CHAPTER 40

1.1K 53 4
                                    


SAMARA'S POV

"Ano ba Kai, bakit mo ba ginagawang biro lang ang lahat? Hindi mo ba naisip na nahihirapan ako?" Sigaw ko sa kanya pagdating namin sa park kung saan n'ya ako dinala.

Ngumiti s'ya sa akin, yung ngiti na parang may dinaramdam. Yung klaseng ngiti na kailanman hindi ko pa nakita.

"I just want to spend time with you baby, please" hinila n'ya ako at pinaupo sa tabi n'ya. Ayaw ko pa sana ngunit nakita ko ang lungkot sa mga mata n'ya.

Hinawakan n'ya ng mahigpit ang kamay ko at hinalikan ito.

"Mamaya, doon na ako matutulog sa inyo" ngumiti s'ya sa akin at wala na yong nakikita kong lungkot sa mga mata n'ya kanina.

Nakakaramdam naman ako ng kakaiba sa puso ko.

"Wala kabang bahay?" Inis na tanong ko sa kanya.

Yung mga gamit n'ya kasi andun na sa bahay, ngunit hindi pa s'ya natutulog dun. Hindi naman sa gusto kong andun s'ya, nagtataka lang ako kung bakit hindi s'ya doon agad natutulog pagkadating ng mga gamit n'ya.

"Gusto lang kita makita minuto-minuto kaya gusto kong doon muna mananatili sa inyo. I just want to make sure na walang lalaking makakakalapit sayo" bumalik na yung sigla sa pananalita n'ya, hindi kagaya kanina.

"Kai, ano ba tayo? Bakit ganyan ka? Nakalimutan mo naba na iniwan mo ako dito? Saan kaba galing? Bakit sumulpot kalang bigla dito tapos hindi man lang nag papaliwang. Tapos ganyan ka sa akin na parang wala lang? Ano ba talaga?"

"Baby, pwede bang wag muna natin pag uusapan yan? Gusto ko, ngayong narito na ako, gusto kong ilaan ang lahat ng oras ko sayo. Wag mo naman akong pigilan"

Bumuntong hininga ako at ibinaling ang tingin sa ibang direction. Alam kong mahirap intindihin ang situation, ngunit bakit may parte sa akin na gusto ko s'yang sabayan nalang sa mga gusto n'ya. Gusto kong sundin ang gusto n'ya, ngunit may pag alinlangan pa din ako. Marami pa akong katanungan na gusto kong hanapan ng sagot.

"Baby?"

Hinawakan n'ya uli ang kamay ko, kaya nilingon ko s'ya.

"Paano yung girlfriend mo?" Deritsong tanong ko sa kanya.

Hindi naman nag iba ang expression n'ya. Para bang wala s'yang pakialam sa tanong ko.

"Hindi ko s'ya girlfriend"

"E, ano mo s'ya? Fiance ganun?"

Hinila n'ya ako at niyakap ng mahigpit.

"Sssshhh. Hhhmmpp"ungol n'ya habang naka subsub ang mukha n'ya sa balikat ko.

Tila bumigat ang paghinga n'ya at matagal bago s'ya nakabawi.

"Heyy, a-are you okay?" Inangat ko ang mukha n'ya, pero idiniin lang nya ito sa balikat ko. Tila may masakit sa kanya at humugot lang s'ya ng lakas para harapin ako.

"Im okay" paos na tugon n'ya.

Medyo kinabahan naman ako kaya umusog ako paatras para makita ang mukha n'ya. Nag angat naman s'ya ng tingin kaya kita ko ang mukha n'ya. Nakapikit ito at namumutla.

"You sure? Are you really okay, Primo?"

Napangiti naman s'ya sa tanong ko at dahan-dahang tumango.

"Na mimiss ko ang pag tawag mo sa aking Primo. Na mimiss kita, ang ngiti mo, ang buong ikaw, namimis kita, Samara" niyakap n'ya ako uli.

Medyo magaan na ang yakap n'ya ngayon, hindi gaya kanina na parang may masakit sa kanya. Hinayaan ko nalang s'ya sa ginagawa n'ya. Parang hindi kasi okay ang pakiramdam n'ya.

"May masakit ba sayo?" Tanong ko, habang nanatili pa din s'yang nakayakap sa akin.

"Nothing, i just want to hug you all day. Kaso maraming tao dito. Mamaya nalang pag nasa bahay na tayo"

Tinulak ko s'ya ng bahagya, dahil nakakaramdan ako ng pamumula. Shiitt, bakit sa simpleng pag lalandi lang n'ya e, parang kinikilig ako. No, hindi pwede to. Papahirapan ko pa s'ya, tama! Ganun nga ang gagawin ko.

"Tara na nga, mamaya ma late pa ako sa trabaho ko" tumayo ako at pinagpag ang pang ibabang uniform ko.

"Sasama ako, gusto kitang mapanood. Mamaya mamanyakin kapa ni Almond" tumayo na din s'ya at inalalayan ako.

"Paano ang klase mo?"

"Wala na akong klase"

Hindi na ako nag tanong pang muli, kung paanong wala na s'yang klase, ay hindi ko alam. Malamang kagagawan na naman n'ya kung bakit wala s'yang klase. Alam n'yo naman, may ari, may lakas na loob na mag sisigaan. Tss! Yabang, porket pendleton, porket Primo ng Black D. Kaya na n'yang paikotin ang lahat. Tss! Iwan ko nalang.

Pag labas namin ng park ay nakasalubong namin sina Dustine at Clark. Woah, lumabas din ang mga to? Ganun ba sila? Porket nag papakita ang hari nila, saka pa din sila lalabas? Tss.

"Woah! Sam? Ikaw yan? Mag kasama na pala kayo?" Manghang tanong ni Clark sa akin habang palipat lipat ang tingin n'ya sa amin ni Kai.

"So, alam mo na Sam?"

Nagtaka naman ako sa tanong ni Dustine.

"Alam ang ano?"

Tumingin naman ito kay Kai na tila humihingi ng permession. Pero nagbawi din ito ng tingin at bumaling sa akin.

"Y-Yung ano, y-yung paglipat ni Prime sa bahay mo" agaw eksina naman ni Clark.

"Oo, yun nga, diba Clark? Yung paglipat ni Prime sa bahay nila Sam?" Ngumiti naman ng alanganin si Clark kay Dustine, habang si Kai naman ay nakikinig lang sa amin.

Tumango nalang ako kahit hindi ako kumbinsido sa sinasabi nila.

"Ahmp, ano Prime, mauna na kami. Tawagan mo nalang kami kung may kailangan ka"

Tinanguan naman ni Kai si Clark.

"Tara na, baby"

Kinuha na naman n'ya ang kamay ko at pinagsalikop ito.

Lihim nalang akong napangiti dahil sa ginagawa n'ya, kahit napaka simple nang ginagawa n'ya, kinikilig na ako. Paano nalang kaya kung mas matindi pa, baka himatayin na ako.

Ayy shiitt! Galit ka sa kanya Samara, baka nakalimutan mo?

Kinagat ko pa ng bahagya ang labi ko para naman magising ako sa pag iilusyon ko.


VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Where stories live. Discover now