Chapter 8

687 409 44
                                    

Chapter 8: Thoughts

Adrien's POV

3:17 P.M.

Nasa last class na ako ngayon at hindi pa rin mawala sa isip ko 'yong mga nangyari kagabi. I haven't said a word about it to anyone.

I'm fucking mad at her. Muntik na ako mamatay kagabi sa takot dahil sa kaniya!

I hate her. I hate that 'Meghan' girl. She scared the shit out of me last night and now she won't leave my mind. She's so frustrating.

But I can't stop myself from thinking about her at kung nasaan na siya ngayon. Would it be better kung hindi ko siya iniwan?

She's bothering me so fucking much. Nahirapan ako mag-focus sa mga discussion all day long. I even stumbled over my words one time when I was called to recite.

"Man, pakopya," maingat na bulong sa'kin ni Bryce at napabuntong-hininga ako. He looks like he's gonna pass out dahil sa sobrang kaba sa quiz namin ngayon. Ipinakita ko sa kaniya 'yong papel ko habang hindi nakatingin iyong prof namin. "Hoy, gago," bulong ulit ni Bryce, catching my attention. "Putangina mo," he added, making me give him a confused look.

"Why?"

"Wala ka namang mga sagot eh. 10 minutes na lang natitira o," aniya at para akong bumalik sa realidad. Ang tagal ko na pa lang lutang dito. "Anong pinapakopya mo d'yan? Pangalan mo?" natatawang asar ni Bryce at natataranta akong nagsagot at ipinakita kay Bryce 'yon isa-isa, rolling my eyes at him every time he complained about how tiny my handwriting is.

"Pens down," biglaan at mariin na sabi ng prof namin, sending some of my classmates in shock. "Pass your papers," our prof commanded as he stood up his chair. Luckily, katatapos ko lang din sa pagsagot. We passed our papers at nag-ayos na ng gamit. Bryce patted my shoulder.

"Salamat, man," he uttered. "Kahit broken ka, pinakopya mo 'ko," natatawang sabi niya sa'kin at napatingin ako sa kaniya habang tumatayo na.

"Broken?"

"Kanina ka pa mukhang malalim iniisip e," he said as he swung his backpack over his shoulder. "Tapos di ka pa nakasagot agad," dagdag niya habang tumatawa. Tumawa na lang rin ako at umiling.

"Wala 'to," I denied at tumingin ng diretsyo sa kaniya, looking directly at his eyes so I would look like I'm telling the truth. "May misunderstanding lang kami ni Katniss," I said, trying to sound sad at binatukan niya 'ko nang pabiro. Na-dismiss na kami at naglabasan na 'yong iba naming mga classmate.

"Maganda 'yan. Mamroblema ka rin sa mga babae. Hindi iyong puro aral iniisip mo," huling sabi niya bago ako umalis ng room.

I hate this feeling—naghahalong alala, inis, dismaya, galit, lungkot, at kung ano-anong emosyon na hindi ko nagugustuhan.

Ano na kayang nangyari sa kaniya? Anong nangyari bago niya ako nakita?

She was alone in the middle of a highway. Ni wala ngang halos dumadaan doon kagabi. Walang mga buildings—wala lahat. Paano siya napadpad doon?

"Adrien!" I heard Katniss calling me at napabuntong hininga muna ako bago humarap sa kaniya. She's heading towards me, holding her sling bag as she ran.

"Yeah?"

"Are you busy?" agad na tanong niya sa akin. "Tinatanong kasi nina Summer kung gusto mo raw ba bumalik sa restaurant kagabi," she muttered, giving me a sheepish smile.

Nakita ko sa likod niya si Jamie—who looks too fine for someone who was just theatrically crying her eyes out last night. Mukhang okay naman na siya. Kinuwento nila sa akin kaninang umaga na nagkabalikan na daw sila noong iniiyakan niya kagabi.

Meghan, My ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon