CHAPTER 10

1.9K 75 1
                                    

SAMARA'S POV

"NAKITA niyo 'yon?"

"May bago na naman?"

"Oo eh, ang gwapo din"

"Haist, kailan ba mauubusan ng gwapo dito?"

Mga bulong bulongan na bumungad sa akin pagkapasok ko palang sa entrance ng Kaipen, hindi ko alam kung sino ang pinaguusapan nila, basta ako, nag lakad lang ng nag lakad.

"Sam"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko sina Cheska na may dalang bola, Sa Volleyball section kasi sila, mukhang makakasama pa nila si Dana.

"Bakit?" naka poker face lang ako.

"We want to say sorry about what happened between us"

Tss, fvckingina plastik.

Lumapit ako sa kanya at tinapik tapik ang balikat niya.

"Magsosorry ka nalang kapag masunog kana ha? malay natin lalabas talaga ang totoo mong baho, PLASTIC ka eh, hmp?" nginitian ko ng pagka tamis-tamis.

"Aba't kami na nga 'tong humingi ng sorry sayo eh" sabat naman nung isang kasama niya.

"Bakit? hiniling ko ba sa inyo na mag sorry kayo? saka halata namang labas lang sa butas ng ilong niyo ang pag sosorry eh, di kayo deserve patawarin" tumalikod ako at humakbang palayo.

"Cool"

Napalingon naman ako sa lalaking nakatingin sa akin habang naka cross arms.

"Ang cool mo. Hindi ka nagpapadala sa mga paawa efect nila" sabi ng lalaki.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at pinag patuloy ang hakbang patungo ng room. Ngunit naramdaman ko namang sumusunod ito.

"Sabay na tayo, dun din ako eh" sabi niya habang pinilit pantayan ang mga hakbang ko.

Hindi ko siya pinansin. Mas binilisan ko pa lalo ang hakbang ko para di siya makasabay sa akin. Tss papansin, ngina niya.

Napapitlag nalang ako ng may biglang humila sa kamay ko.

"Kanina pa ako nag hihintay sa'yo, ihahatid na kita sa room mo" sabi niya habang napatiim bagang na nakatuon lang ang paningin sa nilalakaran namin.

Tumingin muna ako kay Kai bago Lumingon sa lalaking nag pa papansin sa'kin kanina, huminto ito sa paglakad at nakatayo lang na nakatingin sa amin habang papalayo. Parang nag iba ang awra niya habang nakatingin kay Kai.

"Don't look at him" malamig ang pagkakasabi niya.

Mabilis ko namang binawi ang tingin ko at itinuon sa daan, habang 'yong kamay ko naman ay hawak-hawak ni Kai.

Nakarating kami sa harap ng Room ko. Huminto siya at pinaharap ako.

"Hihintayin kita mamaya, baby" hinalikan niya ang noo ko, at pinisil ang pisngi ko.

Tumalikod na siya, ngunit pinigilan ko ang braso niya.

"Y-Yong kanina, w-wala lang iyon. 'Yong lalaki lang ang nag pa papansin" paliwanag ko sa kanya.

Ngumiti naman siya at hinahawakan ang kamay ko, at dinala niya ito sa kanyang labi.

"I know baby, and don't talk to stranger" sabi pa niya sa malambing na boses.

Tumango naman ako ng may ngiti. Iba parin kapag si Kai na ang dumadamoves.

KINIKILIG SI AKECHH, HEHE.

Tiningnan ko lang siya habang papalayo, saka ako pumasok sa room namin. Pagpasok ko nakita ko naman sina Dana at Norine na sabay na lumingon sa akin.

"Heyy Sam, ganda natin ah" pang bobola ni Norine.

"Di kana nasanay?" sabi naman ni Dana.

"Haha, mga gaga" sabi ko sabay upo sa gitna nila.

"Nakita mo na ang transferee?" curios na tanong ni Norine kay Dana.

"Hindi pa eh, baka naman sa section ng Black D. siya" sagot naman ni Dana.

Ako naman nakikinig lang sa pinag uusapan nila tungkol sa transferee na 'yan.

"Haller, mga matatalino lang kaya ang dapat doon" napataas baba pa ang kilay ni Norine habang nagsasalita.

"Malay natin, matalino pala 'yon. HAHAHA"

"Sira"

Maya-maya naman ay pumasok na ang prof namin.

"Good morning class, may transferee tayo ulit, so be kind to him. Mr Pendleton, ipakilala mo na ang sarili mo"

Napalingon ako bigla no'ng binanggit ni prof ang apelyedo no'ng transferee.

Pendleton? si Kai?

May lalaki naman na naglakad patungo sa harap namin at ganun nalang ang pangungunot ng noo ko ng makilala ko ang lalaking papansin.

"My name is Kieran Pendleton, 19 years old" pagkasabi niya no'n ay napatingin siya sa akin.

Nag iwas nalang ako ng tingin at ibinaling sa kaliwang side. Di ko na namalayan na nakalapit na pala siya sa amin.

"Heyy girls, dito na ako sa likud niyo, huh" sabi no'ng Kieran.

"Oh sure, amp kaano-ano mo si Kaizer?" tanong ni Dana.

Siniko ko naman siya. Ang hilig talagang makipag usap sa di kilala. tss kainis.

"Ahmp actually, he's my brother"

Napalunok naman ako sa sariling laway dahil sa narinig. Kapatid? bakit parang di sila magkakilala?

"Woah! hindi kayo magkamukha eh, hehe" prangkang sabi pa ni Norine.

Haha, walangya talaga 'tong mga babaeng to.

"Amp, yah! mas gwapo siya sa akin, diba?" mahinahong sabi niya.

"Pariho naman kayong gwapo, magkaiba lang kayo ng mukha" dagdag pa ni Norine.

Natawa naman si Kieran sa sinasabi ni Norine.

"Hmm, maybe" 'yon nalang ang nasabi niya at bigla nalang itong natahimik.

"Amp Sam. Since hindi pa naman kayo nagsisimula sa practice niyo, pwede bang samahan mo muna ako sa spot namin?" baling ni Norine sa akin.

"Okay," maikli kong sagot.

"Ako din, sasama din ako. Maya pang hapon practice namin. Kainis naman kasi sina Cheska eh, pabida" pagmamaktol ni Dana.

"Pwedeng sumama na din ako? wala pa akong sport eh" pamamaalam naman ni Kieran.

"Ayos lang Kieran" masiglang sabi ni Norine.

Napailing-iling nalang ako. Basta gwapo talaga di uurong eh!

Grrrr.

Tumayo na ang prof at pumwesto sa harap namin.

DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS

Hanggang sa natapos na ang klase. Nagmamadali kaming pumunta sa spot nina Norine para makahabol siya sa practice.

Sumama nga si Kieran sa amin kaya medyo awkward. Hindi ko kasi gustong kasama siya. Ewan ko ba, parang iba ang mood ko sa kanya. Parang mabigat siya sa mata.

Tss, masyado kasi siyang papansin. Diko gusto ang presensya na.

Nakarating na kami sa swimming section. Nagmamadaling nag bihis ng swimsuit si Norine at nagpunta sa kanilang coach.

"Sam dito tayo" iginaya ako ni Dana sa isang bakanteng upuan.

Sumunod naman sa amin si Kieran, na sa pakiramdam ko, palaging nakatingin sa akin.
Nakaupo na kami habang si Norine naman nag simula ng sumisid.

Ang ganda pala ng katawan niya. Nakakatibo hehe.

PLEASE VOTE

The Gangster's Muse(SEASON ONE)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt