Chapter 34

395 207 9
                                    

Chapter 34: Answer

Adrien Rives's POV

"Hindi ka ba naaanghangan, Adrien?" Tanong sakin ni Jaden habang nagsasalin ng iced tea sa baso ni Meghan.

"Nope." Sabi ko habang ramdam kong nasusunog na yung buong bibig, dila, leeg, dibdib, at tyan ko sa sobrang anghang. Naluluha narin ako pero pinipigilan ko nalang. Fuck this shit.

"Namumula ka eh." Sabi ni Meghan at tiningnan ako, as if studying my face. Nahihirapan narin akong magsalita dahil mas umiinit yung buong bibig ko kapag nagsasalita.

"Wala 'to." Matipid kong sagot.

"Eh pulang pula nga mukha mo oh! Tingnan mo!" Sabi ni Meghan at tinuro yung mukha ko. She's worried about me.

I feel like my mouth is on fire, but I feel like the happiest because my Meghan is fucking worried about me.

"Oo nga, man. Mukha kang sasabog nalang bigla." Sabi ni Ross at tinawanan ako. Bumalik yung tingin ko kay Meghan na inis na nakatingin sa akin.

"You should go to the restroom muna. Check yourself, ganun." Sabi ni Sydney at tumango ako. My tongue fucking burns. Malapit na akong magsisi na nagmaang-maangan ako sa pagkain nun.

"Yeah. I'll be back in a minute." Sabi ko at tumayo na. Nakatitig parin sakin si Meghan na mukhang gusto na akong sakalin. Why is she so mad at me??

Naglakad na ako paalis dun at nang makarating sa restroom ay agad na napasuka sa toilet bowl.

"Fuck." Bulong ko at napahawak sa tyan ko. Sinisipon narin ako ngayon dahil sa sobrang anghang. Tanginang noodles yan. How could people it that thing?!

"Adrien?" Napalingon ako sa pinto nang may kumatok at marinig ko ang boses ni Meghan. "Open the door."

"Why should I open it?" Nagtatakang tanong ko at napaatras ako nang sipain niya 'yon. "What's your problem?!"

"Sabi ko kasi, buksan mo!!!" Sigaw niya at agad akong nagmumog at nagpunas ng bibig. Mabilis akong pumunta sa pinto at binuksan ito.

"This is the men's comfort room, Meghan." Seryosong sabi ko nang pumasok siya sa loob na parang kwarto niya ito. Bigla siyang lumapit at nilagay yung kamay niya sa noo ko.

"Are you okay?" Malambing na tanong niya. She looks so cute. Fuck, ang lapit niya sa akin ngayon. Pinigilan kong ngumiti at baka bumalik siya sa pagiging baliw.

"Hindi ko narin alam eh. Ang sakit ng ulo ko, parang bigla nalang ako mahihimatay." Pagsisinungaling ko kasi gusto ko pa siyang mag-alala. I love how her face looks when she's concerned about me.

She frowned at me, looking so sad.

"Why were you glaring at me the whole time nung nakaupo tayo doon sa table?" Tanong ko at napayuko siya. Ngayon lang ata kami nakapagusap nang kalmado at hindi nagsisigawan.

"Because you annoy me. You make me worry." Sabi niya at hindi ko na napigilang ngumiti.

"Wala naman akong ginagawa ah?"

"Ikaw, tangina mo! 'Wag ka na magtanong!" Bigla niyang sigaw at sinampal ako.

"Ow! Aray!" Pagpapaawa ko at nakunwaring mas lalong sumakit yung ulo ko. Agad naman siyang bumalik sa pagaalala. God, I'm enjoying this.

"Hala, hala, I'm sorry! Masakit ba? I'm sorry, Adrien!! Hindi na, hindi na. Sorry!!" Natatarantang sabi niya habang hinahawakan yung mukha ko. My tongue still burns, but I really don't mind. Ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso ko habang tinitingnan siya, and I don't want it to stop.

Meghan, My ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon