Chapter 38

334 167 13
                                    

Chapter 38: Okay

Meghan Ferren's POV

Earlier in the day...

6:37 AM

"But why do you wanna leave, Meghan?" Naguguluhang tanong ni Sydney sa akin habang inaayos na yung mga gamit niya.

"I just want to. Ayaw ko na dito. It's boring in here." Pagsisinungaling ko. Hindi ko narin alam kung paano ikikuwento sakanya 'yong mga nangyari kagabi between me and Adrien.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok rito. I walked towards it, and opened the door when I heard Jaden's voice.

"Patapos na kami." Sabi ko sakanya at tumango siya habang chinecheck yung mga iniimpake naming mga gamit.

"Take your time." He said at ngumiti sa akin. Kagabi pa siya ganito. Matipid magsalita, tahimik, at hindi na sweet. Hindi naman siya cold. It just seems like something is bothering him. I feel like he's sad.

"Can we talk outside?" Tanong ko sakanya at bumalik ang tingin niya sa akin.

"Sure." He said as he gave me a small smile.

Busy parin si Sydney sa pag-aayos ng mga gamit dito sa kuwarto niya. Lumabas na kami ni Jaden at dahan-dahan kong isinara 'yong pinto.

"What is it?" Tanong niya. Humarap ako sakanya at tiningnan siya nang mabuti. Something's clearly wrong with him, and I don't know why he's hiding it from me. He used to tell me everything.

"Are you okay? Kahapon ka pa ganyan. You seem a bit upset." Mahinang sabi ko at ngumiti naman siya. Isang pilit na ngiti.

"I'm okay. Wala 'to. Don't worry about me." Sabi niya sa akin at umiwas nang tingin. He's lying. I've known him for more than half of my life kaya alam ko na kung nagsisinungaling siya.

"What is it, Jaden? You know you can tell me anything, right?" Tanong ko at marahang hinawakan 'yong pisngi niya.

"I... I don't know how to tell you, Meghan." Nalulungkot na sabi niya, hindi parin makatingin sa akin. I frowned at dahan-dahang humakbang paatras.

"Why?" Malambing kong tanong.

"It's just-" Hindi niya na natuloy 'yong sasabihin niya nang biglang bumukas 'yong pinto ng room ni Sydney.

"I'm ready!" Sigaw ni Sydney na hawak hawak 'yong maleta at mga gamit niya. Napatingin kaming dalawa ni Jaden sakanya at agad ko siyang nilapitan.

"Let's go?" Tanong ko at tumango siya. "Kukunin ko lang 'yong akin, ha?" Paalam ko at napatingin kay Jaden na malungkot na nakatitig lang sa akin.

"Sure! Kunin mo na!" Excited na sabi ni Sydney at tumango ako. It seems like she's in a good mood. Tumalikod na ako at naglakad papunta sa suite ko.

Ano kaya 'yong gumugulo sa isip ni Jaden? And why is it that he can't tell me?

**

"I look around, turn the radio down. He said, baby is something wrong?!" Kanta ni Sydney na sinasabayan yung radyo dito sa kotse ni Jaden. Nakaupo lang siya sa backseat at mukhang kanina pa may kachat sa phone niya. Natawa nalang ako at inilapag 'yong wala nang laman na bote ng beer sa paanan ko.

"Are you a fan of Taylor Swift?" Tanong ko kay Sydney at natawa siya.

"No. Nakalakihan ko lang, lagi ko naririnig, ganun. Like a childhood song." Sabi niya at bumalik sa pagsabay sa kanta.

Childhood song... Napatingin ako kay Jaden at naisip yung kinanta namin noon. We were only 12 back then. He came over just because he wanted to sing a song together. It's also the first time he told me he likes someone. Wala akong kaalam-alam na ako pala 'yon.

Meghan, My ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon