CHAPTER 59

1K 50 1
                                    

SAMARA'S POV

Andito na kami ngayun sa private ospital ng mga Pendleton. Umuwi kami agad noong matapos kong nalaman ang lahat. Sa susunod naman na araw ang dating ng mga magulang ni Kai. Kaming dalawa lang dito sa room dahil may inutos ako kina kuya.

"Baby, please, ayos lang talaga ako, promise. Hindi ko na kailangan ng operasyon" namumungay ang mga matang pakiusap n'ya sa akin.

Kinuha ko naman ang mga kamay n'ya at pinisil.

"Primo, you need to listen to me, first. Kailangan mong ma operahan dahil kailangan pa nating mag sama habang buhay. Kaya dapat mag papagaling ka, dahil kapag magaling kana, bibigyan kita ng isang dosenang anak" nakangiti ako habang may mga luha sa mga mata. Hindi ko lang ma iimagine kung ano ang mangyayari pagkatapos nito.

"I'm not sick. Wala akong ibang gawin ngayun, kundi ang makasama ka. Babawi pa ako baby, hindi kita na aalagaan ng ilang buwan, kaya babawi pa ako"

"Okay, aalagaan mo ako, kapag okay kana. Sa ngayon, ako muna ang mag aalaga sayo. Ako muna ang babawi sa lahat ng pagkukulang ko"

Nanatili lang ang tingin ko sa mga mata n'ya, how strong he is. May malubha s'yang sakit, pero kapag titigan mo s'ya, normal lang ang mga galaw n'ya. Masigla ang mukha na para bang walang ibang sakit na dinaramdam.

"And i have a surprise for you"

Sobrang lawak naman ng ngiti n'ya nang marinig n'ya yun. How i wish na panaginip lang to, na sana gigising din ako sa pesting bangungot na'to, dahil gusto kong makita ang ganiting klaseng ngiti n'ya sa kasalukuyan, hindi sa ganitong bangungot.

"Ano yun baby? Nag bago naba ang isip mo, at gusto mong ngayon na tayo gagawa ng anak? I'm ready for that baby"

Yung lungkot na bumabalot sa akin kanina, ay napalitan ng pagka mangha, habang tinitingnan ko s'yang nakangiti sa akin ng nakakaloko, how i wish na ganito nalang palagi. Tatanggapin ko nalang ang kung ano mang kamanyakan n'ya basta ba malusog lang s'ya, at walang dinaramdam na sakit.

"Bakit? Gusto mong gawin natin yan dito?" Balik kong tanong sa kanya. Nginitian ko din s'ya nang nakakaloko. Gusto ko s'yang sabayan ngayon sa mga kalokohan n'ya, dahil ito lang ang paraan para maibsan naman ang sakit na patuloy na bumabalot sa kalooban ko.

"Aist, gusto kong gawin natin yun. Pero hindi dito, ayaw kong mabuo natin ang unang anak natin dito sa loob nang ospital"

"Hahaha, sira" tumayo ako at lumapit sa kanya "Pahinga ka muna" pinahiga ko s'ya ng dahan-dahan sa kama.

"Yung surprise mo?" Tanong naman n'ya.

Ngumiti ako pinisip ang ilong n'ya. Lumingon naman ako ng bumukas ang pintuan ng kwarto. Nakita ko sina Kuya, Ethan, Clark, Dustine, at dieg na may kasamang abogado.

"Nandito na kami lahat bunso" sabi ni kuya pag kalapit sa akin.

Tumango naman ako, at ibinalik ang tingin kay Primo.

"This is my surprise, are you ready?" Nakangiting saad ko sa kanya.

Parang naguguluhan naman s'ya sa amin, dahil pa lipat-lipat lang ang tingin n'ya sa aminv lahat.

"Ano to baby?" Nakakunot noong tanong n'ya sa akin.

Kinuha ko ang singsing na dala ni Ethan at hinawakan ko ang kamay ni Kai, sabay lapag ng singsing sa palad n'ya.

"Gusto kong maranasan ang pagiging Mrs. Pendleton. Gusto kong ikakasal tayo bago ka sumailalim sa operasyon. Mahal na mahal kita"

"What? Ano to Samara? I'm sick! Hindi tayo nakakasiguro kung succesfull ba ang operasyon. Ayaw kong matali ka sa akin, habag yung kalagayan ko walang ka siguradohan" tumaas pa yong boses n'ya. Ngunit nanatili pa din akong nakatitig sa kanya.

"Wala akong pakialam Primo! Mahal na mahal kita kaya handa akong matali sayo habang buhay, Kahit pa walang kasiguradohan. Gusto kong ako lang, ikaw lang, tayo lang ang para sa isa't isa, kahit pa sa kabila ng mga pagsubok, tayong dalawa lang" hindi ko na napigilan ang luha ko. Ito ang gusto ko, at alam kong babalik s'ya sa akin. Alam kong lalabanan n'ya ang sakit n'ya dahil may asawang babalikan pa s'ya.

Umiiyak na din s'ya at niyakap ako ng mahigpit.

"I love you, at oo, gagawin natin to. Mag papakasal tayo, para kapag nasa operasyon ako, may dahilan na ako para lumaban. Dahil alam ko, hihintayin ako ng asawa ko"

Hinagud ko ang likud n'ya at kumalas mula sa paglakayakap sa kanya. Lumingon ako kina kuya at tinanguan ito. Tiningnan naman ni kuya ang abogado.

"Sige na Attorney, simulan mo na"

Lumapit naman ang abogado sa amin at sinimulan ang dapat n'yang gawin. Nakikinig lang kami sa mga sinasabi n'ya at it took so long bago s'ya dumating sa point na pwede na kaming mag change of vow.

"Ako, Si Kaizer Pendleton, i affirm my love to you, as i invite you to share my life. You are the most beautiful, smart, generous person i have ever known, and i promise always to respect you and love you, with kindness, unselfishness and trust. I will work by your side to create a wonderful life together. I take you to be my lawful soul mate, to have and to hold from this day forward, as long as we both shall live, ako ay iyo, at ikaw ay akin, Samara Fuentes" umiiyak s'ya habang binibigkas 'yon, kaya hindi ko din napigilan ang luha ko. Isinuot n'ya ang singsing sa daliri ko na may sobrang lapad na ngiting nakapaskil sa mga labi.

"Ako, si Samara Fuentes, nangangakong mamahalin ka habang buhay, sasamaham sa hirap at ginhawa. Nangagakong mabuting asawa sa'yo at ipaglaban ka sa ano mang pagsubok na darating. Mahal na mahal kita Kaizer Pendleton, at mananatiling mahal dito sa puso ko" isinuot ko din ang singsing sa daliri n'ya, habang nag papatuloy sa pag iyak.

Sana, nangyari ito ng walang halong kalungkutan. Ako na siguro ang pinaka masayang babae sa mundo. Pero hindi eh, masaya nga ako dahil sa wakas, magiging Pendleton na ako, pero sa ganitong pag kakataon naman.

VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Where stories live. Discover now