigaw n'ya sa akin. Medyo na challenge naman ako sa pinapakita n'yang ugali sa akin. Hindi basta basta, ha?

Tiningnan ko s'ya mula ulo hanggang paa, bago ako nag salita.

"Ala mo ba miss, hindi ka nababagay sa-" napautol ang dapat ko sanang sabihin nang bigla nalang n'ya akong sinapak sa mukha.

Shitt!

"Fvck" hiyaw ko habang nakahawak sa mukha kong natamaan nang kamao n'ya. Ang sakit nun ha.

"Wag na wag mo akong maiinsulto, lalo pa't wala kang alam tungkol sa akin" pagkatapos n'yang sabihin yun, ay lumapit pa ito sa akin at tinuhod ang junior ko.

Aarrgghh! Mababaog ako nito.

"Shitt, Aahhh, what do you think you're doing?" Namilipit ako sa sakit nang harapan ko. Lumuhod pa ako sa lupa dahil sa sobrang sakit na nararamdaman.

"Para yan sa pang iinsulto mo sa akin, gago" pagkatapos n'yang sabihin yun, ay tumingin muna to sa akin.

Kaya nung makita ko ang dogtag na suot n'ya sa leeg n'ya, ay bigla nalang nagbago ang pananaw ko. Ang dogtag, ang dogtag ni Ara. Ang dogtag nang babaeng hinahangad ko, at iniwan ko. Kaya simula nun, palagi ko na s'yang sinusundan at na confirmed ko na s'ya pala ang kapatid ni Marky, si Ara. Si Samara Fuentes.

Ang babaeng mahal ko noon, at ang babaeng mahal ko ngayun ay iisa, at naagalalakad papalapit sa akin habang nakasuot nang wedding gown. Ang babaeng sinasamba ko, mula bata pa ako hanggang ngayon.

Naramdaman ko naman ang pagtapik ni Daddy sa balikat ko, kaya napatingin ako sa kanya.

"Good luck son, congrats, again"

Tinanguan ko si Daddy at ibinaling ang paningin kay Sam na nakatayo na sa harap ko, habang inalalayan ni Marky.

"Ibibigay ko na sayo ang kapatid ko, ingatan mo s'ya, Prime" walang halong pag bibiro na sabi ni Marky sa akin bago n'ya tinapik ang balikat ko.

"Salamat, kuya" seryosong saad ko. Pinanlakihan pa n'ya ako nang mata dahil sa pagtawag ko sa kanyang kuya.

Kinuha ko na ang kamay ni Sam at nilagay sa braso ko. Humarap kami sa pari. Saka pa sinimulan ang ceremony. Hindi ako gaya nang ibang lalaki na kapag ikakasal, kakabahan. Ako, wala akong ibang nararamdaman kundi ang nag uumapaw na saya sa puso ko. Saya, na sa wakas, magiging akin na din ang babaeng pinapangarap ko nang matagal. Ang babaeng laman nang puso ko, nang mahabang panahon.

"Do you take, Kaizer Pendleton as your lawful husband?" Tanong nang pari kay Sam.

Napaiyak lang itong tumango habang binibigkas ang mga katagang masarap sa pandinig.

"I do, Father"

"Do you take, Samara Fuentes as your lawful wife?" Tanong naman nang pari sa akin.

"I do, Father" puno nang kasiyahang sambit ko sa mga katagang yun.

Nanatili lang kaming nakatitig sa isa't isa hanggang sa nagsalita uli ang pari.

"Its time, to exchange your vows"

Humarap kami sa isa't isa at mahigpit na magkahawak kamay.

"I, Kaizer Pendleton. Nangangako ulit, hindi lang sa harapan mo, hindi lang sa harapan ni Father, kundi sa harapan nang maraming tao. Na Sam, baby, Ara, mamahalin kita nang buong buhay ko. Aalagaan at pakaiingatan. Nangangako akong maging mabuting asawa sayo. Nangangako akong, maging gabay mo, at kasama mo sa hirap at ginhawa. Mahal na mahal na mahal kita, at hindi ako magsasawang ulit ulitin ang mga katagang yan, kahit minuto minuto pa. Hindi man ito ang unang pagkakataon na kinasal tayo, ngunit ito ang unang pagkakataon na kinasal tayo sa harapan nang maraming tao. Baby, i'm sorry kung binigyan kita nang problema. Hindi pa man tayo kasal noon, sakit na sa ulo ang dulot ko sayo. Pero hindi naman ako nang babae, diba? Yung lang ang lamang ko" tumawa pa ako habang sinasabi yun. Napalingon pa ako sa mga taong umattend sa kasal namin, dahil pati sila, tumawa din.

Kahit na sobrang basa na nang mukha ko dahil sa mga luha ko, nagawa ko pa ding tumawa, pinahid ko muna ang luha ko, bago ako nag patuloy.

"Basta, ako lang ang nag iisa mong Cookie at Primo. Ang tagal kung hinintay ang pagkakataong ito, na sa wakas, matitikaman mo din ang special hotdog ko with specia-" hindi ko natuloy ang dapat kong sasabihin, dahil tinakpan n'ya ang bibig ko at tiningnan ako nang masama.

Nahihiyang tumingin pa s'ya sa mga tao at kina Marky na napa iling iling nalang. Saka ko lang na realize kung ano yung pinagsasabi ko.

Shiit, nakakahiya.

"Amp, a-ako naman, Father" hirit naman ni Sam, habang humihingi pa nang permiso sa pari. Tumango naman ang pari.

"S-So yun nga. Coockie, Kai, Primo nang buhay ko. Sobrang thankful ako kasi, kahit sa dinami dami nating pagsubok na hinaharap, andito parin tayo. Umabot pa din tayo sa kasalan. Sobrang saya ko kasi, binigay ka ulit sa akin nang panginoon. Kahit ang dami kong kasalanan sayo, ibinalik ka pa din n'ya sa akin. Sobrang napaka swerte ko lang, dahil kahit sa kabila nang ginagawa ko sayo, andito ka parin. Andito sa harapan ko, nangangako kasama ko sa harap nang maraming tao. Mahal na mahal kita, kahit pa sa kabila nang kamayakan mo, baliw na baliw pa din ako sayo. Wala na akong ibang mahihiling pa kundi sana, hindi na ma uulit ang dinanas natin nung nakaraang buwan. Sana, pagtibayin ni Lord ang pagsasamahan natin. Marami mang mga pagsubok na dumadaan at paparating sa atin, magka hawak kamay natin yung haharapin. Ikaw, ako, tayong dalawa, hanggang sa huli" umiiyak na saad nang asawa ko sa harapan ko, ni Father, at sa lahat nang tao.

Hindi ko na napigilan ang luha ko, kaya tumulo na naman ito uli. Hindi ko lang talaga alam kung paano umasta dahil sa sobrang kasiyahan.

Nagsalita ulit ang pari, hanggang sa

"And now, i pronnounce you, husband and wife. You may now, kiss the bride"

Yun lang naman ang hinintay ko e. Itinaas ko ang belo ni Sam at walang pasabing hinalikan ko ito sa labi.

"I love you, Mrs. Pendleton" bulong ko, sa gitna nang paghahalikan namin.

"I love you, too, Mr. Pendleton" tugon n'ya sa akin at ginantihan ako nang halik.

Mga masigabong palakpakan at sigawan naman ang narinig namin mula sa mga taong naging saksi nang pag iisang dibdib namin.

"CONGRATULATIONS" sabay sabay na sigaw nina Marky, Dieg, Ethan, Clark, Dustine, at Almond. Kasama sina Norine, Dana, at si Mommy.

Ang mga taong palaging andyan sa tabi namin ni Sam. Mga taong kahit kailan, wala kaming naririnig kundi ang pag susuporta sa amin. Ang mga taong kasama namin sa hirap at ginhawa. Mga taong kailangman, hindi ko malilimutan.

Ito ang journey namin, umabot sa puntong, nagkakasakitan, hiwalayan, batian, at sa puntong may muntikan pang mawala. Pero we still figthing, kaya kami umabot sa ganito.

Ako, si Kaizer Pendleton. Nagsasabing, laban lang nang laban, hanggang sa makamit mo ang iyong inaasam.


VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora