Chapter 14

560 311 40
                                    

Chapter 14: Second

Meghan Ferren's POV

"How did you get in here?!" Hindi makapaniwalang tanong niya at natawa ako. Tinanggal niya yung mask niya at natawa ako. He looks like shit, but he's still cute.

"You look like shit." Sabi ko sakanya at parang nahiya naman siya.

I can't believe I'm here. Nakita ko na ulit siya. Hindi ako makapaniwala na nakita ko ulit siya.

"Yeah, I'm sorry." Wala sa sarili niyang sabi at pinitik ko yung noo niya. "Aray!!"

Naalala ko tuloy yung iniisip ko... That I'll kiss him if I see him again. I didn't know that I'll actually see him again. Ngayon, hindi ko na alam gagawin ko.

"Tanga ka kasi, dapat ako nagsosorry sayo!" Sabi ko sakanya.

"Edi magsorry ka! Bakit ka pa namimitik ng noo?! Ganyan ka magsorry, ha?!" Sabi niya sakin at napahawak sa noo niya. Tinawanan ko lang siya.

"Arte mo. Magdrive ka na nga lang."

Ang weird ng nararamdaman ko. Parang ang gaan sa pakiramdam to actually see him in front of me.

"Anong maarte?! Ilang beses akong binato ng plato at remote sa noo ng boyfriend mo!" Sabi niya at nagsimula nang magdrive.

Bakit ba kami nagaaway?! Isa pang baliw 'to eh. Ngayon na nga lang kami nagkita ulit, galit na galit pa sakin.

"Saan ka naman pupunta ha?" Tanong ko at parang napaisip siya na hindi niya rin alam.

"Home?" Maikli niyang sabi at binatukan ko siya. "Ow, ano ba!!" Sigaw niya at napahawak sa batok niya.

"Ano sasabihin mo sa nanay mo? 'Mommy, nadapa ako tapos nabasag mukha ko?!'" Sigaw ko sakanya.

"Eh saan mo ba gusto pumunta?! You're so frustrating! Alam mo bang hindi pa ako kumakain at kagabi pa ako hindi nakakauwi?!" Sigaw niya at napangiti ako.

I like him like this. Ang sarap niya galitin. I like his face when he's annoyed.

"Eh bakit kasi hindi ka umuwi?! May tinitira ka kagabi, 'no?" Tinigil niya ulit yung kotse at humarap sakin, mukhang pikon na. "Sinong tinira m-"

"Tini- Anong tinitira?!" Sigaw niya sa sobrang inis. "Wala akong 'tinira' kagabi! Kung alam mo lang kung saan ako galing at kung ano ginagawa ko kagabi!"

"Oh, edi ano?"

"Basta! 'Wag ka na nga magtanong!" Sabi niya at nagdrive na ulit. Baliw baliw din talaga eh.

Nanahimik nalang ako kasi baka mahimatay na siya sa sobrang inis. Maya maya, nakaisip na ako ng pupuntahan.

"Umalis ka nga dyan."

"Saan na naman?!" Bigla niyang sigaw at pinigilan ko nang tumawa.

"Oh, bakit galit ka agad?!" Kumalma siya at tiningnan lang ako. "Ako na magddrive. May pupuntahan tayo."

"Saan mo na naman ako dadalhin? Alam mo ba mga nangyayari sa akin dahil sayo?!" Ano ba 'to. Parang may regla.

"Duh? Oo, alam ko! Umalis ka nalang kasi dyan!" Sigaw ko sakanya at tinulak tulak siya. Napakabagal eh.

"Pinapaalis mo ko sa sarili kong kotse tapos ikaw pa galit?!" Reklamo niya at hindi talaga lumabas kahit tinigil niya na yung kotse.

"Wala kang pake!" Sagot ko sakanya

"Anong walang pake?! Ikaw yung walang pake! I tried to find you. I looked for you! Waited for you! Eh, ikaw?!" Sabi niya. Nagkatinginan kami. Natahimik siya. Mukhang hindi niya sinasadya na masabi 'yon.

Meghan, My ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon