Chapter 22

420 199 10
                                    

Chapter 22: On My Way

Meghan Ferren's POV

9:02 AM

"Let's go swimming!!!" Pamimilit ni Sydney at natawa ako habang nagpapahinga.

"We just had breakfast, Sydney, at sobrang init sa labas." Sabi ko at nagpout siya sa akin. Lumingon siya kay Jaden at natawa nalang rin si Jaden.

"If Meghan doesn't want to go out, then I don't want to either." Sabi ni Jaden at nginitian ko siya.

"Ugh! Can we atleast go out and like, take a walk?" Suggest ni Sydney at napabuntong hininga ako.

"Sige na nga, tara!" Sabi ko at tumayo. I saw Jaden grabbing his camera at kinuha ko naman yung shades ko. Tumambay kasi muna kami dito sa room ko after our breakfast.

Excited na naglakad si Sydney palabas ng room na tuwang tuwa. Nagulat ako nang bigla akong hilain ni Jaden palapit sakanya.

"I missed you." He whispered at tiningnan ko siya nang nagtataka. "I mean, I missed being alone with you." Sabi niya at hinawi yung buhok ko.

"You can sneak in my room tonight." Bulong ko at ngumiti siya sa akin.

"Sure."

"Meghan! Jaden! Ang tagal niyo!" Sermon sa amin ni Sydney at bumalik sa room. "Mamaya na kayo magganyan ganyan, come on, let's take pictures!"

Natawa ako kay Sydney at nagkatinginan kami ni Jaden.

"I love you." Bulong niya at nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib ko. I can't say it back. I can't lie to him.

"Jaden-"

"Shh, you don't have to say it back." Sabi niya at kiniss ako sa noo. Napapikit ako at nakaramdam ng lungkot. "I know how you feel about me. You don't have to say anything. Gusto ko lang sabihin sayo na mahal kita." Sabi niya at niyakap ako.

"Really? Hindi parin kayo tapos?" Masungit na tanong ni Sydney na bumalik na naman sa kwarto.

Natawa ako at hinila na si Jaden palabas ng suite ko.

Adrien Rives's POV

9:02 AM

"Adrien..." Tawag sakin ni Ross na namimilipit sa backseat.

"What?!" Iritang tanong ko kasi tatlong beses na kaming tumigil para sa pagtae niya. Umupo siya at lumapit sa akin.

"Can't we stop at a drugstore?" Pangungulit niya at tiningnan ko siya nang masama. Hindi na masyadong traffic ngayon pero baka hapon na kami makarating dahil sa kasama ko.

"Sasabihin ko nga pag may nakita ako! Ang kulit mo!" Sabi ko at humiga nalang siya ulit sa mga upuan.

"Fuck you, Adrien." Bulong niya sa sarili niya at napailing nalang ako.

"Sama sama pa kasi eh." Tiningnan ko siya sa rearview mirror at nakataas yung middle finger niya sa akin. "Inom ka lang ng tubig. It'll help." Sabi ko at binato sakanya yung isa pang bote ng tubig.

Sinalo niya ito at uminom nang nakahiga.

"Can't you atleast sit down? Baka matap-" Napatigil ako sa pagsalita nang matapon na nga yung tubig sa kotse ko.

"Oops, sorry, Adrien." Sabi niya at ngumiti sa akin. Napapikit ako sa inis at hindi nalang siya pinansin. "Sorry na nga eh." Pangungulit niya habang tinatapik yung balikat ko.

May nakita akong Ministop sa kabilang side at iginilid ko yung kotse para makapagU-turn.

"Uuwi na tayo?" Naguguluhang tanong ni Ross nang magU-turn ako at sinamaan ko siya ng tingin sa rearview mirror.

"I saw a Ministop. You need to eat rice. Maganda rin yung banana." Sabi ko habang nagddrive na papunta sa doon.

"Matatae ko lang ulit yun." Sabi niya na natatawa.

"Soup would also make you feel better. You should get some noodles." Sabi ko, totally ignoring what he said. Ipinark ko na yung kotse at naghanda na siyang lumabas.

"Bili narin tayo ng beer!" Sabi niya at lumabas na kami ng kotse.

"It would make your stomach more upset." He pouted at inirapan ko siya.

Pumasok na kami sa Ministop at inisip ko kung anong kakainin ko. Excited na tumakbo si Ross papunta sa mga chichirya. I sighed at sumunod sakanya.

"You can't eat those." Sabi ko habang naghahakot siya ng mga chichirya. "Ayaw mo bang maging okay yang tyan mo?!"

"Onti lang eh. Damot."

"I told you. Rice, banana, noodles. And also, lots of water." Sabi ko at binitawan niya yung mga kinuha niya.

"Sungit." Bulong niya at pumunta sa mga cup noodles.

Bigla kong naalala si Meghan. I wonder how long they'll be there. Sana naman pakinggan niya ako when I try to explain.

"Is this fine?" Tanong ni Ross sa mga kinuha niya at tumango ako. Umalis na siya at pumunta sa counter.

Kumuha ako ng tubig at udon noodles na hindi maanghang. Sumunod ako kay Ross na nagbabayad na.

"We should eat it on our way." Sabi ko sakanya.

"Gusto mong matapunan ng mainit na tubig?" Tanong niya habang tinuturo yung mga kinuha naming noodles.

"We just have to be careful, I guess." Sabi ko habang nilalagay sa counter yung mga pinili ko.

"Bahala ka dyan, kakainin ko na yung akin dito." Sabi niya at nilagyan ng mainit na tubig yung sakanya.

I sighed at nagbayad na. Agad akong sumunod sakanya at nilagyan rin ng mainit na tubig yung akin.

"Hindi maanghang sayo? Ang corny mo naman." Sabi ni Ross at tinawanan ako.

"I can't eat spicy foods. Hindi ko talaga kaya, kahit onti lang."

"Really?" Tanong niya at tinawanan ulit ako. "Cute ka pala eh." Pangaasar niya at hindi ko nalang siya pinansin.

Pagkatapos kong lagyan yung akin, nakita kong kinakain na niya yung sakanya.

"Luto na ba yan?" I asked at nagkibit balikat siya. "Isang minuto palang nakakalipas since you poured water onto that, what are you doing?"

"Ganun talaga. Para exciting." Sabi niya at hinayaan ko nalang siya. "You'll really eat yours sa kotse? Habang nagddrive?"

"Yeah. Traffic naman. I want to get there as soon as possible." Sabi ko habang naglalakad na kami palabas ng Ministop. Naubos niya na agad yung sakanya at iniinom nalang yung sabaw.

"Nakawhite ka pa naman. Pag natapon yan sa suot mo baka itaboy ka na ng Meghan mo." Sabi niya at tumawa.

Hindi ko siya pinansin at inunlock na yung kotse. Sakto namang naubos niya na yung kinakain niya at itinapon na yun sa basurahan.

"Grabe, nasunog na ata dila ko sa sabaw na yun!" Sabi niya na natatawa.

Sumakay na kami sa kotse at nilagay ko yung noodles sa gilid ng kotse para hindi matapon. Hindi naman puno eh, it won't spill.

"Let's go!!" Excited na sabi ni Ross na mukhang gumaan gaan na yung pakiramdam. I started the car at nagsimulang magdrive ulit.

Ano kayang magiging reaction ni Meghan when she sees me? I know she hates me right now, pero sana hindi niya ako itaboy.

Napatingin ako sa sarili ko sa salamin, and for the first time, I wanted to look good for someone.

I'm on my way, Meghan. Please wait for me.

Meghan, My ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon