Chapter 30

429 206 9
                                    

Chapter 30: Sydney

Meghan Ferren's POV

"Are you okay?" Paulit ulit na tanong sa akin ni Sydney. Nandito na kami ngayon sa labas ng hotel pero hindi parin niya ako tinitigilan.

"I received a gift." Sabi ko at napahinga nang malalim. Maybe I should try to open up to her. She's a good listener. Nakakagaan magsabi ng mga problema sa mga kagaya niya.

"Oh, ayun naman pala eh! Ako nga walang gift sayo." Sabi niya at napaiwas ako ng tingin. I don't like opening up about these things. Si Jaden lang nakakausap ko about dito.

"It's from my father." Mahinang sabi ko habang natatanaw ko na yung mga bar. I decided to wear black shorts and my pink bikini bra tonight. Si Sydney naman ay naka blue shorts at white sleeveless top. "I can't believe he sent me a birthday gift after everything that happened."

"You've never told me what happened with your family." Sabi niya sa akin, looking worried. Umiwas ako ng tingin at binilisan yung lakad papunta sa pinakamalapit na bar sa amin.

"Si Jaden lang nakakaalam kung ano nangyari sa family ko." Sabi ko sakanya and I saw her frown. "Do you wanna check out the other bars? I wanna drink already na kasi. Dito nalang tayo?" Tanong ko at hinintay siyang tumango.

"Sure. It looks like the fanciest naman." Sabi niya at naglakad na kami papasok. The bar is lit up in neon purple lights on the top of the walls. Meron ding mga signs and cute quotes hung up on the walls.

Naagaw yung atensiyon ko ng isang neon sign na may nakasulat na 'seek what sets your soul on fire'.

It felt as if pinaparinggan ako nung sign about what's happening with me and Adrien.

Adrien sets my soul on fire. In fact, he sets my mind and my heart on fire too. I kind of love it, but I told myself na bibigyan ko ng chance si Jaden.

Bahala na. Bakit ba kasi ngayon pa siya biglang sumulpot? Hindi manlang siya sumakto ng timing.

Hinawakan ni Sydney yung kamay ko as we walk past the crowd. As usual, halos lahat sila naghihiyawan at sumasayaw sa malakas na tugtog nitong bar. Madaming tao dito, but not that crowded, considering it's only the tenth of October.

"What do you want? Ako na kukuha ng drinks natin." Tanong ni Sydney habang papunta kami sa bakanteng lamesa na nasa harap namin.

Umupo ako doon at sumandal sa upuan. Tumingin tingin ako sa paligid. It's so dark. I feel like dancing.

"Sige, I'll just umm, ask for something that tastes nice." Sabi ni Sydney nang hindi ko nasagot yung tanong niya at hinawi yung buhok ko while giving me a reassuring smile. Napangiti nalang ako at naglakad na siya palayo.

Sydney Mica Garcia's POV

Ano kayang nangyari kay Meghan? Gusto ko siyang tanungin kaso baka ayaw niyang magopen up. Pero baka naman kailangan niyang tanungin ko siya para maramdaman niyang may pake ako? Hay, hindi ko na alam. I'll just try my best to cheer her up!

Napatigil ako sa paglalakad at naramdaman yung paglakas ng tibok ng puso ko nang makita ko yung lalaki sa labas ng hotel kanina. Sayang, bigla silang umalis nung kakakita palang nila sa amin.

Nakaupo sila sa tapat ng bartender. Meron pa namang isang bartender sa hindi kalayuan pero bigla akong nakaramdam ng tapang. For once, maybe I should try to make a move at hindi puro tiwala nalang sa tadhana.

Kabadong kabado ako at naramdaman kong nagpapawis yung kamay ko habang naglalakad. Sobrang gwapo niya kahit nakatalikod. Napakatangkad at ang ganda ng kutis. Kayumanggi siya at malaki yung katawan. Lalaking lalaki!

Meghan, My ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon