CHAPTER 50

1.1K 45 0
                                    

SAMARA'S POV


Nakahanap na kami ng hotel at nag antay nalang kami kung kailan ibigay yung mga keys ng rooms namin. Paano ba naman kasi, yung mga nasa front desk, palaging nag papa cute sa mga lalaki.

Si Ethan at Clark naman, mukhang sarap na sarap ang feelings dahil panay halik lang naman sa kamay nung mga babae ang ginagawa nila. Naku, kapag ito nanligaw kina Dana at Norine, ipapabugbog ko muna ito kay Primo at kuya.

"Sir, ito na po yung keys n'yo" malanding sabi nung babaeng pandak, at may pakagat-kagat labi pa s'ya habang binigay kay Kai ang mga susi ng rooms.

Aba! Sa dami namin na pwede n'yang bigyan nung susi, si Kai pa talaga ang nilapitan n'ya! Ang landi lang tangina.

"Salamat Miss" nakangiti naman ang mokong, sabay kuha nung mga susi.

Hindi ko napigilan ang sariling wag mainis, kaya lumapit ako sa babae at inapakan ang paa n'ya. Hindi naman ito napapansin ni Kai dahil nasa likuran ko na s'ya ngayon.

"Araayy" sigaw n'ya, at napahawak nalang bigla sa paa n'ya.

Ano ka ngayung pandak ka. Kala mo a! Mukha ka namang pato na nag transform lang bilang tao.

"Miss, are you okay?" May pag alalang tanung naman ni Kai sa babae.

Pinanlakihan ko lang ito ng mata at tinaasan ng kilay.

Sige mag sumbong ka, ingudngud talaga ko talaga yang pagmumukha mo sa floor kung saan ka nakatayo ngayun na pandak ka.

"A e, wala po to sir. Ayos lang ako" Hindi pa din nag iba ang tono ng pananalita n'ya, mas nilandian pa nga n'ya lalo.

Bweset.

Lalapit sana si Kai sa kanya para tulungan s'ya, kaya lang mabilis kung hinablot ang braso n'ya at hinila paalis. Nakakainis lang. Ang lakas n'yang mag papalandi sa harapan ko.

"Baby, wait"

Hindi ko na s'ya nilingon. Hinila ko pa din s'ya at huminto ako sa harap nina Ethan at Clark habang may kalandiang babae.

"O kayo, wala kayong balak pumasok sa room n'yo? Ang landi-landi n'yo, para namang wala kayong mga asawa" sinadya ko talagang lakasan ang boses ko para naman marinig nung mga babaeng nag mumukhang tuko ka kakapit sa mga hinyupak na'to.

Manang mana sa leader nila. Pwee!

"Ah, hehe! Aalis na kami, babe" pag pamamaalam ni Ethan sa babaeng kalampungan n'ya.

"Maiwan na muna kita, honey" hinalikan pa ni Clark ang pisngi nung babae. Parang nauto naman ang gaga. Bigay na bigay e!

Mabilis akong tumalikod at hinanap sina Myka at Almond pati na din yung mga camera man, ngunit nauna na siguro ang mga 'to, hindi ko na kasi mahanap. Hindi na ako lumingon sa mga lalaking nag papakasarap sa pakikipag landian. Nag lakad nalang ako nang deritso papunta sa room namin. Iniwan ko na din si Kai, magsama sila. Total, manang mana naman sa kanya yung mga kaibigan n'yang pekpek nalang ang kulang waging wagi na.

Kainis! Ggrrr! Nakakabadtrip amputz.

Pagdating ko sa nirerentahan naming rooms ay nakita ko sina Almond at Myka na nakatayo malapit sa pintuan. Sina Karina naman at ang mga camera man ay nakatayo din sa kabilang room.

Pitong rooms kasi ang nirentahan namin. Dalawang kwarto lang kasi yung pwede ang pang apatan. Tapos yung iba, tig dalawahan nalang.

"Paano yan, yung dalawang pang apatan na room, nakalaan na yun sa mga camera man" saad ni Myka habang naka cross arms at mukhang na i excite pa sa kung sino ang kasama n'ya sa isang kwarto.

"Kami ni Sam ang magsama" presenta naman ni Primo. Kahit kararating lang nilang tatlo.

"Ha? Pwede ba yun?" Takang tanong naman ni Almond.

"Para sa akin, walang hindi pwede, kapag tungkol na kay Sam"

"Aww! Ano ka ngayun, Almond dude" pang aasar naman ni Ethan kay Almond.

"Tama na yan. Prime, ibibigay ko sayo ang permiso ko. Basta, walang anohan ha?"

"Oo nga, walang anohan Prime. Baka hindi ka makakapag pigil, paglabas ni Sam bukas, buntis na. HAHAHA"

"Magtigil ka nga Ethan" suway naman ni Dieg kay Ethan.

"A sus, if i know, gusto mo lang din makatabi si Sam. HAHA PEACE TAYO DIEG" Sigaw n'ya habang tumatakbo palayo. Inambahan kasi s'ya ng suntok ni Dieg, kaya ayun. Humarurot ng takbo.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa mga pinagsasabi nila. Hindi makapaniwalang humarap ako kay Kuya.

"KUYA"

"Wag kanang chossy bunso. Hindi mo ikakaganda yan. hahaha"

"I hate you"

"Thank you bunso"

"Tse" inirapan ko pa s'ya.

"Paano naman ako?" Malanding tanong ni Myka habang nakakapit sa bisig ni Dieg.

Nandidiri namang inalis ni Dieg ang mga kamay n'yang parang tuko kung makakapit.

"Kadiri ka"

"Luh! Ang OA mo Dieg, ha" umirap nalang si Myka at lumapit ito kay Ethan.

"Uyy, wag ako bakla. Dun ka kay Clark. Walang pinapalagpas yan"

"Sige, subukan mong lumapit sakin, nang magkakamatayan tayo" itinaas pa ni Clark ang dalawang kamao n'ya at umaktong susuntukin si Myka.

"Ano ba yan, hindi naman ako nangangain" reklamo ni Myka, at humalukipkip nalang ito sa tabi.

"Kayo nalang ni Karina ang mag sama, Myka" suggestion naman ni Almond.

"Eww! Ayoko nga. Kami nalang ni Kai, mag pinsan naman kami"

"Mahiya ka nga, Karing" suway naman ni Ethan kay Karina.

Napairap nalang ako dahil sa ginagawa n'ya. Desperada talaga. Pati sa harapan ng maraming tao, napaka baboy n'ya pa din.

"Wag ka nang chossy girl. Ako na nga lang tong may lakas na loob na samahan ka sa isang kwarto. Kung may choice lang ako, hindi din ako papayag na makasama ka sa isang kwarto. Baka mamaya, pati ako, pagtyagaan mo pa" maarteng saad ni Myka, habang tila nandidiring nakatingin kay Karina.

Umirap naman ang impakta at padabog na kinuha ang isang susi sa akin.

"So yun nga, Si Marky at Ethan. Si Clark at Dieg, at si Dustine naman at si Almond"

"Okay Prime"

Inis naman akong humarap kay kuya at walang sabi-sabing tinaasan ito ng kilay bago ako nag pas'yang pumasok sa loob ng kwarto na napili ko.

Grabe! Sarili kong kapatid, pinamimigay ako sa kaibigan n'ya? Sino ba ang kadugo n'ya dito? Parang pinagkanulo na n'ya ako kay Kai ah. So ibig sabihin, mas loyal s'ya sa samahan nila kaysa sa pagiging magkapatid namin?

Waaahhh! Ang bad mo kuya Marky!

"Anong iniisip mo, baby?"

Nagulat pa ako dahil sa biglaang pag pasok ni Kai sa loob ng kwarto. Abot tainga ang ngiti n'ya, ninamnam talaga ang pagkapanalo n'ya no? Waging wagi eh. Parang nanalo ng luto kung makangiti. Abot tainga ang ngiti o!

Kainis! Baka inakala n'yang papalagpasin ko lang yung pakikipag landian n'ya kanina. Marupok ako, at madamot din. Kaya wag s'yang mag pakampanti. Kung kaya n'yang makikipag patayan, ako din no!


VOTE.

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Where stories live. Discover now