CHAPTER 68

289 12 15
                                    

DESTINED FOR YOU

Authorist notist:
   Gaya ng laging ko sinasabi!>_<

Hindi ko pa nare-read kaya medyo maraming typo 'siguro' tsaka wrong graham—este grammar.

Labyah!



ALLIYAH'S POV

"Nasan na po sina Cate?" Nag-aalalang tanong ko sa mga tauhan yata nila na nag-alis samin don.


"Hindi rin po namin alam maam, ang bilin lang po namin ni Sir Liquen ay ilayo kayo ron" sabi nung mamang nasa passengers seat.


"Mga Maam, Sir, suotin nyo po ito" bigla nalang may iniabot saamin yung dalawang lalaki sa likod. Nakasakay kami sa isang kotse ngayon. Black expander. "Bulletproof vest po yan" paliwanag nya pa habang iniaabot samin isa-isa ang susuotin.


"Naka-layo na ho tayo diba? Bakit kailangan pa nito?" Takang tanong ni Axel habang yakap ang kaptid ko.


"Hindi ho tayo nakaka-sigurado Sir Axel —


"Paano nyo nalaman ang pangalan ko?" Tanong ni Axel. Paano nga??


"Pinabantayan ho kayo samin nina Maam Cate at Sir Liquen noong umalis si Maam Cate, lahat ho kayong malapit sa kanya" sabi ni kuyang naka-black.


"P-pinabantayan k-kami?" Tanong ni Heather.


"Oho, hindi ho sya nawawalan ng mata sa inyo"


Hindi na kami naka-sagot. Naiyak nalang ako dahil akala ko talaga ng mga araw na yon, iniwan nya kami ng basta-basta.


LIQUEN'S POV

Isinugod namin sa ospital si Cate, pati si Dad. "Mom, eat first" sabi ko kay mama.


"Hindi...baka kung anong mangyari sa kanila" umiiyak na naman si mama.


Nandito kami sa waiting area, hinihintay ang doctor. Please save my sister please...save them. Sobrang ang natamo nila parehas, mabuti nalang ay nakarating kami kaagad.


Hindi ko alam kung sino ang nasa loob ng ICU dahil nag passed out kanina si mama kaya nabaling sa kanya ang atensyon ko.


Bigla akong napatayo ng lumabas ang doctor galing sa loob ng kwarto. "Sino po ang pamilya ng pasyente?" Hindi na ako nagdalwang isip at nagpunta agad sa harap nya.



"Ako po Doc..."



"Pasensya na ho kayo, we already did our best, makina nalang ang bumubuhay sa kanya, nasasa-inyo na po kung hahaysan nyo na syang mamahinga." kusang tumulo ang luha ko kasabay ng papel na iniabot ng doctor. "Pinabibigay nya ho sa inyo, mauna na ho ako" saka nya ako nilampasan. Masyado na syang nahirapan, tama na siguro to.?



Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi....walang mamatay sa kanila.... hindi sila yon, hindi si Dad hindi si Cate...




JALIE'S POV

Ilang linggo na si Kuyang tulog sa kama nya. Hanggang ngayon nasa ospital parin kami, sa pagkaka-intindi ko sa sinabi ng doctor, dala daw ng pagod ng katawan ni kuya yon.



Hindi namin alam ang buong pangyayari dahil tinawagan nalang kami bigla at sinabing nasa ospital nga daw si kuya.



Wala sina Dad at mom dito, kasama nila si Jamie na nagpapa-check up sa doctor nya kay ako langmag-isa ang naiwan dito. Nasa tabi ako ni kuya habang hawak ang kamay nya.



Destined for You Where stories live. Discover now