Chapter 21

410 205 8
                                    

Chapter 21: Resort

Meghan Ferren's POV

7:57 AM

"Resort de Atenea." Basa ni Sydney sa pangalan nung resort. "We're here!!!" She squealed at lumabas agad ng kotse nang tumigil ito.

I smiled at nagkatinginan kami ni Jaden. Hinawakan niya yung kamay ko at kiniss 'yon.

"Happy birthday ulit, baby." Sabi niya habang tinatawag tawag na kami ni Sydney.

"Tara na!! I'm so excited!" Pagtawag niya sa amin habang tinatanaw yung beach. Dala niya na lahat ng gamit niya at excited na nagpipicture sa harap ng resort.

The air feels good, the kind that you'll only feel on the beach. I love it.

Lumapit ako kay Jaden at hinalikan siya. Naramdaman kong napangiti siya while kissing me.

"Let's go?" Tanong ko kay Jaden at tumango siya. Lumabas na ako ng kotse at dinala yung mga gamit ko. Agad namang umikot si Jaden at inagaw yung mga bitbit kong gamit.

"Let me carry that for you."

"I can manage." Sabi ko at inagaw ulit 'yon sakanya. "Madami ka nang dala."

"Come on, won't you let me be a good boyfriend?" Tanong niya at medyo naguilty ako. Inabot ko nalang sakanya yung mga dala ko, except sa maleta. Ngumiti ako at naglakad na papunta kay Sydney.

"Let's goo!!" She squealed in excitement at hinila ako papasok sa loob. Agad namang sumunod si Jaden.

"Good morning! Welcome to Resort de Atenea, did you make any reservations?" Bati sa amin ng babaeng receptionist pagpasok namin sa lobby.

"Yes. It's under Jaden Lee." Sabi ni Jaden at may tiningnan yung babae sa notebook niya.

"Oh! Three grand suites, right?" Tanong niya at tumango naman si Jaden.

"He got a grand suite?" Bulong sa akin ni Sydney at napatingin ako sakanya. "He shouldn't have, masyadong mahal yun!"

I smiled at hinawakan yung kamay niya habang kausap ni Jaden yung receptionist.

"It's fine, Sydney. I told you, I wanna treat you." Sabi ko sakanya at napabuntong-hininga siya.

"Sige, I'll let you pay for my room, pero libre kita lahat ng pagkain on this trip, okay?" Sabi niya at tumango nalang ako.

"Sure!"

"Tara na." Jaden called us at excited kaming sumunod sakanya. "You'll choose sa tatlo kung ano gusto niyong sainyo." Sabi ni Jaden at tumango kami.

We went inside the elevator and he pressed '7'. Hinawakan ni Jaden yung kamay ko at sinandal ko yung ulo ko sakanya. He smells so good, as always.

"Let's build sand castles." Biglang sabi ni Sydney habang umaakyat na yung elevatoer at tumawa ako.

"You want to? Hindi ako magaling doon eh." I said at natawa si Jaden.

"Yeah, we both suck at building literally anything with sand." Sabi niya at tinawanan kami ni Sydney.

Naalala ko tuloy yung pagtry naming gumawa ng small buildings using sand sa garden nila Jaden dati. We were 10 back then.

I feel happy and excited about this short trip. But somehow, parang may kulang.

Adrien Rives's POV

"Bakit ba kasi gusto mo pa sumama?!" Naaasar na tanong ko kay Ross habang namimilipit na siya sa sakit ng tyan niya.

"Eh gusto ko makita yung Sydney eh!" Sabi niya habang hawak hawak yung tyan niya. We're in a highway, in the middle of a traffic jam, at natatae yung kasama ko. "Sydney na nga ako eh! Hindi ko na nga aagawin yung Meghan mo!"

"Anyway, anong plano mo ngayon na hindi gumagalaw yung traffic?" I asked at napangiwi siya habang hawak yung tyan niya.

"Ikaw matalino, diba?! Ikaw magplano!" Sigaw niya sa sakit at napapikit ako sa frustration. "Pag hindi ka nakahanap ng CR, tatae ako dito sa kotse mo!"

"Don't you dare!" Sabi ko at tumawa siya. Pinagpapawisan na siya ngayon at hindi mapakali.

"Fuck!!!" Sigaw niya sa sakit. "Bilisan mo nga!"

"Anong bilisan?! Hindi nga gumagalaw yung mga nasa harap ko!" Sabi ko habang tinuturo yung mga kotse sa harap namin.

"Basta bilisan mo! Ang sakit na ng tyan ko!!!" Sigaw niya at sumipa sipa na parang bata. I can't believe he tagged along para lang bigyan ako ng aalagaan.

"Paanong bilis ba gusto mo? Pabilisin ko yung traffic?!" Napapikit nalang siya at sumandal sa upuan.

Gumalaw na yung mga kotse at sinubukan kong gumilid.

"W-What are you doing?" Natatarantang tanong niya.

"Dito ka nalang magCR. They won't see you." Sabi ko habang pumupunta sa gilid ng kalsada, kung saan puro damo.

"What the fuck?!" Pagrereklamo niya habang nakatingin sa akin na parang hindi siya makapaniwala.

"Tatae ka dyan o itutulak kita palabas at iiwan?!" Sigaw ko sa inis at napabuntong hininga siya.

"Sige. Basta pre, takpan mo 'ko ha." Sabi niya at inirapan ko lang siya. "SUNGIT MO! PAG IKAW NATAE DIN, IIWAN KITA!" Sabi niya at natawa ako.

Itinigil ko na yung kotse sa gilid at napahawak si Ross sa ulo niya, napapraning na.

"Sure ka na ba dito?" Tanong niya habang tumitingin tingin sa paligid. Mabagal parin yung takbo ng mga kotse sa kalsada. Matatakpan naman siya ng kotse ko pero may onti parin na pwedeng makakita sakanya.

"Bilisan mo nalang. Aarte ka pa eh." Sabi ko at padabog siyang lumabas ng kotse.

"Tangina mo, Adrien!!!" Sigaw niya nang nasa labas na siya.

"Bakit ka pa kasi sumama?!"

Napakamot nalang siya ng ulo niya at naghubad na. Napamura ako sa isip ko at umiwas nang tingin.

"Oh ano, hindi mo ko matingnan ngayon?!" Sigaw niya at binato ko siya ng tissue na nasa kotse.

"Anong gusto mo?! Panoorin kitang tumae?!" Sigaw ko at umiwas na ulit nang tingin. May mga nakita akong iilang kotse na nakatingin sakanya at tumatawa.

"Fuck!!!" Sigaw niya na parang nanganganak habang tinutuloy yung ginagawa niya.

"Kadiri ka! Bilisan mo na nga dyan!" Sigaw ko at binato niya pabalik sakin yung box ng tissue.

"Gusto mo pabilisin ko paglabas ng tae ko?!" Sigaw niya sa akin at napasandal nalang ako sa upuan ko.

Hindi ko alam kung anong trip neto ni Ross at gustong sumama sa akin para puntahan si Meghan. Nung nalaman niyang nahanap na namin si Meghan, sabi niya yung kaibigan nalang daw sakanya, which is Sydney.

May location kasi yung post nung Sydney. They're on their way to a resort called Resort de Atenea. We looked it up and we still have almost 3 hours bago makarating doon. Hindi ko nalang alam ngayon kung anong oras kami makakarating kasi busy pang maglabas ng hinanakit si Ross at napakabagal ng traffic.

"Ughh!!!" Pagungol ni Ross habang tumatae. Napatingin ako at nakapikit pa siya habang hawak yung shirt niya.

"Can't you shit quietly?" Naaasaran na tanong ko pero hindi niya ako pinansin at pinagpatuloy yung pagiingay niya. Tinakpan ko nalang yung tenga ko at napapikit.

I wanna see Meghan already.

Meghan, My ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon