Chapter 43

293 124 7
                                    

Chapter 43: Smile

Meghan Ferren's POV

"Maybe I would like you better if you took off your-" Busy pa akong sumabay sa sobrang lakas na tugtog ng kanta ng The 1975 dito sa kotse ni Adrien nang bigla niyang patayin ang radyo.

"I can't drive with music!" Inis na sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin.

He's so annoying. He always is. Halos sa lahat nalang ng bagay ay may problema siya! Kanina sa pagkain lang, ngayon pati sa mga kanta!

"Well, magtiis ka dyan, because I can't go on a roadtrip without music!" Sagot ko sa kaniya at in-on ulit iyong radyo. Ramdam ko 'yong vibration sa buong katawan ko dala ng malakas na tugtog.

I like how it feels. I feel like my heart beats more with music. Pero siyempre, pinatay na naman ito ni Adrien. Ang bida-bida talaga.

"Can you stop?! I told you, I can't drive like this!" He said, glaring at me. He looks so cute when he's annoyed, but he's annoying me too.

"Alam mo, Adrien, ang corny mo kasama! You're so boring! So fucking problematic!" Sigaw ko sa kaniya at ioon na sana ulit iyong radyo nang harangan niya na ito ng kamay niya. Sinubukan kong alisin iyon pero hindi siya nagpatalo. "Ano ba?! Alisin mo 'yang kamay mo!"

"Maaaksidente tayo sa ginagawa mo eh!" Aniya.

"Wow!" I said as I looked at him in disbelief. Ang kapal! "Ako pa sinisisi mo?! Ikaw nga 'tong OA! Music lang eh!" Sabi ko at ipinilit tanggalin 'yong kamay niyang nakaharang sa on button noong radyo at nagpatugtog na ulit. Papatayin na sana ulit niya ito pero kinurot ko na iyong kamay niya.

"Aray!" Sigaw niya at inilayo iyong kamay niya sa akin. "Bakit ka nangungurot?! Kala mo ba hindi masakit?!" Pasigaw na tanong niya na halos hindi ko na marinig sa sobrang lakas ng tugtog.

"Eh bakit mo kasi pinapatay 'yong radyo?! Nakikinig ako sa kanta diba?!" Sigaw ko rin sakanya nang masama ang tingin.

"Kotse mo ba 'to?!" Sigaw niya rin sa akin para magkarinigan kami at kinurot ko ulit siya.

"So anong sinasabi mo?! Bumaba ako rito sa kotse kung hindi ako susunod sa gusto mo?!"

"That's not what I meant! I just-" Natigil iyong pagsigaw niya nang patayin ko na iyong radyo.

Nakakainis siya. Kung ayaw niya talaga, eh 'di wag! Biglang nabalot ng katahimikan iyong kotse dahil sa pagpatay ko no'ng tugtog.

I crossed my arms and stared out the window, completely ignoring him. Nakakairita siya. Why should I do as he says?! Sino ba siya?!

"Meghan..." Kalmado at maingat na tawag niya sa akin. "I just have a hard time focusing kapag may music. I can't read, study, nor drive pag may tugtog." Mahinahong pagpapaliwanag niya na pinili kong hindi pakinggan.

Hindi ko siya nilingon ni isang beses kahit ramdam ko iyong mga tingin niya sa akin. Patuloy lang ako sa pagbibilang ng mga puno na nalalagpasan namin sa labas ng bintana.

Para akong mabibingi sa sobrang katahimikan at parang gusto ko nalang makipagbati sa kaniya, pero hindi p'wede 'yon. I'm Meghan Ferren at puno ako ng pride.

Maya-maya pa ay narinig kong nagbuntong-hininga siya. Titingin na sana ako, pero narinig kong buksan niya na ulit iyong radyo.

Patapos na 'yong kanta ng The 1975.

Hindi ko magawang tumingin sa kaniya. I suddenly feel ashamed. I acted like a spoiled brat. Hindi ko manlang siya inintindi. What if he really can't handle driving with music?

Meghan, My ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon