Chapter 31

421 212 19
                                    

Chapter 31: Happy Birthday

Meghan Ferren's POV

"Where have you been?" Tanong ko kay Sydney bago siya umupo.

"Natagalan lang ako sa pamimili ng bibilhin na drink." Sabi niya at ngumiti. Naglapag siya ng isang Irish whiskey sa harap ko and I grinned.

"I love Irish whiskey." Sabi ko habang binubuksan 'yon. Biglang may mg naghiyawan na mga lalaki sa gilid namin. Napatingin ako at tumatalon talon sila. Napakaingay. May pinagtitripan ata. Nagkatinginan kami ni Sydney.

"Wanna get out of here?" Tanong niya at tumango agad ako.

Tumayo kami at iniwan yung mga baso sa lamesa. Naglakad kami papunta sa exit at madaming nakakabunggo sa amin dahil sa dami nang nasa dancefloor. Hawak hawak ko yung bote sa kamay ko habang sinusundan ako ni Sydney.

"I wanna drink at the beach." Sabi ko sakanya at tumango siya. Nakalabas na kami sa bar at naglalakad na ngayon sa buhangin. The air is chilly at sobrang peaceful sa pakiramdam. Umupo kami sa tabi ng dagat at uminom na ako sa bote.

"Are you okay?" Tanong ulit ni Sydney nang mapansing tahimik ako. I sighed at inabot sakanya yung bote. Uminom din siya dito. Ang daming mga stars sa langit ngayon. It's beautiful.

"I just can't believe my father sent me a gift after what he did." Sabi ko sakanya at sinandal niya yung ulo niya sa balikat ko. She's good at comforting me kahit hindi niya alam kung anong problema. "He's the worst, Sydney. You'll never forgive him pag nalaman mo yung ginawa niya."

Hindi na siya umimik at uminom lang kami in silence. I like it. I feel comfortable and at peace.

"I'm sorry. We should be partying our asses out right now. Ang boring ko." Sabi ko na natatawa. She patted my back para icomfort ako.

"It's fine, Meghan. I prefer this anyway." Sabi niya at napangiti nalang ako. I'm so thankful I have her.

"Nakita ko nga sabi si Meghan oh!" Bigla akong may narinig na sigaw ng pamilyar na boses. Fuck. He's here. "Stop fucking with me, Ross! 'Wag mo na akong pigilan!"

Tumayo kami ni Sydney at pinanood ko siyang maglakad papunta sa akin. Lasing na lasing siya at mukhang bigla nalang matutumba. He's with a friend na mukhang ikinakahiya na siya.

"Meghan! I tried so hard to find you... Megh-"

"Ano bang trip mo, Adrien?!" Sigaw ko sakanya. Buti nalang at wala nang tao sa beach nang ganitong oras. Naglakad lang siya papunta sa akin kahit na mukhang hilong hilo na siya.

Tuluyan na siyang nakalapit sa akin at bigla akong niyakap.

Tangina. I hate him. I hate how he smells as good as the night we made out in his car. I hate how he's as gorgeous as the night I first met him. I hate how I still feel the same when I told him I wanted to kiss him. I fucking hate Adrien Rives.

Tinulak ko siya nang malakas at sinalo siya ng kaibigan niya para hindi siya matumba.

"You kissed the hell out of me while you have a girlfriend, Adrien! You're a liar! Manloloko ka! Wala kang kwenta! Fucking cheater!" Sigaw ko sakanya at naramdaman kong sumisikip yung dibdib ko.

"What?!" Gulat na sabi ni Sydney at tiningnan nang masama si Adrien.

I hate him, but something inside me knows that I'm so glad he found me and I got to see him again.

"Tara na, man." Sabi sakanya nung kasama niya at marahang hinila yung braso niya.

"No! Leave me alone!" Sigaw niya sa ngongo na boses. He's so drunk. I thought he doesn't drink? "I never cheated on anyone, Meghan. Hindi mo manlang ako hayaang magexplain!" Sigaw niya pabalik habang pagewang gewang na.

Meghan, My ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon