Chapter 39

359 176 14
                                    

Chapter 39: Stalker

Meghan Ferren's POV

12:26 AM

"Fuck. Fuck. Fuck!" Paulit-ulit na bulong ko sa sarili ko nang magring na 'yong phone ni Adrien.

Napatayo ako at naglakad-lakad dito sa kuwarto ko. I can feel my heart beating rapidly and my hands getting sweaty.

Hindi ko na kaya, hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin ko sakanya!

Pinindot ko agad yung end call bago niya ito sagutin.

Fuck! Inabot ako ng 12 sa kakaisip kung tatawag ba talaga ako sakanya, at ngayon na tinawagan ko na siya, ieend ko rin bigla. Ang gulo ko, putangina.

Napatalon ako nang tumunog yung phone ko. Adrien sent a fucking text!

[Who are you?]

Naibato ko 'yong phone ko sa sobrang gulat sa text niya. Lumipad ito papunta sa likod ng kama. Should I tell him it's me, Meghan? After I fucking left him on the resort?

Maybe I should just sleep and tell Jaden I couldn't do it.

Or maybe I should just try and talk to Adrien.

Tangina naman!

Naglakad ako papunta sa phone ko at sinubukang abutin 'yon sa likod ng kama pero hindi ko ito abot.

Tangina naman kasi eh, bakit ko ba kasi binato?! Tulog na siguro si Adrien, baka magising ko.

Naglakad ako nang mabilis papunta sa dulo ng kama at hinila ito para magkaroon ng space sa likod ng kama at nang maabot ko na 'yong phone ko. Fuck, ang bigat! Hinding-hindi ko na ibabato ulit iyong phone ko.

Nang mahila ko na 'yong kama, mabilis akong tumakbo papunta sa likod nito para makuha 'yong phone ko na ibinato ko.

I quickly went to the contacts as soon as I saw that my phone isn't broken. Lumakas na naman 'yong tibok ng puso ko nang makita ang pangalan niya.

Should I really call him? Paano ko siya aayain na magkita? Paano kami maguusap nang maayos? I don't even fucking know how to say 'hi' to him!

Tinawagan ko na ulit siya at pumikit nalang sa sobrang kaba. I wonder how my voice sounds like, okay lang kaya? Is it sexy enough? Do I sound like a fucking man? Baka-

"What?!"

Muntik ko nang mabitawan 'yong phone ko nang sumigaw si Adrien sa kabilang linya. Fuck, why is he so mad?! Mas lalo tuloy akong natatakot magsalita!

Sa sobrang kaba ko ay ilang minuto na pala ang nakakalipas at hindi ko parin alam kung paano magsalita. What am I even supposed to tell him?!

"Who the fuck is this? Bakit hindi ka nagsasalita?!" Naiinis niyang sabi at huminga ako nang malalim.

You just need to tell him that it's you, Meghan. Kailangan mo lang siyang tanungin kung gusto niyang magusap nang maayos!

Napatigil ako sa panenermon sa sarili ko nang magsalita na naman siya.

"You're pissing me off! It's fucking midnight and I wanna get some sleep! Kung gusto mong mangistorbo, p'wede bang doon nalang sa mga gising?! You're-"

Hindi ko na natiis na hindi magsalita dahil parang inis na inis na siya sa akin.

"See you tomorrow." Mabilis kong sabi at inend na yung call.

Meghan, My ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon