CHAPTER 38

1.1K 57 1
                                    


SAMARA'S POV

Padabog akong lumabas ng bahay. As usual, badtrip na naman ako. Naramdaman ko namang nakasunod lang s'ya sa akin. Pagkalabas ko ay s'ya namang pagdating ni Almond.

"Hey Sam, tara"

Pumunta ako sa kotse ni Almond ngunit pinigilan ako ni Kai.

"Diba sabi kong ako ang mag hahatid sayo?" Hinila n'ya ako patungo sa kotse n'ya.

Nag pupumiglas naman ako at pilit kinalas ang kamay n'ya sa wrist ko.

"Ano ba, kay Almond ako sasabay" tinalikuran ko s'ya at bumalik sa kotse ni Almond.

"Samara, bumalik ka dito kung ayaw mong sisirain ko itong kotse" sigaw n'ya.

"E di sirain mo" patuloy pa din ako sa pag hakbang papunta sa sasakyan ni Almond.

"Isa"

Hindi ko pa din s'ya nilingon. Manigas ka d'yan, hindi lahat ng bagay makukuha m-

*Sssccrraaasshhh* (AN: hindi ko alam kung paano ang tunog ng nabasag na salamin, hahaha Peace✌)

Mabilis akong napalingun at nakita ko ang salamin ng sasakyan ni Kai na nabasag na. Nabaling naman ang tingin ko sa kamao n'yang dumudugo.

"Oh my God" dali-dali akong nag punta sa kinaruruonan n'ya at tiningnan ang kamao n'yang patuloy pa din sa padurugo.

"What are you doing, Pendleton?" Hinila ko s'ya sa papasok sa loob ng bahay, pero bago yun ay nilingon ko muna si Almond na nag alala din.

"Almond, puntahan mo muna mommy mo. Sabihin mong mahuhuli ako ng dating"

Tumango naman si Almond at dali-daling pumasok sa sasakyan, at mabilis na pintakbo ito.

Hinila ko ulit si Kai at pabagsak na tinulak s'ya sa sofa.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo, ha?" Sermon ko sa kanya. Dali-dali akong tumalikod at kinuha ang medkit sa kitchen.

"O! Anyari bunso?" Tanong ni kuya nang maabutan n'ya akong nag hahalungkat ng gamit sa kitchen.

"Tanungin mo yang siraulo mong kaibigan"

"Sino si Prime?"

"May kaibigan ka pa bang siraulo maliban sa kanya?" Inirapan ko si kuya, pagkatapos dali-dali kong dinampot ang medkit ng makita ko ito.

Lumabas ako ng kitchen at binalikan ang gagong nag tatagis pa din ang bagang.

Padabog kong kinuha ang kamay n'ya at nilinis ang sugat. Pagkatapos kong linisin ang sugat n'ya, ay nilagyan ko ito ng benda. Medyo malaki din ang natamo n'yang sugat, dahil sa kagaguhang ginagawa n'ya. Baliwala sa kanya ang masugatan makuha lang n'ya ang gusto n'ya. Kaya minsan nag tataka ako kung bakit ganito ang ugali n'ya? Masyado ba s'yang naii spoil ng magulang n'ya kaya ganyan s'ya?

Speaking of magulang, kahit kailan hindi ko pa nameet ang mga magulang n'ya. Umabot nalang sa puntong nag hihiwalay kami. Yung babaeng kasama n'ya noong nakaraang araw, siguro na meet na n'ya ang mga magulang ng bakulaw na'to.

Ang swete n'ya kung ganun.

"Aray, dahan-dahan baby"

Napairap pa ako dahil para s'yang bakla kung maka ngawa. Takot naman pala, ang lakas-lakas ng loob.

"Nasasaktan ka pala, bakit mo ginawa yun?" Niligpit ko ang mga gamot at ibinalik sa lalagyan.

"Ang alin?" Naguguluhang tanong n'ya.

"Tss, maang-maangan pa"

"Ang alin nga"

"Wala" singhal ko sa kanya. Baka akalain n'yang madadala ako sa pagiging bayolente n'ya. Tangina talagang kagaguhan n'ya.

Dinadaan sa pang haharas ang mga bagay-bagay para lang makuha n'ya. Bweset!

Umupo ako sa sofa at pabalang na tiningnan s'ya.

"Bakit mo nga ginagawa yun? Ganun ka ba talaga? Dinadaan mo sa papanakit ng sarili mo, para lang makuha ang gusto mo?"

Lumambot naman ang ekspresyon n'ya. Tumayo s'ya at tumabi sa akin.

"Alam mo kung ano ang kaya kong gawin pagdating sayo, Samara" itinaas pa n'ya ang kamao n'yang may benda at tinitigan ito. "Sisiw lang ito kumpara sa pwede ko pang gawin kapag makikita kong may lalaking aaligid sayo. Ako at si Marky lang ang pwedeng lalapit sa'yo, wala nang iba. Naiintindihan mo? Wala akong pakialam kung galit ka. Sige lang, magalit kapa. Pero wag na wag kang mag papahawak sa iba, maliban sa akin"

Tumayo s'ya at nag dial ng number sa phone n'ya.

"Hello Ethan? Dalhin mo dito kina Marky ang mga gamit ko. Oo ngayon na"

Gulat naman akong napatingin sa kanya habang binaba n'ya ang phone n'ya at nilapag ito sa mini table namin. May kinuha din s'yang susi sa bulsa ng jeans n'ya.

Teka! Susi namin yan a!

"Bakit na sayo yan? Saka ano yung sinasabi mo? Dalhin dito ang mga gamit mo?"

"Tama ka, nasakin ang susi ng guest room n'yo. At mula ngayun, dito na ako titira" umupo s'ya uli sa sofa at pa simpleng tumingin sa akin.

Napaang naman ako dahil sa sinasabi n'ya.

"Nababaliw ka naba, Pendleton?"

"Noon pa, ngayun mo lang alam?" Ngumiti s'ya ng nakakaluko kaya medyo kinikilabutan ako.

Shet naman! Wag mo akong ma daan-daan sa pag ganyan-ganyan mo Primo, baka tuluyan na akong bumigay.

Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa kalandiang naisip ko.

"Mula ngayon, nasakin lang ang paningin mo. Kapag makikita kong tumitingin ka sa ibang lalaki, aasahan mo ang matinding parusang ipapataw ko sayo" sumandal s'ya sa sofa at nilagay ang dalawang palad sa likud ng ulo n'ya, habang ang mga paa naman ay nakapatung sa mini table namin.

Feel na feel talaga eh! Shett, kuya bakit ka pumayag? Lagot ka sa akin mamaya. Pag uuntugin ko talaga kayong dalawa.

Tumayo ako at aalis sana, ngunit hinila n'ya ako pabalik kaya napaupo uli ako sa inuupoan ko kanina.

"What?" Angil ko sa kanya.

"Saan ka pupunta?"

"Mag tatrabaho ako Kai, pwede ba?"

"Wag kanang mag trabaho"

Binatukan ko naman s'ya at inirapan.

"Siraulo ka? Kailangan kung kumayod para mabuhay. Hindi ako mayaman, si kuya lang at ang mga magulang namin ang mayaman"

"Sa akin ka nalang mag trabaho. Wag na dun sa Almond na yun"

Ano bang iniisip ng bisugong to? Baka inakala n'yang nakuha na n'ya ako. Asa sya.

"Anong problema mo kay Almond?"

"Ayaw ko lang makitang magkasama kayo" diin n'yang sabi habang pinisil ang mga kamay ko.

Mabilis ko namang binawi ang mga ito at inirapan uli s'ya.

"At least ako, hind ko boyfriend si Almond. Ikaw, baka hinanap kana nung jowa mo" tinulak ko s'ya ng mahina. Tumayo ako at kinuha ang bag ko.

"Heyy! Baby, saan ka pupunta?"

"Mag tatrabaho nga, kulit"

"Ihahatid na kita" tumayo din sya at hinila ako palabas.

Pinagbuksan n'ya ako ng sasakyan at sinuotan ng setbelt. Naamoy ko naman ang pabango n'yang nababagay sa gwapo n'yang mukha.

Kung mukha lang ang pag uusapan, lamang si Kai sa kanilang lahat. Sobrang gwapo kasi ng hinayupak na'to. Mag Kasing tangkad lang sila ni kuya. Makakapal ang kilay at mahahaba ang malantik na pilik mata. May mapupulang labi na ang sarap halikan. May biloy din ito gaya ni Almond, ngunit hindi gaanung malalim, tamang-tama lang na mabibighani ka.

Pero kapag ugali naman ang pag uusapan, naku! lamang din si Kai saka demonyohan nilang lahat. Yung tipong nakahandang papatay ng tao makuha lang n'ya ang gusto n'ya. Walang pinapatus, pati babae papatulan.

VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Onde histórias criam vida. Descubra agora