CHAPTER 12

1.8K 76 2
                                    

SAMARA'S POV

"Sam?"

Napahinto ako sa pag lalakad ng makita ko si Dieg na nakatayo sa gilid ng daan. May bitbit itong naka plastic na mga pagkain.

"Ah Dieg, ba't andito ka?"

Naramdaman ko naman na huminto din sina Dana at Norine sa likuran ko. Tumingin naman si Dieg sa Dalawa at kumaway.

"Tamang-tama, pinapasundo ka ni Kai. Kakain na daw" itinaas pa niya ang dala niyang mga pagkain.

"Ah, ano kasi, may pupuntahan pa ako. Saka tapos na din ako kumain" alanganin pa akong ngumiti sa kanya.

"Sam, alam mo naman si Kai diba? Maaatim mo ba na ako naman ang may black eye?" pananakot pa niya sa akin.

Napalingon naman ako sa likuran ko, dahil kinalabit ako ni Norine at Dana.

"Sam, baka naman papakainin mo naman kami ulit. Remember. Hindi kami nakakakain ng maayos kanina" pa ngiti-ngiting sabi ni Dana.

Si Norine naman ay nakanguso pa. Tiningnan lang ako ng 'Pumayag kana look'.

Mga patay gutom talaga tong mga 'to. Ka babaeng tao! parang may lamang drum ang mga sikmura.

"Aist, Oo na cge na. Kulit" napahilot pa ako sa sintido ko, kaya naitaas ko ang kamay ko na may hawak na papel.

Napansin naman ni Dieg iyon.

"Ano yan?" pag tatanong niya habang nakaturo sa papel na hawak ko.

"Ah wala lang 'to" Mabilis ko naman itong itinago sa pocket ko at nauna ng mag lakad.

Naramdaman ko namang sumunod sila sa akin kaya di na ako lumingon pa. Kabisado ko naman ang daan patungong tambayan nina Kai, kaya di na ako nag abalang mag tanong pa kay Dieg.

Pagdating ko sa harap ng tambayan nila, nakita ko si Dustine sa labas, na may hawak na segarilyo.

"Dustine? andiyan sina Kai?" tanong ko kay Dustine.

Lumingon naman ito sa akin, at tinangoan ako. May kasama pang ngiti. woahh! first time ko atang makita siyang ngumiti.

Pumasok naman ako sa loob. Nakita ko pa sina Ethan at Clark na nag lalaro ng chess. Napalingon naman sila pariho sa akin.

"Uyy Sam, andiyan kana pala" masayang bati ni Ethan sa akin. Tumayo pa nga ito at inalalayan ako paupo.

Tinapik naman ni Clark ang kamay ni Ethan na naka hawak sa braso ko, at sinamaan ito ng tingin.

"Gusto mo makatikim uli ng black eye? matagal tagal na namang hindi nakakasapak si Prime ng aso? gusto mo?" Nakataas baba pa ang kilay na saad ni Clark.

"Ngina mo" singhal naman ni Ethan kay Clark. Natawa nalang ako sa kakulitan nila.

Umupo ako sa couch at isinandal ang likud. Nadinig ko namang pumasok yung tatlo, kaya mabilis namang napalingon sina Ethan sa pintuan.

"Oh my! Dana"
"Norine"
Sabay na sambit ni Ethan at Clark.

Yung dalawang babae naman, namumula bigla ang pisngi. Tingin ko may gusto itong si Norine kay Clark, ganun din si Dana kay Ethan.

Naku, wag lang silang mag kakamaling saktan ying dalawang babae, kundi ipapapatay ko talaga sila kay Kai.

"Upo ka, Norine" hinila ni Clark ang kamay ni Norine, at pinaupo sa tabi ko.

Nang makaupo na si Norine sa tabi ko ay siniko ko ito. Napalingon naman siya sa akin kaya kinunutan ko siya ng noo. Nag iwas naman siya ng tingin, at bumaling sa kaliwang bahagi.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Where stories live. Discover now