Chapter 18

441 222 8
                                    

Chapter 18: Whiskey

Adrien Rives's POV

4:51 PM

"Ito yun diba?" Tanong ko kay Ross at inabot sakanya yung bote na pinapabili niya. Isa lang yung pinabili niya sa akin.

"Yun oh! Salamat, man!" Sabi niya at inagaw yung bote sa kamay ko at kiniss ako sa pisngi.

Umupo na ako sa may dining area, looking at his condo unit. It's messy. Maganda yung mismong unit pero ang daming kalat ni Ross.

Kumuha siya ng mga baso at yelo. Binuksan ko na yung bote ng Black Label at inamoy yun.

"What the fuck, Ross?" Sabi ko at nilayo sa akin yung bote.

"Bakit? Nalasing ka na agad sa amoy?" Natatawang asar niya sa akin at naglakad na papunta sa lamesa sa harap ko.

"Wala naman akong plano magpakalasing, ano ba naman 'tong pinabili mo." Sabi ko at tiningnan yung alcohol content. "The alcohol content is fucking 40%, Ross."

"Ano ka ba, okay lang yan." Sabi niya at nilapag yung bucket ng yelo at dalawang baso sa harap ko.

"I'll be here for an estimate of 4 hours,  because I have to get home before 10, and it's already past 5 pm." Napabuntong hininga siya.

"Eto na naman putangina, magsispeech ka na naman." Sabi niya at tumawa. Tinuloy ko nalang yung sinasabi ko.

"And one bottle of this has 40% alcohol content, is 750 ml and you were telling me na hati tayo." Umupo siya sa harap ko at tumango tango na parang walang pake.

"Sige, sige. Inom na tayo." Sabi niya at naglagay na ng mga yelo sa baso niya.

Napatitig ako sa bote na nasa harap namin at inisip kung gaano na kaya ako kalasing pag sinunod ko siya.

So I'll be drinking this for 4 hours, and considering this is my first time to drink, the percentage of my body that can absorb alcohol would maybe be as low as 0.5%.

And the alcohol content of this whiskey is 40% and he's telling me to drink 325 ml of it, my BAC would surely be so much higher than 0.5%, which means it'll be illegal to drive. It can even be fatal, due to alcohol poisoning.

"I can't drink half of this." Sabi ko at tinawanan niya ako.

"Edi inom lang nang inom, bahala na kung hanggang saan kaya." Sabi niya at napatingin ako sa oras sa phone ko  at bigla niya akong binatukan. "'Wag mong iisipin yung oras. Amin na 'yang phone mo." Sabi niya at binigay ko nalang.

"I have to get home before-"

"Ano gusto mong chaser?" Bigla niyang tanong habang naglalagay narin ng yelo sa baso ko.

"What?" Naguguluhang tanong ko.

"Tangina mo, sabi ko." Tumawa siya at pumunta sa ref. Pinanood ko lang siya.

Bumalik siya at naglapag ng juice sa lamesa.

"Ano yan?" Tanong ko at inamoy. Juice nga.

"Chaser nga. Para hindi ka masuka sa lasa." Sabi niya at kumuha pa ng dalawang baso.

"Okay, we should start. Para makauwi ako ng maaga." Sabi ko at naglagay na ng whiskey sa baso ko. Nilagyan niya naman ng juice yung isa ko pang baso.

"Ganto, bilisan mo yung pag inom niyan tapos inom ka kaagad netong chaser, okay?" Tumango nalang ako. Ang dami niyang alam.

Sinunod ko nalang siya at uminom agad. Fuck! Agad ko 'tong inubos at lumipat agad sa juice.

Naramdaman kong sobrang init ng dibdib ko.

Meghan, My ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon