CHAPTER 46

1.1K 43 0
                                    

SAMARA'S POV


"Dito na kasi" pilit ko s'yang patigilin sa may mga chocalates dahil gusto ko talagang bumili ng marami, kaso hinila lang n'ya ako papunta sa may clothes section.

"Ano ba kasing gagawin natin dito? Pagkain ang bilhin natin, dahil yun ang kailangan ko sa byahe" inis ko s'yang tinalikuran at bumalik sa chocolates section.

"Okay. Basta pagkatapos natind dito, bibili tayo ng mga damit" sunundan naman n'ya ako, kaya napangiti nalang ako ng lihim.

At least, hindi na yung gusto n'ya ang nasusunod. Diba?

Kumuha ako ng sampung pack ng tobleron at marami pang iba. Nasa kalagitnaan na ako ng pamimili ng iba pang mga pagkain, nang dinumog ako ng maraming tao.

"OMG! Andito si Samara Fuentes! Yung sobrang gandang modelo"

"Woah! Ang ganda pala talaga n'ya sa personal"

"Omg, Miss Samara, pwedeng pa picture"

"Kyaahh, si Samara Fuentes, andito. Guys hali kayo"

Oh my God! Oh my God! Anong gagawin ko ngayon? Mas dumami pa lalo ang mga taong nasa paligid ko. Waaahh, Primo, saan kana?

"Ahmp, excuse me. She's not feeling well. If you don't mind, ipag paliban n'yo muna to, aalis na kasi kami" hinawakan n'ya ang baywang ko at nakikipag siksikan kami sa maraming tao.

"Get well soon, Miss Samara"

"Oo nga, mag pagaling ka miss"

"Masaya kaming na meet ka in person"

"Sobrang ganda mo pala"

Mga salitang binibitawan nila bago ako nakaalis sa mga harapan nila. Napangiti nalang ako, kahit hindi ko sila hinarap, mga magagandang kataga pa din ang narinig ko. Actually, wala naman talaga akong balak takasan sila, kaso, nabigla talaga ako sa biglaang pag dumog nila sa akin. First time ko kayang maging ganito, kaya hindi ko talaga iniexpect na mangyayari yun.

"Are you okay? Baby?" Mahinang tanong ni Kai sa akin habang binilisan pa namin ang paglakad papuntang kotse n'ya. Marami pa kasing tao ang nakatingin sa amin, yung iba naman bahagya pa kaming sinundan para mag papa picture.

"Paano na to? Paano na ako makakabili nito?" Ano ba naman yan. Hindi ko naman akalain na ganito pala ang epekto. Pati sa simpleng pamimili ko, makikilala pa ako?

"Don't worry, ako nalang ang bibili mamaya"

Tumango nalang ako at bumuntong hiningang sumakay sa kotse n'ya. Pumasok naman s'ya sa loob ang pinaandar ito.

Naisip ko lang, paano kung yayain ako ni Kai na lumabas? Hindi ko magagawa dahil maraming tao na ang naka kakilala sa akin? Hindi naman ito ang gusto ko. Gusto ko pa din maranasan ang buhay na simple lang. Yung wala kang taong tatakasan.

"Masasanay ka din. Sa klase nang trabaho mo, dapat inexpect mo talaga na maraming tao ang hahanga sayo. Lalo na't sikat kana ngayon"

Tiningnan ko lang s'ya habang nag sasalita. Ang cool n'ya ngayon. Parang iba ang kasama ko ngayon a. Nasanay kasi akong palaging bossy ang expression n'ya.

"Primo, ang gwapo mo ngayon"

Gulat naman s'yang nakatingin sa akin, ngunit kalauna'y ngumiti din ng nakakaloko.

"Alam ko. Kaya binigyan ako ni Lord ng babaeng kasing ganda mo" sabi n'ya at kumindat pa sa akin.

Napakunot naman ako ng noo dahil hindi ko maiintindihan ang sinasabi n'ya. Ano ba kasing sinasabi ko sa kanya kanina, at sinagot n'ya ako ng ganun.

"What?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"I love you"

Mga katagang nag papalambot lalo ng puso ko. Yung pinangako ko sa sarili kong papahirapan ko s'ya, nabali ko na ata. Hindi ko na nararamdaman ang galit ko sa kanya dulot ng pag iwan n'ya sa akin. Ang nararamdaman ko nalang ngayon ay galak. Galak, dahil sa hindi n'ya pagsuko sa akin. Sobrang saya yung nararamdaman ko, dahil kahit sobra ko s'yang nasaktan dati, heto pa din s'ya, bumabalik at patuloy na pinaramdam sa akin kung gaano n'ya ako kamahal.

Sa sobrang pag iisip ko, hindi ko na namalayan na nakarating na pala kami sa bahay. Bumaba na ako ng sasakyan at hinintay nalang si Kai sa labas.

Napakunot naman ang noo ko dahil hindi s'ya bumaba ng sasakyan. Lumapit ako sa kotse n'ya at bahagyang kinatok ang salamin. Nakailang katok pa ako ngunit hindi n'ya ito binuksan. Sinilip ko pa s'ya sa loob, kaya kita ko ang pag yuko at pag sandal ng ulo n'ya sa manibela.

"Heyy, Primo. Anong ginagawa mo d'yan?" Tawag ko sa kanya kahit alam ko namang hindi n'ya ako maririnig.

Kinatok ko uli ang sasakyan n'ya, yung mas malakas na katok para marinig talaga n'ya ako. Ano bang ginagawa n'ya? Hindi naman s'ya ganyan a. Naisipan kong kunin ang phone ko at tinawagan s'ya. Ngunit nakailang ring na ako, hindi pa din n'ya sinasagot ang tawag ko. Sinubukan kong buksan ang pinto ng sasakyan kaso parang nilock n'ya.

Umikot naman ako sa kabila para buksan ang kabilang pintuan, kaso ayaw talaga mabuksan. Tinawagan ko uli s'ya at pinukpok ang salamin ng kotse ngunit ganun pa din. Hindi pa din n'ya sinasagot ang tawag ko. Kahit sinilip ko pa s'ya, ganun pa din ang ayos n'ya.

Ano bang ginagawa n'ya?

"PRIMO! ANO BA? KINAKABAHAN NA AKO DITO! BUKSAN MO NA 'TO, PLEASE" nilakasan ko ang pagsigaw ko para marinig n'ya ako.

Kinakabahan na talaga ako ng sobra. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mababaliw ako kakaisip kung anong nangyari? Bakit parang hindi s'ya gumagalaw sa loob?

Naisip ko naman si Kuya, kaya mabilis akong tumakbo sa loob ng bahay at hinanap si Kuya. Nakita ko naman s'ya na kakalabas lang galing sa kwarto n'ya.

"KUYA" bungad ko agad sa kanya at nilapitan s'ya sabay hila palabas ng bahay.

Wala na akong oras para mag explain. Kailangan ko ang tulong n'ya.


VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Where stories live. Discover now