CHAPTER 26

1.2K 59 0
                                    

SAMARA'S POV

Nanatili pa din akong nakayuko habang nakikiramdam sa paligid. I can't speak orderly, because i let my sobs come out louder. I'm hurt, i'm freaking hurt. This is not my expectations.

"Sam, please. Listen to us. We did it purposely, we have a reason. A valid reason, that's why we hide it from you"

Napahinto ako sa paghikbi when i heard my brother talking to me. Dahan-dahan akong nag angat ng tingin and i saw him standing in front of me. I saw him crying while biting his lips.

I still looking at him with my glare. Hindi ko parin kasi maiintindihan. Hindi ko makuha-kuha kung ano ba talagang pesting rason na yan.

I took a deep breath at dahan-dahan akong tumayo while staring at him.

"Then, explain. Explain it! Explain your fucking reason so that i can understand the situation"

"I hide it from you, because-"

"MARKY, DAPA"

*BANGG*BANGG*BANGG*

Halos mapugto ang hininga ko dahil sa lakas ng paghila ni Kai sa akin. Halos nabibingi na din ako dahil sa lakas ng putok na umalingaw-ngaw sa paligid namin.

Nakita ko din na nakikipag palitan ng putok sina Dieg at Ethan sa kararating lang na kalaban. Samantala, sina Clark at Dustine naman ay kanya-kanyang pumasok sa kotse at mabilis itong nag drive patungo sa pwesto namin.

"Prime, ipasok mo si Samara" nirinig ko pang sigaw ni Clark.

Mabilis naman akong hinila ni Kai patungo sa kotse ni Clark it pinapapasok ako sa loob.

"Stay here baby. Please wag kang lalabas"

Akmang lalabas na sana siya ngunit pinigilan ko ito.

"Saan ka pupunta?" pag alalang tanong ko sa kanya. Delikado kasi. Patuloy pa din kasing nakikipag palitan ng putok sina Kuya sa mga kalaban.

"I'm going to face them"

"No, stay here" matigas kong ani sa kanya.

Bumuntong hininga naman siya at marahang tumango. Maya-maya lang ay natahimik na din ang paligid. Lumapit naman sina Dieg sa amin at may pinakita ito kay Kai.

"Nakita ko 'to kanina, mukhang galing sa kalaban, Prime"

Kinuha naman ni Kai ang bagay na binigay ni Dieg sa kanya, at tinitigan ito ng mabuti. Nakita ko kung paano mag tagis ang mga bagang niya habang nakatitig sa isang maliit na bola?

"Damn that man"

Tumingin naman ako kina Dieg at Clark na nagtitigan. Anong alam nila? at sino ang taong tinutukoy ni Kai.

"Lets go home first. We need to talk about this, later" Umupo siya sa tabi ko at inilagay ang maliit na bola sa harapan namin.

Dahan-dahan namang pinatakbo ni Clark ang kotse. Tahimik ang buong byahe namin. Mukhang walang gustong magsasalita. Bahagyang lumingon pa ako kay Kai, ngunit nakita ko lang na nakatingin ito sa labas ng bintana.

Si Clark naman, seryoso lang na nag mamaniho. Kaya instead na kausapin sila, ibinaling ko nalang din ang paningin ko sa labas ng bintana.

I took a deep breath, and i slowly closed my eyes. Matutulog na muna ako, i'm just tired. Yung nangyari kanina bago yung barilan? i didn't know if how can i face the situation after what happened. Siguro tama sila. i need to listen them first, bago mag react. Pero, mas mabuti sigurong tama na muna to.

I need to find my self. After what happened, i didn't know if i still have a strength to face them. Not now. I need to end this as soon as possible.

"We're here"

Napatingin ako kay Clark na bumaba ng sasakyan. Sa sobrang pag iisip ko, di ko na namalayan na nakakarating na pala kami. Nilingon ko si Kai at tila wala din ito sa sarili.

Tinapik ko ng marahan ang balikat niya dahilan para mapalingon siya sa akin.

"Problem?" deritsang tanong ko sa kanya.

Bumuntong hininga lang siya at umiling-iling.

"Nothing, baby" pababa na sana siya ng kotse ngunit pinigilan ko siya.

"Kai, we need to talk" nilaro-laro ko pa ang mga daliri ko habang sinasabi yon.

"Tungkol saan?"

"About us, about our relationship"

"Baby, magpapaliwag din kami, kung 'yon parin ang iniisip-"

"I need space" Pinutol ko ang dapat niyang sasabihin nang hindi nakatingin sa kanya.

Nang wala akong makuhang sagot mula sa kanya,  ay saka ko lang siya tiningnan ng deritso sa mata. Nakita ko naman ang pagkalito niya dahil sa sinasabi ko.

"W-what space?"

"Cool off muna tayo. Gusto kong makapag isip-isip. I know you have a big problem, but you can't fix it because of me. Gusto kong bigyan ka ng panahon para unahin yung mga problema mo"

"No, hindi ito ang hiningi ko mula sayo, i don't fucking care if i can't fix it! Wala akong pakialam kung gaano pa karami ang problema ko. All i need is you. YOU, only YOU Samara"

Umiling-iling ako sa harap niya. Ayaw kong mahihirapan siya. Alam kong sobrang hirap ng pinagdaanan niya ngayon, di man niya sinasabi sa akin, ngunit naramdaman ko 'yon. Ayokong magiging pabigat lang ako.

"No, hindi mo naiintindihan! Kai we need to find ourselves, you have your own problem, meron din ako. Sa tingin mo paano natin malulutas 'to, kung pariho tayong may hinaharap"

Nakita ko ang disbeliefs sa mga mata niya. Nakita ko ang pagkakadismaya niya dahil sa mga sinasabi ko. Alam kong nabigla siya ngunit buo na ang pasiya ko.

"Please don't do this. Kaya kong harapin ang problema ko, kahit andiyan ka. Lulutasin natin ang problema mo, nang sama-sama tayong dalawa. Di ko kakayanin kung lalayo ka sa akin baby" Nag simula nang tumulo ang masasagang luha niya.

Mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay ko, ngunit pilit ko itong binawi.

"I'm sorry Kai, but i need to do this. I'm so sorry"

Di ko na din napigilang umiyak dahil sa awa ko sa kanya. Pero para sa amin din itong gagawin ko.

"Kung tuluyan kang lalabas sa pesting kotse na'to. Aasahan mo ang pagbabago ko Samara. Kung pipilitin mo ang sarili mong lumayo sa akin, hindi na kita pipigilan pa. At kapag mag kita man tayong muli. Ibang tao kana sa paningin ko"

Masakit man sa dibdib ang mga katagang binitawan niya, but i have no choice. Buo na ang pasiya ko.

'Maiintindihan mo din ako Kai, at kapag dumating man ang panahong magkita uli tayo, pipilitin kong bawiin ang ano mang akin'


Vote.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Where stories live. Discover now