Chapter 27

397 191 3
                                    

Chapter 27: Yacht

Adrien Rives's POV

5:21 PM

Itinigil ko na yung kotse at napasandal sa upuan. Binuksan ko yung mga bintana at pumikit, inhaling the fresh air of the beach. We're finally here. Finally.

"Ross." Mahinang tawag ko sa katabi kong tulog. Dumilat ako nang hindi siya umimik. "Ross." Tawag ko ulit sakanya at tinapik na siya pero wala parin. Tinanggal ko yung earphones niya at lumapit

Fuck it, I was trying to be kind.

"Tangina mo, gumising ka!" Sigaw ko sa tenga niya at sinuntok siya nang pabiro.

"Aray! Ano ba?!" Naiinis na tanong niya at nagayos ng buhok.

"Andito na tayo." Sabi ko at gulat siyang napalingon sa akin.

"What?"

"We're here. At the resort." Sabi ko at napatingin siya sa paligid. We're now in the parking lot of the resort. Matatanaw yung beach sa hindi kalayuan at amoy yung simoy ng dagat.

"Fuck!!!" Sigaw niya sa tuwa at binatukan ako. "Tara! Let's find your Meghan!" Sabi niya at biglang bumaba ng kotse. Kinuha ko na yung mga gamit ko at sinundan siya. I checked the time and it's already 5:24 PM.

"Asan kaya sila?" Tanong ko kay Ross habang naglalakad kami papasok sa resort.

"I bet they're swimming." Sabi niya pagpasok namin. The resort is nice. Meghan must have a lot of money.

"Good evening to you two! Any reservations?" Bati sa amin nung receptionist na babae.

"Wa-" Sasabihin ko na sana na wala kaming ipinareserve pero hindi ako pinatapos ni Ross.

"Of course, baby. Under Ross Perez." Sabi niya at kinindatan yung receptionist. Hanggang dito ba naman?

"You made a reservation nang hindi sinasabi sa akin?" Bulong ko sakanya and he chuckled.

"Always ready nga ako diba?" Sabi niya at tumingin na ulit sa receptionist.

"Your suites are ready! Here are your keys." Sabi niya at inabot kay Ross yung dalawang susi.

"Thank you. It's a shame I can't have you reserved for me." Mahinang sabi niya sa receptionist na namula naman yung mukha. Ross is good at these things. And he's attractive. Madalas siyang pumupunta sa gym. He's also tall and good at basketball kaya habulin siya ng mga babae.

"Enjoy your stay!" Sabi niya sa amin bago kami pumasok sa elevator. Ross pressed the number '8'.

I can't help but think kung asan sila ngayon. Maybe she's out in the beach. How am I supposed to find her? The hotel can't disclose personal information of the guests.

"Saan tayo maghahanap?" Tanong ko kay Ross at ngumiti siya.

"Chill ka lang. Magtiwala ka sa tadhana." Sabi niya at napabuntong hininga nalang ako. It's almost sunset, she must be on the beach.

"Punta tayo sa beach?" Aya ko sakanya pagdating namin sa eighth floor. Sinundan ko lang siya papunta sa suite namin.

"Gusto mo na agad siyang hanapin? How about we get some drinks first?" Pagaaya niya habang inaabot sakin yung isang susi. "This one's yours." Sabi niya at tinapik yung pinto ng isang room. "And this one's mine." Sabi niya at binuksan na yung sakanya. Magkatapat lang yung rooms namin.

"Gusto ko na agad siyang hanapin." Sabi ko bago siya pumasok sa room niya.

"Don't worry, I'll ask the receptionist."

"They are not allowed to tell you information about guests, Ross." Paalala ko sakanya at binuksan narin yung room ko.

"Alam ko. Kaso wala eh, crush niya 'ko eh." Sabi niya na natatawa at sinara na yung pinto. I sighed at pumasok nalang rin sa suite ko. I opened the lights and it's gorgeous.

The walls are in an elegant dirty white color with paintings hung on them. Naglakad pa ako towards the bed and it looks nice. Kita yung view ng dagat sa gilid. The whole wall on the other side of the bed is made of glass.

Umupo ako sa kama at napapikit saglit. I came all the way here and i don't even know how to start finding Meghan.

"God, Meghan. You really like making me go through shit."

Meghan Ferren's POV

5:21 PM

"Happy birthday, happy birthday... Happy birthday to you!!" Pagtapos nila sa kanta. It's the song I hate the most kaya natatawa si Jaden habang kinakantahan ako. Nginitian ko nalang sila at hinawakan ni Jaden yung kamay ko.

Kakaapak lang namin sa yacht nang may biglang kumanta sa amin. They're the crew of this yacht. Waitresses, captain and shit.

"Thank you." Sabi ko pagkatapos nilang kumanta. Thank you for the awkward fucking song.

"Let's go?" Tanong sa akin ni Jaden at tumango ako.

"God, sana pala nagdala ako ng date dito. I'm gonna be a third wheel." Sabi ni Sydney habang naglalakad kami.

The yacht is gorgeous. It's in the color white and chocolate brown with gold linings. It's elegant. Sinilip ko yung table namin saglit. Our table is round and nicely prepared. Nakaready na yung nga utensils. Medyo maaga aga pa, and I feel excited for the sunset.

"We'll start driving now, enjoy your stay." Sabi nung captain at tumango ako.

Naglakad lakad ako papunta sa dulo ng yacht. It feels so peaceful. Naramdaman ko nang umaandar yung yacht at napapikit ako habang tumatama sa mukha ko yung hangin. I'm now wearing a thin, green dress.

"Do you like it?" Tanong sa akin ni Jaden na naramdaman kong naglalakad papunta sa akin.

"I love it, Jaden." Sabi ko habang hinahangin yung buhok ko. Dumilat ako at tumingin sakanya. Tumabi siya sa akin at inayos yung buhok ko. "Thank you for this."

"Don't worry. You deserve so much more, Meghan." Bulong niya at kiniss ako sa noo. Napangiti ako at niyakap siya. "Wanna drink?"

Tumango ako at naglakad kami papunta sa loob ng yacht. Meron ditong mga sofa at nakatambay doon si Sydney na nagpipicture.

"This place is so pretty!!! Hindi ako makapaniwalang makakapunta ako sa ganito." Sabi niya sa amin habang tumitingin tingin sa loobng yacht. I smiled at tumabi sakanya.

May mga wine glasses sa table sa gitna namin. Kumuha si Jaden saglit ng isang bote ng red wine at umupo sa tabi ko. We grabbed our glasses at nilagyan ito ni Jaden.

"Thank you." Seryosong sabi ni Sydney at biglang yumakap sa akin. I chuckled at niyakap din siya.

"You're always welcome, Sydney." Bulong ko at nakita kong naluluha siya. She's such a softie. Ang cute. She's the kind of girl you'd want to protect.

"I'm gonna go outside muna, for some air." Paalam niya at tumango ako. "You should spend some alone time, yung kayong dalawa lang." Bulong niya sa akin at napangiti ako.

Naglakad na siya palabas. Sumandal ako sa balikat ni Jaden at uminom ng red wine.

"I'm sorry for everything, Jaden. Sorry for not giving you a chance back then." Sabi ko while feeling my heart ache.

"It's okay, Meghan." Napatingin ako sakanya and he carressed my cheek while staring at me. "Masaya na ako ngayon because you're giving me a chance. It's all worth it because now, I can call you my baby." Bulong niya at hinalikan ako.

I kissed him back at pinigilan kong hindi maiyak.

I don't wanna disappoint him. I don't want anything or anyone else to interfere between us. I want us to work out.

Meghan, My ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon