Chapter 32

426 203 12
                                    

Chapter 32: Khaki

Meghan Ferren's POV

9:04 AM

"I can't believe him. Dalawang beses palang kami nagkikita and he went all the way here dahil lang tingin niya gusto niya 'ko?!" Chismis ko kay Sydney at natawa siya. Tinawagan ko agad siya umagang umaga para magchikahan over the phone because I can't stop thinking about last night.

"I really like him for you, Meghan. I mean, hindi ko alam kung ano mga nangyari between you two, but Adrien seems to really like you." Sabi niya at napahiga ako sa kama ko.

"Hindi parin ako sure kung wala talaga siyang girlfriend!" Sabi ko at napapikit.

"At kung wala talaga?"

"I still can't be with him! I'm with Jaden now, Sydney. Kung ano man yung meron sa amin ni Adrien, it has to end now."

"Bakit naman??" Tanong niya at halatang nadismaya siya. "Alam mo ba, naiiyak na ako kagabi kasi ramdam na ramdam ko yung mga sinasabi ni Adrien sayo. Para akong nanonood ng K-drama! Tagos sa puso!" Sabi niya at napabuntong hininga ako.

"But I can't just leave Jaden dahil lang bumalik sa akin si Adrien." Sabi ko at umupo ulit sa kama ko.

"Edi anong plano mo? I really really like Adrien for you! And I know you feel the same."

"To be honest, hindi ko na alam gagawin ko. I just need to stay away from Adrien." Sabi ko at tumayo. Naglakad lakad ako sa kwarto ko, iniisip isip yung mga sinabi ni Adrien sa akin kagabi. Fuck. I hate this situation.

"Bakit naman? Pwede naman kayo maging friends!" Sabi niya at napatigil ako sa paglakad lakad.

"Sydney, I can't be fucking 'friends' with a guy kung gusto ko siyang laplapin every time I see him!" Sabi ko at napasuklay sa buhok ko. Adrien is so annoying! "Let's... just go swimming."

"Tara!!!" Sigaw niya at tiningnan ko yung sarili ko sa salamin. I look... stressed.

"I'll be there in around 30 minutes. Magbibihis lang ako." Sabi ko at inend na yung call. Nilapag ko saglit yung phone ko at napatitig sa salamin.

Paulit ulit na nagecho sa utak ko yung boses ni Adrien kagabi na binabati ako. Naalala ko yung itsura niya habang sinasabi 'yon sa akin. He looked so sad and it's breaking my heart.

"Happy birthday, Meghan."

"Happy birthday, Meghan."

"Happy birthday, Meghan."

Hay nako, putangina. Bahala na siya sa buhay niya.

Kinuha ko ulit yung phone ko at minessage si Jaden.

[Let's go to the beach around 9:30!]

Humiga muna ako sa kama at pumikit. How could Adrien do this to me? Ginugulo niya isip ko and I can't fucking think of anything else.

Tumayo na ako at kinuha yung bathrobe ko. I went straight into the bathroom at naghubad. Pumasok ako sa shower, closing the sliding door. Pumikit ako at dahan dahang pinihit yung shower, letting myself feel the warmth of the water.

Meghan, My ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon